Jennifer's POV
Nakapara kaagad ako ng taxi,ayaw kong pumunta sa bahay namin,kaagad akong dumiretso sa mansion nila adele,habang nasa biyahe ako ay Lumuluha ako,biglang nagsalita si manong driver
"Naku..Iha...kanina ka pa umiiyak?,Wag ka ng umiyak,Papangit ka niyan sige"
"Manong,paanong hindi ako iiyak eh niloko ako ng taong pinakamamahal ko,at ang masakit non di niya pala ako minahal simula nung una"sabi ko sa kanya habang patuloy na umiiyak
"Iha,ang pagibig talagang mapaglaro yan,Minsan mapupunta ka sa taong sasaktan ka lang,pero wag kang magalala,makakahanap ka rin ng lalakeng magmamahal sa iyo...wag kang mawawalan ng pagasa"
"Sana wala ng ibang dumating manong,natatakot ako ulit na masaktan,sobrang sakit,nakakabigat ng pakiramdam"
"Iha Masakit talagang maloko,pero balang araw papasalamatan mo rin ang taong nanloko saiyo kase sa sakit na nararamdaman mo matututo kana,Madadala ka na sa.nangyari sa iyo"
"Manong ano bang kulang sa akin,sabi niya sa akin noon,Mahal niya ako kahit ano pa ang size ko,pero bakit ganon,naghanap siya ng iba"
"Iha,ang masasabi ko lang sa iyo,walang kulang sa iyo,Ang isang lalake,kung tunay ka niyang mahal kahit sino ka,Perpekto ka sa paningin niya"
"Ganiyan ang tingin sa akin ni lian noon,pero bigla siyang nagbago manong"
"Hindi mo ba natanong kong ano ang problema ?"
"Tinanong ko siya manong,pero imbes na magpaliwanag siya,Pinapaalis niya ako"
"Aba't ano ba naman ang mga kalalakihan ngayon..hindi kami ganyan noon hindi kami nananakit,kuntento na kami sa isang babae,na mamahalin namin habang buhay"
"Sana po meron paring kagaya niyo manong"
"Makakakita ka rin iha,Tadhana ang gagawa ng paraan para makahanap ka ng lalakeng magmamahal sa iyo ng tunay"
Tumigil ang taxi sa harap ng mansion nila adele,
"Salamat manong sa pakikinig...Kahit po papaano may nalabasan ako ng hinanaing ko"
Inabot ko ang bayad kay manong
"Naku Iha kung ako ang tatay mo mabubogbog ko ang lalakeng nanloko sa iyo"
Ngumiti nalang ako kay manong,saka tuluyang bumaba ng taxi,pumunta muna ako sa gilid ng gate nila adele umupo ako roon
Tinanaw ko ang langit,nay tay,Yung pinakilala ko sa inyong Tao,sinaktan ako,sana nandito kayo para pagaanin ang loob ko
Sobrang iyak ko,humahagulgol ako sumabay naman sa akin ang ulan sobrang lakas ng ulan,
Sana hindi nalang kita pinapasok sa buhay ko kung alam ko lang na sasaktan mo ako ng ganito,sana tinaboy nalang kita,sana naiwasan kong mahalin ka,sana hindi ako nasasaktan ng ganito,Parang pinipiraso ang puso ko
Yung mga panahong magkasama tayo,wala akong ibang maramdaman kundi saya,pero ngayong nalaman kong di mo ako minahal lahat ng iyon gusto ko ng kalimutan,gustong mabura ang lahat ng iyon sa mga alaala ko
Habang nakayuko ako at nakaupo ay nay naaninag akong ilaw.....ilaw na mula sa kotse
"O my god ,Iha,Come here,why,are you there,bakit hindi ka pumasok sa loob"
Hindi ako sumagot inalalayan ako ng bodyguard nila papasok ng van
"Iha what happen?"tanong ni tita
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Fatnerd✔
Non-FictionNaging Magulo ang buhay niya dahil sa isang lalakeng bigla-bigla nalang pumasok sa buhay niya,Napamahal siya dito pero isang dumating ang araw na nagbago ang lahat kaya ang gusto nalang niya ay ang maghiganti.. Makakapaghiganti ba siya?,Kakayanin ni...