Chapter 33

105 0 0
                                    

[MZ'S POV]

Mag damag akong hindi maka tulog kakaisip kay Gab at Marco ang aga ding pumasok ni Missy ewan talaga dun! Parang laging may ka date ehh -___-

"Goodmorning ma'am" bati saakin ni kuya guard

"Morning kuya" sabi ko at pumasok na. Hindi ko alam pero sa tuwing dadaan ako sa gym para may humihila saakin papasok dun HAHAHA gusto ko din namang mag libot. May mga lalaking nag lalaro ng basketball pero wala si Dave tsaka si Daniel bakit ko ba sila hinahanap? Aish ewan ko din

May nakita akong dalawang babae na nag uusap malayo sila saakin kaya hindi ko marinig HAHAHA ako talaga ang dakilang chismosa! Teka! Kilala ko yun ah!

0__0 si Alexa?! Tsaka si Keanna?! Omoooo! Dagdag pa ata ito sa aking problema >__<

FLASHBACK

Nandito kami ngayon ni Rico sa resto nila Marco at nga papahinga ilang araw na si Missy sa ospital pero hindi parin sya nagigising

"Hoyyy! MZ lumabas ka dyan! Hindi kita titigilan!" Sigaw nung babaeng nasa labas. Hindi ko sya kilala

"S-Sino ka n-naman?" Tanong ko

"Ako?! Ako si Keanna! Ako ang girlfriend ni Gab! May relasyon kayo noh?!" Anong bang sinasabi nito?

"Matagal na k-kaming hiwalay n-ni Gab" sabi ko

"Ahh talaga?! Ehh bakit sya nakikipag hiwalay saakin?! At ang sabi nya ay dahil mahal ka daw nya! Ngayon sagutin mo ako! May relasyon ba kayo?!" Halatang galit na galit sya

"Wala nga kasi kaming relasyon ehh! Hindi ko naman kasi kasalanan na mas maganda ako kesa sayo kaya ako parin ang mahal ni Gab!" Nagulat ata sya sa sinabi ko

"Hindi pa tayo tapos MZ babawi pa ako sayo tandaan mo yan!" Sabi ni Keanna at umalis na.

"Nakuuu bess! Kung ako dun nasabunutan ko na yung palakang yun" sabi ni Rico

"Alam mo namang pinag bawal na ang pananakit ng mga hayop" sabi ko at pumasok na ulit.Oo noon gustong gusto ko si Marco pero naisip ko din na kailangan ko na talagang tanggapin na hindi nya ako magugustohan. Dun sa may parking lot ay nakita ko si Marco. May kasamang babae?! 0__0

"Hoy Marco! Porket ba nasa ospital  lng  si Missy at hindi pa gumigising ay nag hahanap kana ulit ng panibago?! Alam mo Marco kung gis-" hindi nya ako pinatapos

"Wait MZ! Hindi ko sya girlfriend! Habol lng sya ng habol saakin! Ex ko sya MZ! EX okay?" Sabi nya at dali daling pumasok sa loob nakita ko naman yung babae na humabol sa kanya

"Hoy babae! Alam mo bang may girlfriend na yang lalaking hinahabol mo?!" Tanong ko sa kanya

"A-Alam ko naman y-yun ehh! Sya nga y-yung dahilan kung b-bakit kami nag hiwalay ni M-Marco!" Aba!

"Hindi naman kasalanan ng kapatid ko na mas maganda sya kesa sayo ah!" Sabi ko

"K-Kapatid mo?! Kayo palang mag kapatid ang may kasalanan kung bakit k-kami nag kakaganito ngayon ni Keanna!" Sabi nya

"Hindi nga kasi namin kasalanan na mas maganda kami!" Sigaw ko sa kanya

"P-Pero mahal namin ni K-Keanna si Gab at Marco!" Kanina pa tong iyak ng iyak ah

"Bakit mo naman kilala si Keanna?!"

"Kaibigan ko sya at ikaw ang uma—" hindi na natapos nitong babaeng toh ang sasabihin nya ng tinawag sya ni Keanna

Die For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon