STO5: The Big Accident

29 2 0
                                    

Chapter 5

Joshua’s P.O.V.

Sa sobrang inis ko sa sarili ko ay lumabas ako ng room at nag drive. Ganito ako pag nalulungkot. Dinadaan ko sa pagmamaneho ng mabilis. I know my car is not a sports car para bilisan ko ng ganito. But who cares anyway?

Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Siguro… siguro hindi na talaga nya ako mahal. Dahil kung mahal nya talaga ako, she’ll understand I guess.

Nagising lang ako sa realidad ng may narinig akong malakas na horn ng isang truck.

BEEEEP BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP!

SHIT! Hindi ko nakitang paliko pala tong truck na toh!

I tried my best to avoid the truck. Pero masyado itong malaki kaya nasapol parin ako.

BOOOOOGSSSSHHHHHH

Bumaliktad ang kotse ko.

Siguro nawi-weirdohan kayo kung bakit may malay pa ako noh? Hindi ko rin alam kung bakit. Pero I saw everything. I saw how it happened. I saw how that truck hit my car together with me.

Alexa” Sambit ko. At unti-unti… nagdilim na nang tuluyan ang paningin ko.

Alexa’s P.O.V.

Ilang oras narin ako dito sa beach pero hindi parin ako bumabalik. Gabi na nga eh. It’s actually 7 pm already pero medyo inis parin ako dun sa pagsigaw sakin ni Joshua.

I was just looking at the sea when a couple caught my attention. Naka upo sila sa may sand at nagkukulitan at naglalambingan.

Joshua and I used to be like that. Pero nagbago ang lahat ng iyon ng magsimula na akong naging cold sakanya. Parang feeling ko kasi nasasakal na ako sakanya. Parang kailangan ko muna ng space. Halos araw araw na kasi kaming magkasama. At naghihiwalay lang kami pag gabi na. Ihahatid nya pa ako sa condo ko tas saka sya aalis. Kung minsan pa nga pag pagod sya, dun sya nakaka tulog sa condo ko. Kaya parang nagsawa na ako sa ganung set-up namin.

At habang iniiwasan ko noon si Joshua, Jeremy came into my life. Parang sya yung nagliwanag sa buhay ko noon. At napagdesisyunan namin ni Jeremy na maging M.U. muna kasi nga kami pa ni Joshua nun. I know I sounded like a two-timer. Oo na ako na masama. Pero nagmahal lang naman kasi ako eh.

At dumating na nga ang araw na makikipag break ako kay Joshua. Pero hindi ko alam kung bakit pa ako pumayag sa deal na ito. Pero Nanghina ako nang makita ko ang sakit sa mga mata nya. Joshua’s eyes are expressive. Hindi man nya sabihin ang nararamdaman nya, mata nya ang magsasabi sayo. At pumayag din ako siguro kasi gusto ko rin syang makasama. Hindi ko alam. Nalito lang nga siguro ako.

Oo mahal ko pa nga si Joshua.

Pressure nga lang siguro ang nangyari kaya akala ko nahulog na ako kay Jeremy.

S(he)'s The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon