Chapter 12

1.2K 33 1
                                    

Lian's POV

Naguguilty na ako sa ginagawa ko , marami na akong nasasaktang tao,oo narinig ko yung mga sinabi ni Lloyd kay jennifer at alam kong mas deserving si Lloyd kaysa sa akin pero anong gagawin ko Im frustrated di ko maintindihan ang nararamdaman ko...sa ngayon....pero ang mahalaga may koneksyon na ako kay Jennifer malalim na koneksyon..

Pinapatahan ko sya nang bigla syang nagangat ng tingin sa akin

"Nasan na yung ice cream?"

Napangiti naman ako kase talagang gusto niya yung ice cream

"Ohh eto na"

Pagkatapos nyang kainin yung ice cream ay may natira pang ice cream sa gilid nang labi niya agad ko itong pinunasan gamit ang aking daliri at tinikman ito

Nagulat sya sa ginawa ko

"Hmmm..masarap pala ang flavor na cookies and cream"

Namula ang buong mukha nya..Tumayo sya at iniwan akong nakaupo sa ilalim ng puno haysss ang hilig namang mag walk out nang babe ko...

Sinundan ko sya kung saan sya pupunta ,hmm papuntang cr naghintay ako sa labas ng cr nang may marinig ako na kalabog

"Ahhhhhhhh"teka boses yun ni Jennifer

Mabilis kong binuksan ang pinto ng cr at naabutan ko na si jennifer na nasa sahig habang pinagpapalo kahoy ng mga babaeng nasa cr

"Stop it!!!"

Sa sobrang lakas ng sigaw ko ay nabitawan pa nila ang mga kahoy na hawak nila

"Who told you that you can hurt my girl?!"

Tinulungan kosi jennifer na tumayo pero di sya makalakad binuhat ko siya papuntang parking lot ...dadalhin ko sya sa Hospital

Sh*t....magdasal na kayo kung may masama lang nangyari kay jennifer....di ko alam ang gagawin ko sa inyo

Nasa hospital na kami agad syang sinugod sa emergency room,di na ako pinapasok pa sa loob

Sh*t di ko alam ang gagawin ko,nag aalaa na ako para akong mamatay sa kaba..

Mga ilang minuto na ang lumipas di parin ako mapakali nagpapabalik balik ako sa nilalakaran ko sobrang kinakabahan ako..

"Are you the relative of the patient?"

"Boyfriend nya po...is she ok now..may bali ba sa buto nya..?"

Sunod-sunod kong tanong sa kanya

"Easy,lang isa-isalang ang tanong..ok na ang girlfriend mo medyo namamaga nga lang yung braso nya siguro yun yung pinangsangga nya para di siya mapuruhan"

"Ehhh bakit po sya hindi makalakad kanina"

"May naipit lang na ugat sa paa nya dahil sa pagkabagsak niya pero ngayon nasisiguro kong makakalakad na siya"

"Ahhh ganun po ba Doc...thank you po....pwede na po bang pumasok?"

"Pwede naman na,baka siguro mamaya pwede mo na siyang ilabas "

"Thank you Doc"

Nung umalis na yung doctor agad akong pumasok sa kwarto kung nasaan si Jennifer,mahimbing syang natutulog.Tssskkk magababayad talaga ang gumawa sayo neto sisiguraduhin kong magmamakaawa sila sayo

Nakaupo lang ako sa tabi niya ,hawak hawak ko ang kamay niya nang bigla syang gumalaw at magsalita

"Hmmmmm..."

"Jennifer?"

"Asan ako?"

"Nasa hospital ka..dinala kita dito"

Tatayo na sana sya nang nagalaw nya yung braso nyang namamaga

"Arayyyy!"

"Oh dahan dahan lang ,huwag ka munang bumangon magpahinga ka muna....."

Naiiyak nanaman sya..

"Lian mas lalong nasira buhay ko ,ito ba yung sinasabi mong walang mang bubully?"sarkastiko nyang sagot

"Im sorry jennifer,promise ko sayo hindi nato mauulit"

"Talagang hindi na to mauulit Lian kase titigilan mo na ang pag papanggap mo na may pakealam ka sa akin"

"Tskkk ano bang kailangan kong gawin para maniwala ka sa akin?"

"Layuan mo ako..."

Natulala ako sa sinabi niya,pero agad din akong nakapagsalita..

"Yan ang hindi ko kaya....
ang layuan ka"

The Revenge of the Fatnerd✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon