#TearsOfPain
Nagising si Azi sa kaniyang silid hindi niya maigalaw ang kaniyang katawan. Nakita niya ang kaniyang inang nakayuko sa gilid ng kama habang natutulog. Kalunos lunos ang sinapit ni Azi. Kung bugbugin siya ng kaniyang ama ay parang hindi niya ito anak. Hindi niya namalayang nag uhnahan na pala sa pagpatak ang mainit na likido na nagmumula sa kaniyang mga mata na siyang nagpagising sa kaniyang ina "oh anak gising ka na pala teka, huwag kang gahalaw at ikukuha kita ng pagkain. Ngunit hinawakan lamang ni Azi ang kamay ng ina nito upang pigilan. Nakuha naman ng kaniyang ina ang nais niyang ipahiwatig na huwag siyang iwan nito.
"Pagpasensiyahan mo na ang iyong ama anak hayaan mo't lilipas din ang kaniyang galit at babalik din siya sa dati" wika ng ina nito. Tinugunan lamang niya ito ng iyak sapagkat sa sobrang sakit ng nararamdaman niya ea hindi na niya magawang mkapagsalita.
Lumipas ang mga araw at hindi pa sila nagkakausap ni Leo. Walang araw na di siya punagbubuhatan ng kamay ng ama nito. Kalunos lunos ang sinasapit niya mula sa ama walang pinipiling lugar at oras. Pinaputol ng kaniyang ama ang linya ng telepono sa kaniyang silid ng sa ganoon wala siyang matawagan at wala ring tumawag sa kaniya kung meron man ang mga katulong at ama lamang nito ang makakasagot.
Labis ang pagkalungot na nararamdaman ni Azi dahil hindi niya pa nakakausap si Leo iniisip niyang baka galit na ito at makipaghiwalay sa kanya hiniling ni Azi na sana ay mahal pa siya nito at huwag ipagpapalit sa iba. Hindi niya namamalayang umiiyak nanaman siya dahil sa labis na paghahanap kay Leo. Nabigla naman siya ng biglang pumasok ang kaniyang ama na masaya. "Anak may ibibigay ako sayo" sambit ng kaniyang ina ngunit bago niya ibigay ito ay siniguro niya munang nakakandado ang pinto.
Liham. liham ang natanggap niya sino kaya ang magbibigay ng liham sa kaniya?. Binuksan niya ang liham at sumilay sa labi nito ang isang ngiti na matagal na niyang hindi nagagawa.
" Mahal ko,
Ipagpatawad mo at wala ako diyan upang pigilan sa ang iyong ama sa kalupitang ginagawa niya sayo. Kung nagtataka ka kung bakit ko nalaman ikinwento ng iyong ina ang iyong sinapit. Patawarin mo ako mahal hindi ka dapat nakakaranas ng ganiyan kung 'di dahil sa akin.
Mahal basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita mahal. Magtagpo tayo sa ikatlong burol malapit sa parang sa may dagat. Ang iyong ina na ang bahala roon.
Nagmamahal,
Leo"
Naguluhan siya sa huling sinabi ng kaniyang kasintahan ea paano siya makakalabas ea ang higpit ng bantay nito. " Huwag kang mag alala anak ako na ang bahala basta maghanda ka, ayusin mo ang sarili mo para kapag nakita ka ni Leo ay lalo ka pa niyanh mahalin" sambit ng ina nito niyakap noya lang ito ng mahigpit tanda ng pagpapasalamat niya. Katulad nga ng sinabi ng kaniyang ina ay naghanda ito ng nag ayos. Nang sumapit na ang dilim at nasiguro ni Belinda na tulog na ang asawa nito ay dali dali siyang gumayak ng 'di lumilikha ng anumang ingay. pinuntahan niya agad ang silid ni Azi at nakita niya itong naghihintay sa gilid ng kamakaya tinawag niya ito. Dumaan s sila sa kusina kusina ng sa gayo"y walang makakita sa kanila. Dali dali niyang tinungo ang tagpuan na kung saan naghihintay ang minamahal niyang kasintahan.
BINABASA MO ANG
Not A Love Story (bxb) [mpreg]
ContoKapag talaga ang tadhana na ang gumawa ng paraan wala ka ng magagawa. Ang mainam lamang na gawin ay ang tanggapin ang lahat at lumusong pa sa buhay. Maaaring kayo noon pero ngayon hindi na. Ano kaya ang nais ipahiwatig nito? Paano na lamang kung pur...