Jennifer's PoV
Lumipas ang isang taon.....
Nakapagtapos na kami ng pagaaral ni Lian,patuloy kaming naging masaya,Magcecelebrate na rin kami ng Annieversary namin...Nakahanap na rin ako ng trabaho,natanggap ako sa TEC Company,sobrang saya ko dahil ito ang pinakasikat na kompanya,parehas kami ni Lian na nagtratrabaho sa TEC,Nagiisip ako kung ano ang pwede kong iregalo sa kanya,may naipon naman na ako,kahit papaano..
Nang may biglang kumatok sa pinto,binuksan ko ito ,si Adele lang pala
"Oh adele napadalaw ka"
"Ehh miss kita,sobrang busy mo na kase..di ka dumadalaw sa bahay kinukulit na ako ni Mommy..Yung mga manager din daw,kinukulit na rin si mommy .... I try mo kase maging singer,papasikatin ka ng mga yun...sigurado ako sa iyo"
"Adele,naman,hindi pa ako handa sa ganyan"
"Alam mo abnormal ka talaga sabi mo dati mag fofocus ka muna sa pagaaral bago yang pagkanta ngayong tapos na tayong magaral,di ka parin handa??"
"Ehhh basta,kung kailan handa na ako,kung hindi sila makakapaghintay ok lang naman yun"
"Hmp bahala ka,desisyon mo naman yan,i susupport pa ri kita"
"Salamat adele,kaya mahal kita ehh"
"Alab you too"sabi niya sa akin
"Kamusta naman Lovelife mo?"tanong ko sa kanya
"Eto,naghihintay parin..."
"Dadating din yan,sa tingin ko malapit na yung destiny mo..."
"Malapit na ba talaga?,di ko ramdam ehh"
"Hahahhahaha,Ikaw talaga,Si Lloyd nalang kase ulit"
"Ayaw ko na siya..."
At oo sa lumipas na isang taon,na kwento sa akin ni adele na may gusto sa kanya si Lloyd,kilig na kilig ako dahil napansin na rin ni Lloyd si adele,pero etong si adele,wala na daw siyang feelings kay Lloyd,ewan ko ba sa babaitang toh,Bigla nalang nawalan ng feelings kay Lloyd
"Bakit ba ayaw mo na siya,eh parang kailan lang gustong gusto mo siya,stalker ka pa nga!"
"Hoy!...,dati yon napapagod din naman ako"
"Kaya sinukuan mo siya kaagad?,Mahal ka na nga ni Lloyd ehh,Bumaliktad ata ang mundo?"
"Natatakot lang kase ako"
"Natatakot?...bakit ka naman matatakot eh Si lloyd yun..diba mabait yun,kaya mo nga siya minahal dahil dun ehh"
"Jenny,Nagbago na siya....Hindi na siya ang dating Lloyd na kilala natin,alam kong napansin mo rin yun"
Na alala ko tuloy,Oo nagbago si Lloyd ang dating palangiti,sobrang seryoso na,marami ba rin siyang babae,nababalita sa university na naging chickboy siya bigla,at napatunayan namin ni adele yun dahil,araw araw may bago siyang kasamang babae
Hindi ako nakapagsalita dahil totoo ang sinabi ni adele
"Natatakot ako dahil baka pinagtritripan niya lang ako"
Ganyan ang naramdaman ko,kay Lian noon,pero napatunayan kong hindi yun totoo dahil seryoso siya sa akin
"Hindi naman masamang sumubok diba?"tanong ko sa kanya
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Fatnerd✔
SachbücherNaging Magulo ang buhay niya dahil sa isang lalakeng bigla-bigla nalang pumasok sa buhay niya,Napamahal siya dito pero isang dumating ang araw na nagbago ang lahat kaya ang gusto nalang niya ay ang maghiganti.. Makakapaghiganti ba siya?,Kakayanin ni...