#UnangBuwanangAnibersaryo
#RevelationLumipas ang mga buwan at ipinagdiriwang ng magkasintahan ang kanilang ika anim na buwanang anibersaryo. Napakasaya ni Azi dahil hindi nakakahalata ang kaniyang ama sa lihim na relasyon nila ni Leo. Maagang umalis si Leo sa kanilang tahanan at tinahak ang burol para ipadiwang ang anibersaryo nila ng mahal niya.
Aligaga naman si Azi dahil hindi niya alam ang isusuot niya. Mabuti na lamang at pumasok ang kaniyang ina sa kaniyang silid at tinulungan niya itong pumili ng damit. Nang matapos ng magbihis si Azi ay tumingin siya sa salamin kusang gumuhit ang isang malapad na ngiti sa kaniyang mga labi. Tumayo naman ang kaniyang ina sa kaniyang likod at sinuklayan ang may kahabaan niyang buhok. "Napakaganda mo para sa isang lalaki anak, nasisiguro kong mamamangha si Leo sa iyong ganda" wika ng ng ina ni Azi tinugunan niya naman ito sa pamamagitan ng isang matamis na ngiti.
Umalis na si Azi sa kanilang tahanan para puntahan ang kaniyang minamahal na kasintahan. Nagmamadali siyang pumaroon sa burol. Nang makarating siya sa burol tumambad sa kaniya ang isang mesang may dalawang upuan, sa mesa naroon ang mga bulaklak at mga kandila, naka ayos rin doon ang mga plato at mga kopita habang napapaligiran naman ng mga butonsilyo at rosas ang pulang alpombra na nakatalatag sa lupa. Napaka romantiko ng lugar para kay Azi dahil ngayon niya lang naranasan ang ganito kung kaya't nagagalak siya.
Nasilayan niya ang kaniyang kasintahang papalapit sa kaniya habang nakasuot ito ng itim na amerikana at may bitbit pang mga bulaklak. Parang tumigil ang mundo ni Azi dahil sa kaniyang kasintahan. Napakagwapo nito sa paningin niya. Parang isang anghel na bumaba sa lupa.
Nang magtagpo ang kanilang mga mata dali daling tumakbo si Leo kay Azi. Hinalikan niya ito sa labi at niyapos ng mahigpit na para bang isang taon silang hindi nagkita. "Mahal napaganda mo sa iyong suot" pagpuri ni Leo sa suot ni Azi "Ikaw rin mahal lalo kang gumwapo sa paningin ko" balik papuri naman ni Azi.
Pagkatapos ng kanilang batian ay pumunta na ang mga ito sa mesa sinalinan ni Leo ng alak na gawa sa bino ang mga kopita at ininom nila ito na para ba silang bagong kasal.
Habang kumakain sila ay tumutugtog ang klasikong musika na nagbibigay kapayapaan sa kanilang sitwasyon. Isinayaw ni Leo si Azi gitna ng alpombra na may nakatalatag na mga bulaklak. Lingid sa kaalaman nila may dalawang pares ng mata ang nakatingin sa kanila habang sumisilay ang isang mala-demonyong ngiti sa labi nito.
Natapos ang araw na masaya ang dalawang magkasintahan. Hindi maikubli ang sayang kanilang nararamdaman pati na rin ang kilig na inaalala nila.
#Rebelasyon
Habang pauwi na si Azi sa kanilang tahanan hindi maiaalis ang malapad na ngito nito. Lalo na kapag inaalala niya ang mga matatamis at masasayang sandali kanina lalo siyang kinikilig.
Nakarating na si Azi sa kanilang tahanan. Pagbukas niya ng pinto tumambad ang mukha ng kaniyang ama mararamdaman rito ang maitim na awrang bumabalot sa kaniya. isang malutong na sampal ang natanggap ni Azi sa kaniyang ama na siyang naging sanhi upang tumilapon siya sa sahig. Tutulungan na sana siya ng kaniyang ina ng pigilan ito ng kaniyang ama at pinagbantaan pang idadamay ito.
"Kailan mo pa kami niloloko!?" pasigaw na tanong ng ama nito. Hindi nakasagot agad si Azi kung kaya't nakatanggap nanaman ito ng mag asawang sampal mula sa ama nito na siyang naging sanhi ng pagdugo ng ilong niya. Labis ang awang nararamdaman ng kaniyang ama ngunit wala itong magawa dahil sa pinagbantaan ito.
"Sumagot ka!" sigaw nito. Hindi na maiinda ang sakit na nararamdaman ni Azi hindi lamang pisikal kundi pati emosyonal. "Bakla ka ba!?" galit na tanong ng ama nito. Mahihinuha mo agad ang malademonyong awra ng ama nito. "Papà-" hindi na naituloy ni Azi ang sasabihin niya ng dumapo sa kaniyang tiyan ang kamao ng ama. Namilipit si Azi sa sobrang sakit hindi siya makahinga kung kaya't sinugod siya ng kaniyang ina upang alalayan at tignan kung ayos lang ba ito. " Nahihibang ka na ba papatayin mo ba ang anak mo!? sigaw ni Belinda sa kaniyang asawa lumapit naman ang lalaki rito at nakatanggap siya ng isang malutong na sampal. Hinawakan ng lalaki ang panga ng asawa nito at binaggit ang mga katagang " Huwag kang makialam kung ayaw mong masali ka sa bunton ng galit ko sa bakla mong anak" hiniwalay naman ni Don Emmanuel ang kaniyang asawang si Belinda kay Azi. Nang mailayo na niya ito ay linapitan niya si Azi at pinadapo ang palad nito sa kaniyang mukha ng napakaraming beses habang banggit banggit ang mga katagang " Hayop ka kailan mo pa kami niloloko? isa kang hangal wala kang utang na loob" Pinadapo naman niya ang kaniyang kamao ng maraming beses sa tiyan nito at mukha na siyang nagpapalipit kay Azi sa sorbrang sakit naliligo na rin ang mukha niya sa sariling dugo. Naghalo na ang dugo, laway, at luha sa mukha nito. Hindi pa nakuntento ang ama nito pinagpapadyak pa soya nito habang sinasambit ang mga katagang "wala akong anak na bakla! umayos ka Azielle magmula ngayon hindi ka na maaring lumabas ng bahay na ito nagkakaintindihan ba tayo?" sigaw ng ama nito sa sobrang sakit ea hindi niya makuha pang sumagot tuluyqn na siyang linamon ng kadiliman. Nang mahinuha ni Belinda na wala ng malay ang anak nito ay dali dali itong pumunta at kinandong ang anak sa mga hita nito. Humingi siya ng tulong sa mga lalaking alalay at dinala nila ang binata sa silid nito. Labis ang oighating nararamdaman ni Belinda sa kaniyang anak habang galit at poot naman ang nararamdaman ni Don Emmanuel.
BINABASA MO ANG
Not A Love Story (bxb) [mpreg]
Short StoryKapag talaga ang tadhana na ang gumawa ng paraan wala ka ng magagawa. Ang mainam lamang na gawin ay ang tanggapin ang lahat at lumusong pa sa buhay. Maaaring kayo noon pero ngayon hindi na. Ano kaya ang nais ipahiwatig nito? Paano na lamang kung pur...