Dark Internet- Isang site kung saan alam ang mga sikreto at hananakit mo. Natratrace ang iyong IP address at alam ang pamumuhay mo. Hindi mo inaasahan o sinasadya na makakapunta dito dahil ito mismo ang lalapit sayo. Pipiliin ka ng may-ari ng site na ito kung masyado kang maraming hinanakit o may tinatago kang kasalanan o sikreto. Isang tao lang ang nagpapatupad nito at hindi malaman kung sino. Hindi rin ito masira sira ng mga professional hackers dahil isang secured website ito.
Binabasa ko ngayon ang mga information sa aking tablet. Sinigurado kong isang dummy account lang ang ginamit ko sa pag sesearch na ito. Nawawala kasi ang isang grupo sa isang school kung saan alam kong biktima ang mga ito sa pakulo nung gumawa ng site na yun o di kaya sabihin na nating admin. Hindi ko alam kung paano niya napapasunod ang mga ito. Tinignan ko ang mga estyudanteng nawawala.
Sydney
Akira
Alexis
Charry
Jv
Brandon
Dexter
Eunice
BlakyBawat sa kanila ay alam ko ang background. Nag-research din kasi ako kung ano-ano ang tungkol sa buhay nila.
Isa na dito ay ay Sydney, alam kong lahat sila may atraso sa kanya. Pero dahil mabait siya ay napatawad na niya ito. Natanggap na nga niya na ampon siya pero hindi ko maiintidihan kung bakit bumalik ang poot at galit sa puso niya. Ganoon din sila Akira at Alexis. Pati ang iba may kasalanan din sila na hindi pa naisasawalat sa mga tao.
Sino ba ako? Nagtataka ba kayo kung sino ako? Papakilala ko ang sarili ko. Ako nga pala si Daphne Gale Freese kung saan ay kinuha ako ng school nila dahil sa nawawalang estyudante nila bilang isang Investigator at detective sa kasong ito.
Malakas ang kutob ko na isa sa mga estyudanteng iyon ang may ari ng link o site na iyon at kilala ko na siya. Hinanap ko ang ibang documentaries niya at napagkalaman kong IT ang kukunin niya at na over-study ito kaya ito ang nagtulak sa kanya upang gumawa ng isang game at ihypnotize ang mga manlalaro nito. Marami na rin itong napatay, hindi tao ngunit mga hayop at ang masaklap pa dahil sa Psychopath ito. Hindi ko alam kung kailan aatake ang sakit niya.
Para hindi madumihan ang kanyang kamay ay ibang tao ang kinocontrol niya upang makapatay ng tao at ito nga ay sila Sydney, Akira, at Alexis. Sana nga ay buhay pa sila. Sana ay makita na nila ang totoong killer at sama-sama nila itong patayin. Dahil kung hindi, siya mismo ang papatay sa kanila, isa-isa.
Tinignan ko ang picture niya at hindi nga kahina-hinala ang mukha niya. Mabait, maamo, matalino kung titignan. Pero hindi mo alam, may demonyo pala sa loob nito.
Ngayong araw ay pupuntahan ko na ang rest house ni Sydney kung saan sila nakakulong at nga pala, yung mga naka-black na jacket, ay kasamahan rin niya. Hindi yun kasamahan ni Sydney dahil lahat ng ito pakulo niya.
Yan nalang muna ang maibabahagi ko sainyo. Paalam.
Sydney's POV
Umalis na ako sa aking kwarto at bumaba upang tulungan sila. Mukhang wala yung mga naka-black na jacket. Nang makababa na ako ay agad kong binuksan ang pinto kung nasaan sila.
Akmamg susugudin na sana ako ni Brandon ngunit pinigilan ko siya.
"WALA NGA AKONG KASALANAN!"sabi ko sa kanila. Naiiyak ako, hindi ko alam kung bakit nagka-ganun ako. Hindi ko alam, parang nahypnotize ako.
"Tumigil na kayo! Totoo sinasabi namin ni Sydney!" bulyaw ni Akira.
"Tara na umalis na tayo dito! Hindi na tayo safe dito!" sabi ko sa kanila. Baka makita pa kami ng mga black na naka-jacket eh.
Umalis na sila sa kwarto ngunit may isang nakatayo doon at nanlilisik ang mata.
"Maniwala ka saakin, hindi ko na kayo sasaktan." sabi ko sa kanya.
"Oo ngaa, tara na." hinila naman naman siya ni Akira ngunit inalis niya lang ang kamay niya.
"WALANG AALIS DITO! HINDI PA TAPOS ANG GAME!" sigaw niya.
"A-anong game?" tanong ni Charry.
"Wag kang mag-aalala Charry hindi kita papatayin. Sila lang hahaha!" tawa pa niya na parang nababaliw na. Maya-maya pa ay nagsi-datingan na ang mga naka-black na jacket.
"Anong ginagawa mo saamin JV?!" sabi ni Akira.
A/N
Weeew! Hindi ko na mapigilan na hindi irevealed kung ano talaga kinahihinatnan ng story ko eh. Hahahaha gulat much?
Atsaka diba sa last chap sabi ni JV kung bakit umamin si Akira at parang alam ni JV lahat kasi alam naman natalaga niya simula pa lang hahaha.
BINABASA MO ANG
Dark Internet (SARAWARDS2019)
Mystery / ThrillerOoops, The link that you've enter has leaked. Please clean your computer or phone immediately or else the virus will spread out. ***Virus starts at 4 mins and 57 seconds. *** BzzzZzBzzzZ Are you ready to face your sins? -Computer voice.