Charry's POV
Palapit na ako sa waiting shed ng maaninag ko na medyo marami ang naghihintay dito. Nasa sampu siguro kami kung bibilangin. Naaninag ko na si Akira at mistulang kinakabahan.
"Charryyyyyy!" sigaw ni Akira saakin at kumakaway.
Tumakbo ako palapit sa kanya. Nagtataka akong tinignan ng mga nasa waiting shed. Ay putakte mga kaklase ko 'to ah.
"Oh ba't nandito kayo?" tanong ko sa kanila.
"Tinawagan ako ni Sydney sabi niya sa kanya daw binigay yung mga libro" sabi ni Blaky, kaklase ko na bakla.
"Ano? Nasa panganib ngayon si Sydney!" bulyaw ko.
"Anong nasa panganib? Kakatawag ko nga lang sakanya eh, ibibigay daw kasi yung refund ko, sira yung binigay na libro sa akin" sabi naman ni Stacey.
"OMG, so lahat kayo umorder sa link na sinend niya sa amin?" sabat naman ni Akira.
"U-umorder ka na?" tanong ko sakanya.
"Feeling ko lahat tayo na nandito bumili sa link niya eh" sabi naman ni JV, siya ang pinakamatalino sa amin, nagegets niya siguro ito.
"Oo, umorder ako Charry hehe" sabi ni Akira.
"Ako rin"
"Same"
"Lahat nga tayo"
Sabay-sabay na sabi ng mga kaklase namin.
"Hindi eh, kung lahat ng bumili edi sana higit tayo sa sampu, kaso tayong magkakaklase lang, tayong sinendan niya lang ng link, Grinupo niya tayo dito!" sabi ni JV.
Oo nga at bakit, anong gagawin niya saamin?
"Halla guys tignan niyo phone ko" sabi ni Brandon, ang Ml player na super adik. Nandito pala siya naglalaro lang ng ML. Bumili lang naman to dahil sa GF niyang wattpader.
The link that you've entered has leaked, better run and saved your lives. Nakalagay sa phone niya.
Tooot tooot toooot
"Halla ako rin" sabi naman ni Stacey.
Pagkakita ko rin sa phone ko. Ganun rin.
"OMG guysssss, anong nangyayari?!" natatarantang tanong ko.
"Pakshet, nag off phone ko" sabi ni Akira
Sabay-sabay kaming namatayan ng phone.
Kanya-kanya kaming iyak at kaba. Kailangan na naming umalis. May kakaiba rito!
"Guys, need na nating umalis! Now na! Omggggg" sabi ni Alexis, ang president namin.
"Taraaaa naaa babeeee" Sabi ni Eunice sa kasintahan niyang si Dexter.
Pero bago pa man silang tumakbo, may limang mga lalaking nakajacket na paparating sa amin.
Ayyy!! Paking sheeeeet kinakabahan na akooo.
Bigla nila kaming hinablot, kasama ko si JV na nahablot ng iisang lalaki. Nagpupumiglas kaming dalawa pero sadyang malakas siya huhuhuhu Loooord tulungan mo kamii.
Sinakay kami sa van, at mistulang may halong pampatulog ang van, unti-unti na akong nakatulog.
Someone's POV
Nakakatawa lang na natataranta na tong mga kaklase ko hahahaha.
Mamaya matitikman niyo na din tong pakulo namin. Nang mailagay na kami sa van ay tinakpan ko na ang ilong ko dahil alam ko nang mangyayari ito. Planado eh.
Unti-unti silang nakatulog at may isa pang hindi.
"Nakakarindi mga sigaw nila pota" sabi ng kasama ko.
"Hahahaha ganyan talaga ang mga duwag" sabi ko naman.
Matitikman niyo ang galit ni Sydney sainyo hahahaha. Umandar na ang van at pumunta na kami sa isang rest house ni Sydney, sure ako naiinip na siya. Hays. Makapag-pahinga na nga lang.
Sydney's POV
JV
CHARRY
AKIRA
BLAKY
STACEY
EUNICE
BRANDON
DEXTER
ALEXISMga taong hindi ko inaakalang mapapasunod ko na ngayon. Sa tatlong taong nakalipas, pagbabayaran niyo na hindi niyo ako tinulungan. Pagkatapos ng tatlong taon mula ngayon, isa na kayong historya sa eskuwelahang namulatan natin.
BINABASA MO ANG
Dark Internet (SARAWARDS2019)
Mystery / ThrillerOoops, The link that you've enter has leaked. Please clean your computer or phone immediately or else the virus will spread out. ***Virus starts at 4 mins and 57 seconds. *** BzzzZzBzzzZ Are you ready to face your sins? -Computer voice.