Kabanata 2

16 0 0
                                    

Naganap na ang hindi nila inaasahang mangyayari na babago sa kanilang buhay. Nag-umpisa nang magtext sila Rissa para tanungin si Krishna kung kailan siya pwede puntahan sa tahanan nito at kung anong oras. Ipinaalam na din niya sa tatay niya na may manliligaw siyang pupunta pero hindi sigurado kung anong araw. Palagi siya tinetext ng mga pinsan nito na pupunta daw at manliligaw kaya palagi din itong umaasa't naghihintay sa pagpunta nito sa tahanan nila upang manligaw ngunit lagi ding atrasado. Hanggang sa dumating ang Christmas Party ng Fellowship na inaatenan niya, bago iyon ay nagtext muli sila Rissa na pupuntahan nalang daw siya sa simbahan at muli na naman itong umasa na umabot pa sa nakipagtalo siya kay Kyle na anak ng close friend niang si Lizzie na parang kapatid na niya ang anak nitong lalaki na binubwisit siya at pilit pinagtatanggol ang ex ni Krish na nanloko sa kanya. Dumating na ang oras na nagtext si Rissa na hindi na daw tutuloy si Nath sa pagpunta sa simbahan, nagbago daw isip at ayaw na daw ituloy ang panliligaw. Doon na nagsimula masaktan si Krishna sa kanya na bagama't alam niya na may kasalanan siya dito at naunawaan niya bakit ito ginawa sa kanya, nasaktan pa din ito dahil sa sobrang pinaasa siya ng maraming beses at dahil sa pakiramdam niya napahiya siya kay Kyle. Kaya naman halos maiyak-iyak na siya sa sakit, kaya din naman nasira ang gabi niya, naging maayos lang ito matapos siya mahimasmasan pagkatapos makakain sa party at naging masaya siya uli ng gabing iyon.

Nakapasok na ang Bagong Taon, dumaan na din ang mga araw at buwan na hindi sila nagkikita. Ilang buwan din ng hindi siya tinetext o kinakausap ni Rissa dahil sa unang nangyari na maling ginawa ni Krish kay Nath, kaya naman humingi ng tawad at nangako ito kay Rissa na hindi na muli pang gagawin ang pagkakamali. Nagpaliwanag din ito sa kanya kaya matapos noon ay nag-uusap uli ang dalawang magkaibigan at humingi din ng tawad si Rissa sa kanya para sa mali ding ginawa ng pinsan nito na pagpapaasa at pagganti ni Nath kay Krish. Matagal din na panahon bago pa uli sila nagkita ni Nath ng hindi sinasadyang pagkakataon.

Sa panahong nagpunta si Krish kila Emily para bumisita at makipagbonding, biglang dumating at nagkita sila ni Nath ng hindi inaasahan at hindi planado. Nagkaroon ng konting kamustahan at tinginan.

"Kamusta ka na?" bungad ni Nath.

"Ayos naman ako" sagot naman ni Krish pero sa kalooban nito

ay may kumikirot na sakit at may pagsisisi.

Dahil sa nagi-guilty ito sa ginawa niya dati kaya hindi ito makatingin ng diretso at nahihiya pa din siya pero parang may kuryente siyang naramdaman ngunit hindi sigurado kung dahil lang ba sa guilt at hiya sa nagawa nito o nagkagusto na siya dito. Matapos ang usapan nila ay umalis na ito kasi may pupuntahan pa ito importante. Pagkatapos umalis ni Nath ay nagkwentuhan na sila ni Ems.

Makalipas ang ilang araw at buwan na hindi nila pagkikita ay napag-uusapan pa rin nila siya at nagumpisa na din mapag-isip si Krish kung talaga bang gusto na niya iyong lalaki o nadadala lamang siya ng sitwasyon at ng pagkaguilty niya sa nagawa niya dito noon. Napa-isip din siya kung ginamit lang ba niya ito dati para kalimutan ang ex niya at para tantanan na siya ni Kyle sa pambibwisit at paglalakad nito sa kaibigan niya na ex ni Krish. Ngunit habang dumadaan ang araw at oras ay doon niya lalo napagtanto na hindi pala talaga niya ginamit si Nathan para pasakitan lang, sadyang nagkataon lang na hindi pa siya handa ng mga panahong iyon na una nilang pagkakilala at pangalawa nilang pagtatagpo. Napagtanto niya iyon sa ikatlong pagkikita nilang dalawa ng hindi sinasadya.

Hanggang sa lumipas ang mga panahong hindi uli sila nagkita at nakapag-usap, ngunit habang nangyayari iyon ay unti-unti na pala nagkakaroon ng pagkagusto si Krish sa kanya at naiisip na din niya ito kahit paminsan-minsan sa magkakaibang oras at araw. Dahil sa pagdating sa buhay niya, nakalimutan at nabura agad ang nadarama niyang pagkagusto sa malapit niyang kaibigan na si Michael na kasamahan niya sa isang organisasyon kung saan din siya kabilang, nakatulong ang unang masakit na pangyayari na naganap sa kanila ni Nathan para malipat ang kanyang atensiyon dito pati ang dating nadarama niya kay Mike ay napunta din sa kanya na sadyang may gusto din kay Krishna pero naguurong sulong pa kung itutuloy pa din niya ang planong panliligaw na hindi niya tinuloy dati dahil sa takot na baka takbuhan siya uli nito.

Buhay Pag-Ibig Ni KrishnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon