#EmotionallyHurt
Lumipas ang mga araw at naging mailap si Leo kay Azi. Ni hindi man siya nagpapadala ng mga sulat at nakikipagkita. Ilang gabi na rin siyang umiiyak. Sinubukan niyang magpadala ng mga sulat ngunit hindi man ito tumugon kahit minsan.
Isang gabi habang umuulan ng malakas nakikipagsabayan din
kulog at kidlat. Biglang pumasok sa kaniyang silid ang kaniyang ina at may dalang kulay kayunmangging sobre. Ibinigay nito ang sobre sa kanya. Tila may umusbong na kaba sa kaniyang dibdib at biglang lumakas ang tibok ng puso niya.Ngunit kahit nakaramdam siya ng kaba ay binuksan niya pa rin ang sobre. Halos mawalan siya ng dugo, nanghina ang mga tuhod niya at nagbabadyang bumagsak siya sa kinatatayuan niya. Hindi niya namamalayang nag uunahan na palang bumagsak ang mainit na likido sa mukha niya. Hindi Lubos akalain ni Azi na kaya siyang lokohin ni Leo ngunit nagkamali siya. Nakita niya si Leo na may kayakap na babae sa kama habang wala silang saplot.
Walang gabi at araw na hindi siya nasasaktan at umiiyak. Ngunit ang hindi alam ni Azi ay nasabat ng kaniyang ama ang isang sulat na dapat ay kay Leo. Kaya't nakatanggap nanaman siya ng bugnog sa kaniyang ama ilang sipa, sampal at suntok ang natatanggap niya araw araw kalunos lunos ang sinasapit niya sa kamay ng kaniyang ama.
#TakeHimToTheMoonForMe
Isang araw nagkaroon ng piging sa bayan at imbitado ang kaniyang ama. Nang makaalis na ang kaniyang ama ura uradang pumasok ito sa silid ni Azi at sinabihan itong mag ayos ng gamit at aalis sila. Papalabas na sila ng biglang paparating si Don Emmanuel ngunit mabilis ang kaniyang ina kung kaya't pinatakbo niya agad si Azi.
Nakatakbo si Azi ngunit nabaril ang ina niya. Lumipas ang buwan at nakitira si Azi kay Manang Selya na naging katulong nila noon.
#BuntisAko!?
Isang araw nakaramdam si Azi na para bang nasusuka, nababahuan siya minsan sa mga pagkain at nagiging iba iba ang pakiramdam niya. Kaya hinikayat siya ni Manang Selya at ang anak nitong si Anton na hindi naman mahuhuli ang kagwapuhan.
Ng makarating sila sa ospital ay sumabak si Azi sa mga proseso. Ilang oras din silang nag hintay ng biglang dumating ang doktor.
"Napaka kakaiba ng iyong kalagayan ito ang unang pagkakataon na maka kita ng ganitong uri ng kalagayan" pagpapauna ng Doktor. Bigla namang kinabahan si Azi. "Ngunit para masiguro natin ang iyong kalagayan gamitin mo ito" sabay abot ng isang maliit na kulay puting stick " Ano ho ito?" magalang na tanong ni Azi "Iho isang kang lalaki kaya naguguluhan ako sa mga resulta ng iyong test kaya naman gusyo kong subukan mo ang pregnancy test na yan para masiguro kong tama ang ibibigay kong kongklusyon sayo" mahabang sabi ng doktor.
Tinulungan ni Manang Selya at Anton si Azi at sinabi kung ano ang gagawin niya sa binigay na pregnancy test ng doktor Naglagay lang siya ng konting ihi doon sa may malalim na parte ng pregnacy test at pagkatapos ay hinintay lamang ang resulta.
Ng lumabas na ang resulta pinakita ko ito kay manang Selya. At gulat na gulat siya sa resultang nakita niya "Anak buntis ka nga pero paano yon?" tanong nito kay Azi. "Buntis ako!?" tanong ni Azi sa hangin. Bigla niya naman naalala si Leo at ang panlolokong ginawa nito. Hindi niya namamalayang umiiyak na pala siya at pinupunasan na ni Anton ang kaniyang basang mukha "Sino ba ang ama ng batang iyan Azi?" tanong ni Anton ngunit imbes na sagutin ay lalo pa itong umiyak kaya naman inalo siya ng mag ina.
Pagkatapos nila sa kasilyas ay pumunta na sila silid kung saan naroon ang doktor. Binigay ni Aling Selya ang pregnancy test sa doktor at nagulat rin ito kalaunan ay nagsalita na ito "Buntis ka nga iho wala pa akong nakitang ganito sayo palang ang maipapayo ko sayo ay iwasan mong maging malungkot at maasar sa mga bata dahil makakasama ito sa bata reresetahan kita ng mga gamot naiinumin mo para malakas ang kapit ng bata. Irerekomenda ko naman sayo ang kaibigan kong OB- GYNE para masubaybayan niya ang pagdadalang tao mo" mahabang wika ng doktor pagkatapos nila sa ospital ay umuwi na sila.
"Anak alam kong may pinagdadaanan ka ngunit hindi mo ba ipapaalam sa ama ng batang iyan na buntis ka" tanong nito sa binata "Para saan pa ho manang Selya wala siyang karapatan sa bata niloko niya ako " umiiyak na turan ni Azi. Kung kaya't inalo na lamng sila ni Anton. Si Anton ay bunsong anak ni Aling Selya matangkad, gwapo at matipuno ang katawan para siyang isang model ng isang sikat na magasin. Si Anton ang naging kaibigan ni Azi sa lugar nila.
"Diba kabilin bilinan ng doktor na iwasan mo ang pagiging malungkot makakasama yan sa baby natin" wika ni Anton na siyang nagpatayo sa mga balahibo ni Azi "Siyempre ako na ang anak niyan diba magkapatid na tayo kaya anak ko na rin yan" wika ni Anton at nakahinga naman si Azi ng maluwag kala niya ay may pagtatangi ang binata sa kaniya dahil sa mga ipinpakita nito..
.
.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
Not A Love Story (bxb) [mpreg]
Short StoryKapag talaga ang tadhana na ang gumawa ng paraan wala ka ng magagawa. Ang mainam lamang na gawin ay ang tanggapin ang lahat at lumusong pa sa buhay. Maaaring kayo noon pero ngayon hindi na. Ano kaya ang nais ipahiwatig nito? Paano na lamang kung pur...