Kabanata 1

57 0 0
                                    

Nagsimulang kausapin at makipagkuwentuhan sa kanya si Nathan para pasayahin siya pero bago iyon tinanong muna niya si Sasha kung umiinom siya. Sumagot si Sasha na "hindi masyado, konting shots lang iniinom niya." Tapos habang nag-uusap sila ni Sasha, si Emily naman ang lumapit kay Krishna para makipagkwentuhan at sinabing may gusto makipagkilala sa kanya. Sinabi din niya na gusto makipagkilala ng pinsan ko sa iyo pero nahihiya lang kaya si Emily na gumawa ng paraan para ipakilala si Nath sa kanya. Sa oras na iyon kahit kinakausap siya at pinapakilala, sa iba nakatingin si Krish dahil hindi siya ang unang nagustuhan niya pero ginawa pa din niya kausapin siya kahit ubod na siya ng kulit noon dahil nakainom na ito. Hanggang sa tinanong ni Ems kung ano gusto inumin nito dahil Red Horse ang binili ni Nathan na ayaw ni Krish. Nagsimula na siya magtanong kay Krish kung bakit ayaw nito ng Red Horse Beer.

"Ayoko ng Red Horse kasi malakas sumipa" sagot ni Krishna.

Sagot naman ni Nathan, "bakit nasipa ka na ba ng kabayo?"

Natawa si Krishna at sinagot niya ito, "Hindi pa."

"Hindi pa pala eh. Bakit sinabi mo na malakas sumipa?" tanong nito sa kanya.

"Eh sabi sa komersyal eh malakas ang sipa." sagot naman niya kay Nathan at nagkatawanan na lang sila.

Matapos nang usapan nilang iyon na masaya ay tinanong niya kung anong gusto nito inumin kung ayaw niya nang Red Horse Beer at tinanong din nila siyang dalawa ni Ems kung okay lang ba daw sa kanya ung Emp Lights at tubig ang chaser dahil walang budget pambili ng Tanduay Lights kaya sagot ni Krish sa kanya ay ayos lang basta 'wag lang Red Horse Beer kasi malakas sumipa tapos nagkatawanan uli. Ilang minuto pa ay nagpabili na siya ng Emp Lights, medyo nakasimangot siya kasi hindi niya gusto ung chaser kaya nakasimangot siya uli habang kinakausap si Nathan na nakainom na din.

Lumipas pa ang oras, may tama na sila parehas kahit konti lang shots nainom ni Krish. Unti-unti na ding nag-aalisan ung mga tao at mga bisita, pero si Krish ayaw pa din umuwi kasi hinihintay pa niya sila Michael at iba pang naimbitahan na sabi pupunta daw pero hindi nakapunta. Habang naghihintay pinapasok siya ni Sasha sa bahay nila Emily at nakipagkwentuhan kay Candy at Griffith na mag-nobyo ng konting minuto lang. Nababagot na siya kaya niyaya siya nila Ems na lumabas ng bahay at mag-videoke na lang sila. Noong una ayaw pa niya kumanta pero hindi katagalan nagustuhan na din niya pero medyo nainis siya kasi hindi siya agad nakasingit at sobrang tagal bago dumating iyong siya naman ang kakanta hanggang may dumating na cute na lalaki pero umalis din ilang minuto ang dumaan. Tapos maya-maya lang sunod-sunod na iyong mga kakantahin niya at narinig ni Nathan na kinanta niya ung Malaya Ka Na ni Lani Misalucha at pinuri ito na magaling siya at sinabi na kapag siya hindi niya ito sasaktan at papaiyakin. Malakas loob ni Krish na bumirit kasi may konting tama na ito at sa sandaling iyon ay naging maayos na pakiramdam niya at umuwi na din siya matapos magpaalam kila Sasha at Emily.

Dumaan ang ilang buwan bago pa ang binyag ng anak ni Sasha na si Yvan Christoph at ang kaarawan ng kapatid ni Shelby na si Rissa. Sa mga panahon na iyan hindi pa uli sila nagkikita at hindi pa nangyayari ang isang pangyayari na kukurot sa puso nilang pareho. Ang pagkakamaling hindi nila inaasahan pareho na mangyayari lalo na si Krishna. Si Nathan ay isang government employee at ang posisyon niya ay supervisor, malaki ang sweldo at regular na sa trabaho ngunit kahit ganoon ay hindi siya mahilig sa mga makabagong kagamitan gaya ng cellphone. Hindi man siya babaero at lasenggo ngunit hindi naman niya maiwasan ang paninigarilyo at umiinom din paminsan-minsan. Si Krishna naman ay walang trabaho sa ngayon at umaasa lamang sa kanyang pagbebenta ng mga makeup, perfume, colognes at marami pang iba. Miyembro din siya ng choir sa simbahan at nagtuturo na din siya sa eskwelahan tuwing Huwebes.

Sa gabi pa lang ng handaan, hindi na sila nakapag-usap ng maayos dahil ayaw na ayaw ni Krishna makipag-usap sa mga taong lasing na, kaya hindi niya ito masyado pinapansin ng mga oras na iyon. Kaya umabot na sa punto na umuwi nalang siya nang walang matagal na usapan. Dito din nagsimula ang pagrereto sa kanilang dalawa ng mga kamag-anak niya na halos sila na ang kinikilig para dito upang magkaroon lang ng kasintahan ito o buhay pag-ibig. Nagtanong pa nga sila Emily at Rissa na kung maulit ba na magkita sila sa pangalawang pagkakataon na may okasyon ay kakausapin na niya ito. Ngunit hindi sila sinagot nito sa umpisa dahil nag-iisip pa siya at ilang minuto lang sinagot na niya sila na kakausapin na niya siya sa sunod nilang pagkikita sa isang okasyon uli. Matapos ang mahalagang pangyayaring ito sa buhay ng bagong kasal na sila Sasha at Shelby ay nagsimula na ang pagtetext nila Rissa kay Krish sa pamamagitan ng mga mensahe na madalas ay nagtatanong o nilalakad si Nathan sa kanya.

Nagdaan pa ang ilang buwan bago ang kaarawan ni Rissa, tinext na nila si Krish para imbitahan pumunta sa kanyang kaarawan sa Disyembre at sinagot niya siya ng susubukan niya at magtetext siya if makakapunta sa petsa ng kaarawan ni Riss. Nalalapit na ang kaarawan niya at sa nalalabing oras pati araw na iyon ay nagtext nga si Krish sa kanya na makakapunta siya sa kaarawan nito dahil libre siya ng panahon na iyan. At nang sumapit na ang kaarawan niya kinabukasan ay hindi nga siya nabigo dahil pumunta nga talaga si Krish sa araw na iyon.

Kaarawan na ni Riss, kumpleto ang lahat ng pamilya niya puwera kay Shelby na kuya niya pero andoon si Nathan na pinsan nila at kuya na din niya. Ilang minuto pa ay dumating na din si Krish at nagsimula na ang konting ilangan sa pagitan nila pero kahit ganoon ay nag-uusap pa din sila at may konting tawanan. Nagkaroon ng konting pag-alok kung ano ang gusto niya inumin na softdrinks. Hanggang sa tinanong niya si Krish kung pwede niya ito ihatid pauwi. Sa una pumayag ito ngunit kalaunan hindi na at nagbago isip kahit pa sa kanto ng Santa Tierra siya ihahatid kasama siya. Nagbago isip ni Krish na magpahatid kasi lasing na itong si Nath.

Dito na nangyari ang hindi inaasahan ni Nath na mangyayari, matapos magpaalam ni Krish bigla na uuwi na ito at nagpasama kay Emily, hindi na nila hinintay siya kahit nagpumilit ito na samahan sila at kahit sa umpisa ay sumang-ayon siya na ihahatid siya nito. Lumabas na nang bahay nila silang dalawa ni Emily at iniwan si Nath, tumakbo sila ng mabilis kahit pagod na sila sa katatakbo mapagtaguan lang nila siya at hindi na masundan pa. Nagtago sila sa isang munting bahay, habang nagtatago nakakita si Krish ng ipis kaya itinuro niya ito kay Ems at pinigilan nila ang bibig nila na huwag tumili hanggang may hindi katandaan na babae ang lumabas at nagpaalam si Krish na makikigamit ng comfort room ang kasama niya. Napakuwento pa nga sila sa kanya habang nakikitago at nakikigamit ng comfort room. Tinanong din siya ng babae kung bakit nila pinagtataguan iyong lalaki at sinabi niya ang dahilan at binigyan ng magandang payo. Matapos ng pagtatago at nakalabas na sila ay dumiretso sila sa 7-eleven para bumili ng ice cream para mawala ang hilo at kalasingan ni Ems. Habang nakatambay ay nagpicture taking muna silang dalawa, walang pakialam kahit may ibang tao at nagpaalam na sila sa isa't-isa na uuwi na matapos sila magkwentuhan sa loob ng convenience store.

Buhay Pag-Ibig Ni KrishnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon