[MZ'S POV]
8:30 am saturday
2 days na lng birthday na namin....pero err naiinis ako kahapon! Nakakainis yung asungot na yun! Akin sana yung almanac ehh! Pero nawala lahat nung dumating si Dave wahhhhhh!!!! Ang poggiii!!
"MZ!" Tss ang agang mang inis ni Missy
"Bkit?!"
"Wala lng naiinis ako kahapon ehh"
"Ako din ehh"
"Hmp kainis yung palakang gubat na yun! Tinapunan ako ng juice!"
"Tss ako nga! Nakipag agawan pa!"
"BTW pinapatawag nga pala tayo ni papa at mama"
"Ok"
____________________________________
"Morning KK""Morning ma...morning pa"
"Kain na kayo pinag luto namin kayo ng moma nyo"
Ayys sana all kahit na matanda na sila ang sweet paring nila
"So anong balak nyo KK sa monday?"
"Ma kahit kaunting paparty lng po"
"Ahm mga anak hahabol naako na lng ako sa birthday nyo ha"
"Opo papa" sabay na sabi namin
Haystt tapos na kaming kumain (9:55 am) ayy! May nalimutan ako! Sana nasa mall si Rico
*CALLING RICO BESS*
"Yess bess?"
"Ahmm nasa mall ka?"
"Yes why?"
"Bilhan mo naman ako ng case ng phone ko babayaran kita"
"Yung IphoneX ba?"
"Oo"
"Ok"
"Thanks bess"
"Ok ok"
*END CALL*
1 friend requestMay nag friend request saakin sa Facebook
Dave Dharrel Martinez
Wahhhhhh!!!! Si Dave?!
Accept
Wahhhh kinikilig akooo
:HI
Sana mag replay sya:Ano bang nangyayari sayo MZ?! Parang hindi mo ako kilala ahh! Napahiya ako!
Ha?? Anong pinag sasabi nya?!WTF?!! Binlock ako! Huhuhu ano ba yung kasalanan ko?!
World nga naman ang gulo gulo huhuhu!
Nag addfriend pero binlock ako! Ano ka Dave artista?! Wow Dave wow! Pag katapos gawin yun ni Dave parang bumalik yung alala na ayaw ko nang balikan >___<FLASHBACK
"MZ listen! Hindi ikaw ang gusto ko! At hinding hindi kita magugustohan!" Para akong nabuhusan ng yelo ng marinig yun
"P-Pero sana m-maramdaman mo lang lahat ng g-ginawa ko! Mga sinakripisyo ko para sayo! A-Alam mo bang naka sakit ako ng tao?! Iniwan ko yung lalaking minamahal ako ng totoo p-para sayo! Tapos sasabihin m-mong hindi mo ako g-gusto?! M-Masakit nga, Masakit talaga! Alam mo ba yung pakiramdam ng umaasa? Hindi diba? Bakit hindi mo maramdaman? Dahil ikaw mismo ang nag paparamdam nun! K-Kaya ko pa sanang intindihin na may mahal ka ng iba pero bakit y-yung kakambal ko pa?! Parehong pareho naman kami ah?! Kaya nga kambal ehh! Pero bakit sya?! Ganun ba ako kasama?! Oh, eh di sorry! Pasensya na ha?! Pinanganak akong ganito eh! Ano pa bang magagawa ko?! Wala na akong m-magagawa dahil ito na talaga ako! Kung mag babago pa ako b-baka lalo nyo na akong hindi nakilala! Kasi once na nag bago ako mamimiss nyo ang lumang MZ! Hinding hindi naako babalik sa buhay na pinapahirapan ako ako!" Hindi ko na talaga napigilan at umiyak naako "Bakit si Missy pa?! P-Pwede bang ako na lang?! Mas maganda naman ako kay Missy! Kayang kaya ko syang lamangan sa lahat ng bagay basta gusto—" hindi ko na natapos
"Shut up MZ! Ano ba?! I-Iniwan mo ang taong nag mamahal sayo para saakin?! HAHAHA are you crazy?! Meron ng nag mamahal sayo! Bakit hindi mo pag aralang mahalin sya?! At bakit ako pa ang pinili mo ehh mahal ko na ang kakambal mo?! Bumalik ka na lang dun sa lalaking nasaktan mo kesa naman pumunta ka aking sasaktan ka lang! MZ wag mong pahirapan ang sarili mo! Pag ibig lang toh MZ kaya wag kang baliw! Tsaka anong inaarte mo dyan?! HAHAHA HINDI NGA KITA MAHAL! Naiintindihan mo yun?! Si Missy ang mahal ko! Kaya wag mong ikumpara ang sarili mo sa kanya dahil talong talo ka na MZ!" Pag kasabi nya nun ay hindi ko na napigilan
PAK!
Nasampal ko na sya yung malakas na malakas!
"M-Masakit?! Alam mo bang ganyan ang nararamdaman ko?! Namamanhin naako! Namamanhid! Mukha naakong tanga dahil sayo!" Sigaw ko sa kanya
"Sino ba naman kasing sabing mag paka tanga ka saakin?! Babae ka MZ! Ayusin mo nga ang sarili mo! Bakit ba hindi mo kaya tanggapin na hindi kita mahal? At hindi kita kayang mahalin"
0___0
Natahimik ako sa sinabi nya
'Bakit ba hindi mo matangap na na hindi kita mahal? At hindi kita kayang mahalin'
Paulit ulit yang tumatakbo sa isip ko
END OF FLASHBACK
Ano ba yan! Sabing ayaw ko nang balikan ehh!
"MZ?" May sumigaw ng pangalan ko sa labas
"P-Pasok!" Sigaw ko at pumasok si Missy
"Umiiyak ka?!" Sigaw nya at napahawak naman ako sa mukha ko. Lahhhh umiiyak ako huhuhu
"Hindi ahh! Nag aacting lang ako dito! Epal k-ka lang!" Sigaw ko. Ahh totoo nyan nung sinabi kong 'Epal ka lang' iba na ang meaning nun
"Sussss! Kahit kelan hindi paako naging epal!" Sigaw nya. Matagal ka nang epal!>__<
"Tch alis ka na nga tutulog ako!" Sigaw ko at tinulak ko sya palabas
Huhuhu ayaw ko na talagang balikan yun
BINABASA MO ANG
Die For Love
Teen FictionSabi nila ang tunay na nag mamahalan ay umaabot sa kamatayan Are you ready to DIE FOR LOVE?