Chapter 10

1.5K 32 1
                                    

Jennifer's POV

Duggg...dugggg....dugggg.....

duggg...dugggg....dugggg......

Sobrang lapit ko sa kanya,nanlabo ang paningin ko dahil nahulog kung saan yung salamin ko,nagtagal ng ilang minuto ang ganong pusisyon namin halos magkayakap na kame,nang bigla akong natauhan kaya tinulak ko sya

"Ano ba Lian!"

"Bakit....bakit mo ako lalayuan?"

Tatalikuran ko na sya nang hawakan nya ulit ang braso ko,hindi na ako nagsalita tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa braso ko at tatalikod na sana ako ulit nang hablitin nya ang braso ko

"Ano ba!"

Sa sobrang lakas ng sigaw nagulat sya

"Yung salamin mo..."

Kinuha ko agad sa kanya at pumasok na kaagad ako ng bahay,ang bilis nang kabog ng puso ko,narinig ko ang pagandar ng kotse.Hayyyyy salamat naman at umalis na sya,ano ba jennifer wag kang papatalo sa kanya,tandaan mo yung sinabi ni Lloyd sayo,pumunta ako sa kwarto para magpalit ng damit nawalan na yata ako ng gana kumain magrereview muna ako ng mga ni lesson kanina ...ilang minuto rin ako nagreview nag dalawin ako ng antok,kaya napagdesisyunan ko nang matulog

Hayyyy nakakapagod ang araw na ito,sana paggising ko wala nang Lian na mang tritrip aa akin....

K
I
N
A
B
U
K
A
S
A
N

Maaga akong nagising para maihanda ko na lahat ng kakailanganin ko mamaya sa school,nagluto narin ako ng umagahan ko.Matapos kong gawin ang mga dapat kong gawin ay nilock ko na ang bahay,tsaka nagabang ng taxi swerte ko ngayon dahil kaagad akong nakasakay ng taxi tinignan ko ang relo ko ,hmmmm maaga ako ngayon 7:00 palang nagbayad na ako sa driver at agad na bumaba sa sa taxi naglalakad ako ngayon sa hallway wala pang masyadong tao kaya masaya ako walang makakapansin sa akin

Nagdirediretso ako sa classroom wala pang tao pero habang papalapit ako ng papalapit sa upuan ko may nakita akong nakapatong dito..

Ice cream na cookies and cream yung Favorite ko...

May nakalagay na note dito,to jennifer from L,.....L?si Lloyd paano nya nalaman na favorite ko ang icecream at sakto pang favorite ko rin na flavor..hmmmmmm bahala na nga kakainin ko nalang to

Lumipas ang isang oras naubos ko na ang icecream sobrang saya ko kase nga ngayon nalang ulit ako nakakain ng ice cream sakto naman dumating na ang mga kaklase ko hayyy sarap sa feeling

Lumipas ang ilang minuto at dumating na rin si adele

"Ohh..aga natin ahhh "

"Oo nga ehh,napaaga talaga"

"Ano sasamahan mo na ba akong magrecess mamaya,libre ko"

"Kakapasok mo palang recess na agad iniisip mo,kaya di tayo pumapayat ehh.."

"Tskk,bayaan mo na ako saka na tayo magdiet ,tsaka stress ako"

"Bakit kanaman stress?"

"Ano ka ba nakalimutan mo ba yung reporting?"

"Ayyy yun ba patapos na rin namin yun gawin kaya chill na muna ako"

"Wait diba ka partner mo si Lian,ano nangyari?"

Biglang nag flasback sa alin yung mga nangyari kagabi,aistttt nakakaistress

The Revenge of the Fatnerd✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon