The Boy Whose Name Is Oliver

5 0 0
                                    

Anong gagawin ko dito?! Nene-nerbiyos naman kasi ako 'pag lapitan ko 'tong pusa na 'to.

Ngumiyaw nang mabangis ang pusa sa aso ko. Damn! Can anyone get this cat and throw?

"Easy, scaredy cat. Huwag kang susugod. Papatayin talaga kita." Mukhang naintindihan naman ng pusa dahil bigla siyang tumingin sa'kin. With it's sharp fangs! Oh freakin squirrels! Baka bampira 'to?

Bigla na'kong kinabahan nang dahan-dahan siyang lumakad patungo sa direksiyon ko.

"I'm dead."

Somebody please help me!

"Marunong ka ring palang umuwi, eh! Pinahanap mo pa'ko." Napatingin naman ako sa nagsalita. Karga-karga na ang pusa na kanina'y susugod na sana.

Shit. Gwapo.

"Sorry, miss ah. Mukhang tinakot po ata kayo ni Hamlet?" Hamlet? Geez. I can smell a fan of William Shakespeare.

"Oh. Hindi niya naman ako tinakot. Pero, parang hindi sila vibes ng aso ko." Malditang sabi ko sa kaniya.

Magpapakipot muna ako. Guwapo, eh.

"Ahh. Siyempre naman. Hindi talaga magka-vibes yung aso tsaka pusa. Unless, pag trip nila. May mga pusa kasi na ayaw na ayaw nila sa mga aso. Tas may mga pusa rin na may gustong kumaibigan sa mga aso. Minsan yung mga aso rin naman kasi---"

"Ok" sabi ko na lang sa kaniya tsaka tumalikod na't lumakad palayo. Daming satsat, eh.

"Aish. Ang bad mo, Jolene." Bulong ko sa sarili ko.

Jusmiyo sana naman hindi yun kasama ni Tito Jude.

Lumapit na'ko sa dog house ni CJ para ipakain sa kaniya ang pagkain niya.

"Ubusin mo iyan, ok?" Sabi ko rito kay CJ tsaka iniwan siya.

Pumasok na'ko sa loob at naabutan ko silang nagtatawanan. Atsaka naman tumingin sa direksiyon ko si Tito Jude.

"Andito na pala siya, eh! Halika rito may sasabihin kami sa'yo."

Nahiya naman ako sa sinabi ni Tito Jude. Ang sigla niya sa'kin, eh.

"Ah. Sandali lang po, mag---"

"Kayo naman po! Baka tutuksuin niyo na naman ako, eh!" Napakagat ako sa bibig ko nang narealize kong hindi ako ang kinakausap ni Tito Jude. Nakatingin rin naman kasi si Tito Jude sa lalaki.

Oh freakin squirrels! Nakakahiya.

Nakita ko ring ngumisi yung lalaki sa'kin. Yes! That boy who owns the cat! Pareho lang silang nakakainis ng alaga niyang pusa. Jusmiyo! Kainis.

Umirap ako tsaka dumiretso patungong gripo.

I hate my life. I freakin hate my life.

Narinig ko silang nagtatawanan. Tinutukso-tukso nila yung lalaki, eh. Jusmiyo. Kinikilig rin ata 'to. Tawa nang tawa. Kainis.

"Matanda na po yun, tita. Ayaw ko magkaroon ng sugar mommy, nho." Biro ng lalaki.

Ayaw ha. Eh, parang kilig na kilig ka nga.

"Kay Jolene ka na lang, Oliver! Magkasing-edad rin naman ata kayo, eh." Umirap naman ako sa sinabi ni Mang Mario. Lalong uminit ang ulo ko nang nagtawanan silang lahat.

Damn. Hindi ako maka-alis-alis dito sa gripo. Hanggang dito ba naman, eh rinig na rinig ko sila, eh.

"Puwede rin. Magna-nineteen na rin naman siya, eh." Namilog ang mata ko sa sinabi ni Mama. Oh my goodness gracious! No way!

Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon