Pasimula

72 0 0
                                    

Bago makilala ni Krishna ang lalaking babago sa pananaw niya at magbubura sa nakaraang sakit na dulot ng lalaking nanakit ng kalooban niya ay wala na uli itong katiwa-tiwala sa mga lalaki. Takot na din siya magmahal at magbukas ng puso para sa iba dahil sa dati nitong unang nobyo na sobra siyang sinaktan ng dalawang beses at kinaladkad ang pangalan niya sa lugar nila.

Lumipas pa ang mga taon bago pa ito tuluyang nakalimot sa kabiguan. Hanggang sa siya'y naimbitahan ng malapit niyang kaibigan na babae sa handaan ng kasal nito. Nang okasyon na iyon, hindi niya inaasahan na makakakilala siya ng taong hindi niya inakalang babago sa kanyang pusong wasak pa at hindi pa handang muling magbukas para sa ibang kakatok sa naka-sarado pa niyang puso.

Ang lalaking ito ay si Nathan na kamag-anak ng asawa ni Sasha na malapit din niyang kaibigan. Si Emily na batang hipag ni Sasha ang unang nagpakilala kay Nathan sa kanya dahil sa wala pa itong asawa at wala pa ding nobya uli. Noong unang pagtatagpo nilang dalawa ay wala lang dahil sa tahimik lang si Krishna at medyo iritable na nakaupo sa isang tabi kasama ang iba pa nilang mga kaibigan na malapit din sa mag-asawang kinasal. Hanggang sa...

Buhay Pag-Ibig Ni KrishnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon