#WhoIsLeo
Nanggaling sa isang mayaman at kilalang pamilya si Leo. Leo Santiago Roel Villavicenso ang pangalan niya nag iisang anak lamang siya ng mag asawang Victorina at Rodolfo Villavicenso. Bata pa lamang si Leo ay may lihim na itong pagtingin kay Azi. Alam niyang mali ang magkagusto sa kaparang kasarian ngunit hindi niya mapigilan alam niyang walang makakapigil sa pagtatangi niya kay Azi. Alam ng mga magulang niya ang pagtatangi niya kay Azi. Noong una nagalit ang mga ito ngunit naintindihan din naman nila. At dahil nag iisang anak lamang ito susuportahan nila ang binata.
Ngayon pinaplano ni Leo na magtapat ng nararamdaman kay Azi. Kaya pinayuhan niya ito na pumunta sa parang bago ang paglubog ng araw. Inayos ni Donya Victorina ang anak pinuri niya pa ito na siya ang pinaka gwapong lalaki sa balat ng Remedios, ang kanilang syudad.
Buo ang suportang natanggap ni Leo sa kaniyang mga magulang. Bago magtakip silim pumunta na siya sa parang. Ilang minuto lamang ay dumating na rin si Azi. Nakasuot ito ng hapit na halit na pantalon at damit na kulay itim na siyang naglabas sa kaputian nito. Lalong humanga at nahuhulog ang loob nito kay Azi.
"Ano ba ang sadya mo bakit mo pa ako pinapunta rito gayong magtatakipsilim na?" tanong ni Azi sa pinakamalambing na boses. Napako ang tingin ni Leo sa mukha nito kung kaya't hindi siya kaagad nakasagot.
"Ahmmm ano ka-kasi" nauutal niyang sabi kung kaya't iginiya ni Azi si Leo sa damuhan upang maupo at sinabihang huminga ng malalim. Tumalima naman si Leo kung kaya't nabawasan ang kabang nararamdaman niya.
"Ngayon sabihin mo na ang gusto mong sabihin" wika nibAzi sa seryosong tono. "Azi gusto kit--- ay hindi mahal na kita" parang natakasan naman ng dugo si Azi sa narinig mula sa bibig ni Leo. Hindi siya makapaniwala. Galak ang naramdaman niya subalit kinabahan siya dahil kapag nalaman ng kaniyang ama ang sikreto nito ea baka ipapatay siya nito.
Hindi niya alam ang sasabihin kay Leo dahil walang pumapasok sa isip niya. Humugot siya ng malalim na hininga. "Siguro handa na siya na sabihin kung bakit niya tatanggihan ang binata maiinti dihan naman siguro niya ang sitwasyon ko" ani Azi sa loob loob nito.
"Leo pasensiya na ngunit hindi ko matatanggap ang pagmamahal mo, pero salamat kasi minahal mo ako, salamat kasi naa-appreciate mo ako, Mahal din kita pero hindi pwede magagalit si Papa at maaring ipapatay niya ako binalaan na ako ni Mama na itago ang nararamdaman kong ito hindi lamang para sa iyo pati na rin sa pagkakakilanlan ng kasarian ko" mahabang sabi nito. Hindi na niya napigilan ang mga luha kung kaya't nagsisi unahan ang mga itong bumagsak.
Isang mainit na yakap naman ang natanggap niya kay Leo. "Mahal na mahal kita Azi at handa akong harapin ang lahat basta maipaglaban kita pati na rin ang bubuuin nating relasyon" mahabang litanya ni Leo na may kaakibat pang pangako.
"Hindi mo naiintindihan Leo, ayokong madamay ka at ayokong mamatay lalo na't alam kong ang papatay sa akin ay ang sarili kong ama" mahabang wika ni Azi habang humahagulgol nahihirapan na nga siyang huminga dahil sa pag iyak niya.
" Maari bang kahit ilihim lang natin ang ating relasyon, hindi ko kayang hindi kita mahalin Azi" nagdalawang isip si Azi kung nais niya ang ganoong sitwasyon. Halo halo na ang emosyong nararamdaman ni Azi kung kaya't hindi niya namalayang tumango na sya sa nais ng binata.
BINABASA MO ANG
Not A Love Story (bxb) [mpreg]
Short StoryKapag talaga ang tadhana na ang gumawa ng paraan wala ka ng magagawa. Ang mainam lamang na gawin ay ang tanggapin ang lahat at lumusong pa sa buhay. Maaaring kayo noon pero ngayon hindi na. Ano kaya ang nais ipahiwatig nito? Paano na lamang kung pur...