Kabanata 4

19 0 0
                                    

Heto na nga at nangyari ang pagwawakas ng buhay pag-ibig ni Krishna kay Nathan na hindi inaasahan sa mga nagdaang araw at buwan. Bigla nalang hindi nakaramdam ng pagtibok si Krishna sa puso niya para kay Nath at hindi niya alam kung bakit, hindi din niya alam kung paano nangyari.Kung noon madalas niya nasasambit ang pangalan nito, ngayon hindi na. Kung noon kahit paminsan sumasagi siya sa isipan nito, ngayon hindi na. Kung noon, madalas nila siya mapag-usapan at paminsan hinahanap-hanap siya, ngayon hindi na. Kung noon kinikilig siya sa mga kantang naririnig niya kapag naalala siya bigla, ngayon wala na. Ang tanging alam lang ni Krishna ay naglaho at nalusaw na lang bigla ang damdamin niya para sa kanya na dating mayroon. Napagod na nga ba si Krishna sa kakaisip kung may hinihintay pa ba siya kay Nathan na pagkilos sa balak nito na manligaw uli o wala na? Nag-isip si Krishna ng maraming beses tungkol diyan at ang nahanap niyang sagot ay hindi naman siya napagod o nainip maghintay pero puso na din niya ang kusang bumigay sa pagtibok nito para kay Nathan. Kung bakit, hindi din niya alam ang sagot basta huminto nalang ito. Wala na nga sigurong magiging karugtong ang kanilang pagtitinginan o pagkagustuhan sa isa't-isa. Bakit? Kasi tinapos na nang puso ni Krishna ang pagtibok nito na dating nakalaan para kay Nathan. Walang saysay kung utak lang ang magsasabi na gusto pa niya si Nathan kung ang puso ni Krishna ay ayaw nang tumibok para dito. Pinalaya na din niya si Nathan sa puso nito. Kasi sa pag-ibig ang mahalaga ay parehas ito gumagana para maganda ang kalalabasan.

Buhay Pag-Ibig Ni KrishnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon