Chapter 11: Sacrifices

6 0 0
                                    





Izumi's POV

Naalimpungatan ako nang makitang nakatitig si Elle kay Madz at napatitig sa sahig.

Katabi ko ngayon si Madz na nakatulog na sa pagod sa kakaiyak.

Napaupo ako sa pagkakahiga at tiningnan si Elle na bakas ang lungkot sa mukha.

"What's wrong? "Tanong ko kay Elle.

Simula kasi kanina matapos ang insidente ay nanatili siyang walang imik at bakas ang pag aalala sa mukha.

Still the selfless, Elle.

Gagawin ang lahat para sa mga taong mahalaga sa kanya. Napaangat siya ng tingin.

"You're awake! "Bakas ang pag aalala sa tono ng boses niya. "Saglit lang, kukuha ko ng yelo"aniya na mabilis na tumayo at kumuha ng towel na puti at itinubog sa malamig na tubig.

Lumapit siya sakin. "You should let me fight alone"aniya na dinampian ang sugat ko sa mukha ng malamig na tela na may lamang yelo.


Saglit kong inilayo ang mukha ko ng maramdaman ang pasa sa mukha ko na tama kanina.

"Ano ba Elle ang gusto mong gawin ko? Tingnan lang kitang mag isa na isinasakripisyo yung sarili mo para sa'min? "Diretsang sabi ko, napabuntong hininga siya.

Umiling siya at pilit na ngumiti.

"Ayaw ko lang makitang may nasasaktan sa inyo, dahil sinimulan ko"aniya na hindi makatingin ng matagal sakin.

Napatitig ako sa mukha niya na may mas marami pa ang pasa kesa sakin.

I know na sanay na siya sa mga ganun. But still ,I can't help myself not to be worried for her.

She is like a sister to me.

"Let me do this. Kaya ko nang gamutin yung sugat ko. Saka isa pa,dapat mas inuuna mo muna sarili mo. Mas madami kang bruises at wounds compare to me! "Aniko na na nag aalala sa kanya.

Mas marami siyang nakalaban kunpara sa nakalaban kong gumanti lang sakin.

Si Elle ang gusto nilang kalabanin.

Malalaki din at mabibigat ang mga katawan ng nakalaban namin.

And thanks to Samuel kasi muntik na siyang masaksak.

She become more worried kanina, kaya mukhang na shock siya nung may isang lalakeng pa simple siyang susugurin ng saksak.

"Lalabas muna ko"mahinahon at mababang aniya, nakatungo pa din siya hanggang makalabas ng kwarto namin.

Naglagay lang ako ng band aid sa sugat ko sa pisngi. At daling sumunod kay Elle sa labas.

I know she's blaming herself.


Kaya nang hanapin ko siya sa labas ng Casa ay medyo nahirapan pa kong hanapin kung nasaan siya.

Nang makasalubong ko si Samuel.

"Sam? "Tawag ko dito para matigilan siya. "Nakita mo ba si Elle? "

Medyo natagalan bago siya sumagot. "Sinabi niya na huwag ko sabihin kung nasan-"

"Tell me, ako ang bahala! "Matalim ko siyang tiningnan.

Nanatili siyang hindi tumitingin sakin.

"Nakaupo siya sa isang punong kahoy malapit sa sapa"aniya, tumango ako at iniwan siya.

Agad kong hinanap si Elle. Medyo madilim at tanging buwan lang ang nagbigay ng liwanag sa daanan ko.


Say You Wont Let GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon