Kabanata 3

8 0 0
                                    

Ika-siyam ng Nobyembre, binyag ng anak ni Sasha at Shelby na si Yvan. Ang araw na muli silang magkikita ng hindi inaasahan. Umaga ng Sabado, sa simbahan kung saan kumpleto ang pamilya't kamag-anak nila Shelby. Dumating ang isa niyang kapatid na lalaki at sinabi kay Krish na andiyan si Nath tapos bigla niya hinanap ito at tinanong na kung andiyan ba talaga siya. Hindi man sila nagtagpo sa binyag sa simbahan pero nagkita naman sila sa handaan ng binyag sa bahay nila Sasha ng bandang pagabi na. Dahilan kung bakit hindi na nakaalis at nakaattend ng all choir rehearsal si Krishna. Habang nasa handaan sila, nagkaroon ng konting picture taking at napagtripan sila ng mga kamag-anak nila Shelby para kunan ng litrato ang dalawang pinagmamatch nila. Nagkakailangan man pero tinuloy at nagkatabi pa din sila sa litrato. Matapos ang pagkuha ng litrato sa kanila biglang kinilig ang lahat lalo na si Sasha.

Lumipas pa ang mga oras, nagpaalam na si Krish umuwi dahil lumalalim na ang gabi at wala na siyang kasabay umuwi. Hindi din naman siya uminom ng madami dahil mayroon siyang bisita at wala siyang baong napkin at pantulog kaya hindi na siya pinigilan pa nila Sasha. Hindi na din niya nahintay si Nath na ihatid siya pauwi.

Magmula noon, hindi na uli sila nagkita ng madalas at natagalan pa bago ung sumunod na pagkikita nila pero paminsan-minsan sumasagi siya sa isip ni Krishna lalo na kapag nakakarinig siya ng mga love songs kahit walang tugtog siyang naririnig pero sumasagi sa isip niya iyong kanta o kaya naman parang naglalaro sa tenga niya ung musika na tungkol sa pag-ibig. Nasundan lamang ang pagkikita at paguusap nila ay noong nakaraang taon ng dalawang beses at magkaibang buwan. Ang una at muling pagkikita nila ay iyon ang unang beses na narating niya ang bahay nila Nathan at pinakilala siya sa mga magulang nito. Nag-uusap naman sila pero matipid nga lang dahil wala naman sila masyado mapag-usapan kaya ang madalas kausap ni Krish ay ang nanay at tatay nito na todo ako tinanong upang makilala nila. Hanggang sa nainip si Krish at pinuntahan si Emily sa bahay nila dahil ang tagal bumalik. Mga bandang 4 to 5 ng hapon yata iyon ng sabay sila pumunta sa bahay nila Sasha para maghatid ng pagkain na kakainin nila na sabay din sila umuwi pabalik ni Ems.

Nitong taon lang ng Mayo bago ung sportsfest na pupuntahan ni Krish na dapat kasama siya ay nagpunta din siya uli kila Emily para makipagkwentuhan pero sinama siya uli nito kila Nathan. Nang mga panahon na iyan ay tinuruan at naglaro silang dalawa ni Krish ng Chess na lalaruin niya sa sportsfest dapat pero hindi na siya sumama dahil sa wala siyang budget pamasahe papunta sa event at pauwi. Habang naglalaro at tinuturuan siya kung paano laruin ang Chess ng mahusay ng hindi natatalo ay kumakain sila ng chicken noodles na may maanghang habang nanonood ng tv na aksyon ang palabas at nagkukwentuhan. Hindi katagalang minuto, tinanong niya si Krish kung ano ang madalas pinanonood ng tatay nito at kung pupunta ba siya sa bahay nila Krish ay alam na ba nito ang ihahandang pagkain at kung anong flavor ng noodles.

"Oo, alam ko na kung ano paborito mo kainin. Noodles na chicken at maanghang pero hindi ako marunong magluto at may tanim naman kaming mga sili kaya madaling pumitas." sagot ni Krishna.

Tapos nang uuwi na siya ng bahay, ayaw ito pauwiin ni Nathan kasi mainit pa daw masyado sa labas pero mapilit si Krishna kaya pumayag na din si Nathan. Hindi na nga siya nito naihatid kasi pagod na din siya from work kaya nagbilin nalang ito na mag-ingat sa paglalakad para hindi madulas at sumigaw siya kay Krish na nang ganito: "Kapag may humarang sa iyo diyan sa labas, sumigaw ka lang at tawagin mo ako." Sumagot naman si Krishna nang sige hanggang sa mapagtanto niya na paano pala niya gagawin iyon kung namamalat boses niya ng mga oras na iyon na nakalimutan niya sabihin kay Nathan. Nang makalabas na ng lugar nila si Krishna at naglalakad na pauwi, napaisip siya na iyon na kaya ang pahiwatig niya na babalik na siya uli sa panliligaw sa kanya pero ayaw niya pangunahan iyon at muling umasa dahil ayaw na niya mabigo at masaktan pa sa pageexpect dahil sa pinangunahan niya iyon. Matapos ang muling pagkikitang iyon ay hindi na nasundan pa lalo na noong natuto siya sa payo ni Papa Jack sa radyo doon sa isang caller na babae na pinagsasabihan at kinagagalitan niya. Kaya noong huling punta niya sa bahay nila Emily nitong nakaraang Oktubre para ihatid ung music notebook na pinabili ni Emily kay Krishna ay hindi ito nagpunta kila Nathan at hindi din niya hinayaan na papuntahin siya kila Ems.

Huminto man si Krishna na magpakita at pumunta sa bahay nila Nathan, hindi naman siya huminto na umasa pa din at maghintay sa first move niya kung itutuloy pa ba ang panliligaw sa kanya o hindi na kahit na minsan o madalas ay napapagod na din umasa't maghintay si Krish kay Nath kung may hihintayin pa ba talaga ito sa kanya na panliligaw o wala na. Madalas din nila mapag-usapan ni Emily si Nathan na pinsan niya kahit hindi na nagbabanggit si Krish ng name niya ay nagkukwento pa din si Emily sa kanya tungkol kay Nathan gaya na lang noong may okasyon sa kanila at hindi nakapunta si Krish dahil gabi na din kaya hindi na siya tinext at sinabihan pa ni Emily. Nakuwento pa ni Emily sa kanya na narinig niya na sila nag-uusap ng tatay niya at ng pinsan niya tungkol kay Krish habang binibiro nila ito. Nakuwento din ni Emily sa kanya na binibiro niya si Kuya Nathan niya na kunwari tinatawag si Krishna tapos lilingon daw si kuya Nath niya habang tinatanong kung pupunta ba daw si Krish. Nakuwento din niya at ng kapatid niyang lalaki na si Shaun na kinukuha o hinihingi daw ang number niya ni Nath. Sinabi ni Krish sa kanila na kung ibibigay ang number niya ay iyong smart na lang kasi wala na siyang sun cellular network na number by December. Hanggang sa inimbitahan o sinabihan siya ni Shaun na pagdating ng kaarawan sa Nobyembre ng kuya Nath nila ay pumunta daw siya at itetext na lang daw kung kailan. Sumagot uli siya sa kanila na: "depende kung walang conflict sa sked ko at kung hindi gabi gagawin. Magtetext nalang ako sa inyo kung pwede ako sa araw at oras na iyon makapunta."

Diyan na natapos ang usapan nila tungkol kay Nathan, matapos iyan ay hindi na nasundan pa at hindi na din nababanggit madalas ni Krishna sa kanila si Nathan nitong mga nagdaang panahon pero nakakaramdam na si Krishna ng kapaguran, pagkabagot at kawalan ng pag-asa na maghintay pa sa desisyon ni Nathan kung itutuloy pa o hindi na ang panliligaw nito. Nawalan na nang gana maghintay at umasa sa wala si Krishna lalo na sa malabong sitwasyon ng buhay pag-ibig nilang dalawa.

Ang tanong ay: "hanggang dito na lang ba matatapos ang kilig, paramdam, pahiwatig ang sitwasyon ng buhay pag-ibig nila?" Masusundan pa ba kaya ang kanilang pag-ibig serye o hindi na talaga dahil isinara na muli at pinalaya na ni Krishna si Nathan at ang sarili niya? Nakapagdesisyon na kaya sila na hanggang simpleng magkaibigan na lang sila at hindi na hihigit pa doon?

Abangan kung may susunod pa bang kabanata ito o iba na ang takbo ng kanilang istorya ng buhay pag-ibig...

Buhay Pag-Ibig Ni KrishnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon