Third person's POV
Hindi makapaniwala sila Akira at ang kanyang mga kaklase na si JV lang pala ang may kagagawan nito. Para na itong nag-palit ng karakter at mistulang ibang tao na si JV.
"Bakit ginagawa mo sa amin ito JV?" sabi ni Akira na mangiyak-ngiyak.
"Because I want pleasure." tumawa pa si JV at tinignan ng mariin si Akira.
"J-JV, Brad, Anong nangyayari sayo?"tanong ni Dexter, kung saan pinagaan ni JV ang loob nito noong hindi niya kayang lumaban.
"Sorry not sorry." sabi ni JV at unti-unting naglaho katulad nila Alexis, Stacey, at Eunice.
"Ga-ganoon din ang nangyari kay Blaky nung pinatay ko siya." sabi ni Sydney.
"Oo nga't nawawala sila pag namamatay pero hindi ko maintidihan kung bakit si JV nawala ng ganun-ganun." sabi ni Akira.
"Woah, Guys, pinag uusapan niyo na naman ba ako?" Isang boses na nang gagaling kung saan, parang boses na computerized. Walang iba kundi boses ni JV.
Umiyak nalang sila Charry, Brandon, Sydney, Akira at Dexter kung saan sila nalang ang natitira sa bahay.
"Wag naman kayong umiyak diyan. Ieexplain ko lang kung paano nangyari lahat ng ito. Okay?" sabi ni JV na parang natatawa pa.
"Ganito kasi yun, kayong lahat ay player, kumbaga napasok kayo sa isang laro ko. Nasa isang computer kayo o sabihin na nating sa ginawa kong game, simula't sapul, pinapanood ko nga kayo eh dito sa monitor hahaha. So, Paglalaruan ko lang naman kayo. Ang larong ito is group yourselves Hahaha. Magbibigay ako ng number at kailangan kayong mag grupo. Kung sino ang maiiwan. Papatayin ko. Okaaaay? Yung mga nakablack na jacket sila ang gagamitin ko para mapatay kung sino yung na-eliminate. Okay game na na-eexcite na ako eh" sabi ni JV na nakangiting nakaharap sa kanyang computer.
Nakita naman ni JV na bumubuka ang bibig ng mga kasamahan niya ngunit hindi niya ito marinig.
"Nga pala, hindi ko kayo maririnig, kaya kahit anong pagpapaawa niyo. Walang mangyayari." sambit ulit ni JV.
Biglang dumilim ang kinatatayuan ng magkakaklase at napunta sila sa isang playground.
"Nasaan na tayo? Anong nangyari?" sabi ni Charry na parang nahihilo pa.
"Playground yata to." sabi naman ni Brandon.
May narinig nanaman sila sa kalangitan na nagsasalita, pero ibang kalangitan ang nakikita nila. Pixelated ito.
"Shit, oo nga wala tayo sa totoong mundo." sabi ni Dexter.
"Ayaw ko kasi sa resthouse ni Sydney masyadong pangit, kaya nilipat ko kayo ng ibang map at dito yun sa playground."sabi ni JV kung saan.
"Omg." sambit ni Sydney ngunit hindi ito maririnig ni JV.
"May isang round lang naman para dito sa level 1. Siympre lilima nalang kayo eh. Dapat pala nagdagdag pa ako haha." sabi ni JV.
Hindi parin makapaniwala ang magkakaklase sa inaasal ni JV.
"Okay group yourselves into 4." sabi ni JV at talagang may mawawalang isa dito.
Hindi pa sila pumuporma ng grupo, ayaw nilang may mapag-iwanan.
"Sige na, gawa na kayo. Gusto ko narin namang makasama si Eunice kung nasaan man siya." ngiti ni Brandon sa kanila.
"May timer ako. Kung nawalan kayo ng oras ako pipili ng mamatay." sabi ni JV.
"Shit." sabi ni Brandon atsaka hinila ang mga braso ng tatlong dalaga at yinakap niya.
"Thank you Brad." sabi ni Dexter kay Brandon. Tumatango naman si Dexter na parang napapahiwatig na okay lang ang lahat sa kanya.
"Okay, Dexter is now elimimated." sabi ni JV.
May nagsi-datingan ng dalawang naka kulay black na jacket at saka hinila si Dexter. May hawak silang martilyo.
Unang pinukpok ang kanyang paa hanggang sa mabali ito, sunod ang kanyang tuhod. Namimilipit na sa sakin si Dexter pero ang nasa isip niya ay makakasama na niya muli si Eunice. Sinunod ang kanyang mga kamay at siko. Walang kung ano-ano ay buong lakas na pinalo ang dalawang martilyo sa ulo niya dahilan para mabasag ang bungo nito at mawalan ng malay. Madaming dugo ang nagsi-labasan sa kanya. Umalis na ang dalawang naka-jacket at naglaho.
Lumapit agad si Brandon kay Dexter.
"Oh shit, Im so sorry Dex."sabi ni Brandon at umiiyak narin sila Akira. Hindi na humihinga si Dexter at unti-unti nang naglalaho ang kanyang katawan.
"Aishhh!" sigaw ni Brandon. Napaiyak nalang sila Akira sa nangyari.
"Ano bang ginawa namin sayo JV?" Sigaw ni Sydney.
Wala paring naririnig si JV pero alam niyang galit na galit ito sa kanya. Wala siyang pakialam dahil wala naman siyang puso.
"Okay, sa next round naman tayo guys. Nag eenjoy na ako!" sabi ni JV na parang nanonood lang sa computer. Siya pala ang nag control upang patayin si Brandon. Siya ang pumili ng weapon at kung ilang tao ang gagamitin niya sa pagpatay.
"Next round is, Bring me game!" Sabi ni JV habang nakangisi.
"Nalintikan na." nag-aalalang sabi ni Charry.
A/N
Ayaaaan na. The climax is padating na hahahaha. Malapit na matapos huhu.
Voteee and comment hihi labyaaaah.
BINABASA MO ANG
Dark Internet (SARAWARDS2019)
Mystery / ThrillerOoops, The link that you've enter has leaked. Please clean your computer or phone immediately or else the virus will spread out. ***Virus starts at 4 mins and 57 seconds. *** BzzzZzBzzzZ Are you ready to face your sins? -Computer voice.