"Mail!" Sigaw ni Mang Isko sa labas na nakaangkas sa kaniyang bike. Isa siyang messenger.
"Magandang umaga po, Mang Isko. Mano po." Bati ko sa kaniya sabay mano sa kaniya.
"God Bless You." Ngiting sabi nito sabay hawak ng ulo ko nang natapos na ang pagmano ko sa kaniya.
"Dalawa?" Nagtaka naman ako kung bakit dalawang sobre ang naririto ngayon.
Kung magsusulat si Papa sa'min, puwede niya namang sa isang sobre lang. Pero, parang galing rin naman sa ibang tao 'tong panunulat ng isang sobre. Na-familiarize ko na rin yung penmanship ni Papa, eh. Ito yung sa kabilang hawak kong sobre. May sticker pa itong eagle sa taas. Yung isa naman ay... flower?
"Uhm... salamat po. Ingat po kayo sa daan." Sabi ko rito kay Mang Isko.
"Osige. Mauna na'ko. Paalam." Sabi nito sabay tadyak ng kaniyang bisekleta palayo.
Hindi muna ako pumasok at sinundan ko lang si Mang Isko ng tingin hanggang siya ay lumiliit na dahil na rin sa kalayuan.
Inulit kong ineksamin ang sobreng hinahawakan ko. Parehong address pero magkaibang pangalan ang nakalagay.
Yung isa, pangalan ni Mama which is obviously ay kay Papa dahil may pangalan rin naman ni Papa sa top left ng envelope.
Yung isa naman ay may pangalan ko. At hindi ko alam kung kanino at saan galing dahil wala itong pangalan man lang! I don't know if it is necessary.
"Jusmiyo. Kanino ba galing 'to." Sabi ko sa sarili ko.
Inipit ko sa garter ng skirt ko ang sobreng para sa'kin atsaka itinago gamit ang damit ko. Kasabay rin nun ng pag-tawag sa'kin ni Mama mula sa loob kaya mediyo nataranta rin ako.
"Jolene. May sulat ba?" Hinarap ko si mama habang hawak-hawak ko ang sulat ni Papa para kay Mama.
"O-Opo. Galing kay papa."
Naglakad ako papunta sa kaniya tsaka inabot ang sobreng padala ni Papa.
"Osige pumasok ka na sa loob. Kakain na tayo." Tumango naman ako bilang sagot atsaka pumasok na kami sa loob.
Pumasok na'ko sa loob nang pumasok na si Mama upang kumain. Sabik na sabik na'kong basahin ang sobre kaya naman napadali ang kain ko.
"Tapos ka na agad?" Tanong ni mama kasabay nun ng pagtayo ko.
Tumango na lamang ako dahil puno pa ang bibig ko. Deym. Sorry mama.
Dali-dali akong lumakad papuntang kwarto. Ingat na ingat ako dahil baka malaglag 'tong iniipit kong sobre.
Desperada lang akong mabasa 'to. Tutal, akin naman 'to, eh. And! For the first time. I got a mail.
Pero... kanino naman galing 'to? Aish! Ano ba 'yan. Kanina pa'kong takang-taka rito, eh.
I take a deep breath and slowly
"Ooh." Namangha ako sa wax seal nito. There's a small Baby's Breath flower sealed in the envelope I'm holding. Nagagandahan ako rito.
I smiled and I slowly opened the envelope.
There's brown paper which is obviously old. Well, wala namang mali. I like it's style, actually.
Binuklad ko ang nakatiklop na papel at nagsmimula't nang magbasa.
"June 20th
Jolene,
Magandang araw o gabi sa'yo, aking mahal.-----"
"What the heck?!" Sigaw ko sabay takip ng bibig ko dahil baka marinig nga ako ni Mama.
Jusmiyo naman kasi! Bakit ganito?!
"... Kamusta ka naman? Dahil kung ako ang tatanungin mo, ay nanlulumo ako. Gusto na kitang makita ulit.---"
Bakit napakaharot nitong lalaki na 'to? Eh kahit nga ako walang ganiyang nararamdaman sa kaniya, eh.
Meron ba?
"... Nakakatawa mang isipin na, kahapon lang tayo nagkita, pero parang pakiramdam ko'y may pinagsamahan tayo. Meron ba?---"
Anong pinagsasabi nito? Ke landi-landi, eh. Kalalaking tao.
"... I noticed yesterday na parang hindi kayo vibes ng pusa ko. As well as your dog to my cat. Mukhang challenging kasi gagawa ako ng paraan na mapapalapit ang inlyong damdamin--- sa aking pusa. Puwede rin naman sa'kin.
Mabait naman kasi si Hamlet, eh. Kaya madali lang yan pakikisamahan. Tulad ko. Baka sakaling malalaglag ang damdamin mo, hehe."
"What the hell. No way." Diring sabi ko sa sarili. Pinipilit na ibinababa ang boses. Baka kasi marinig ako.
Alam ko na kung saan galing, 'to. Ngina. Nasa first paragraph pa lang, eh. Alam na alam ko na. Bakit pa kasi hindi nilagay ang pangalan. Arte.
"... Alam ko namang isang araw lang tayong nagkakilala. Pero magaan rin naman yung loob ko sa'yo. Kahit na pinipisikal mo'ko. Ayos lang 'yon. Wala lang naman sa'kin yun, eh."
I smiled slightly as I feel guilt. Okay. May kasalanan rin naman ako sa kaniya. Babawi na lang ako.
"... By the way, babalik kami sa susunod na araw. Magpapadala ako ng sulat bukas. Sorry kung hindi ko naisulat yung pangalan ko. Baka kasi magulat ka, eh. Imbes na basahin mo, baka susunugin mo lang. Sayang yung sinulat ko."
Magaling rin naman palang manghula 'to, eh.
"... So, I guess dito na'ko magtatapos. Magpapadala ulit ako ng sulat, ha. Promise may pangalan ko na.
P. S : Ang cute mo kapag napipikon ka, kaya gusto kong mambiro sa'yo. I just want to be friends with you. Kung puwede. Para naman may kaibigan ako kung lilipat na kami riyan.
Oliver,"
Ibinalik ko ang papel sa sobre at inilgay ito sa aking drawer."Ito lang?" I said in disappointment.
Jusmiyo, Jolene. Ano pa ba?
I groan as I mess my hair and swam at my bed. Why would I expect that much?
And this thing in my chest sucks! It beats so fast.