Link 5: The plan

60 12 6
                                    

Someone's POV

"Hoy, ibibigay ko yung plato na may lason kay JV ah para di na siya umepal" sabi sakin ni Sydney through call. May earpiece kasi ako sa tenga ko. May pinindot naman ako sa tenga ko indication ng replies. Kung isang pindot, ang tanong nito is saan, kung dalawa sino, kung tatlo paano. So pinindot ko yung button sa earpiece ko ng tatlong beses. Hinawi ko ang buhok ko para kunwari nag kakamot lang ako ng tenga. Hindi kasi ako pwedeng magsalita baka mabisto ako at pina-organize tong earpiece na to sa daddy niyang IT.

"Nakikita ko ang kwarto niyo, may cctv diyan. Alam ko ang pwesto niyo kaya ganito. Ibigay mo ang plato papunta kila Stacey, dapat sunod sunod ha. Naka arrange na kasi, magsisimula na yun sa pinto at dapat umikot papunta kila Stacey. Mga kasamahan ko na ang magdedeliver ng pagkain diyan. Diba may extra ricin ka diyan? Onti lang kasi yung nabili kong ganun dagdagan mo nalang mamaya. Ikaw na bahala. Basta may mapatay ka." paliwanag niya. Mabuti naman si Jv ang inuna.

--------

Ang plano dapat si Jv eh panira kasi si Charry buset. Si Stacey tuloy ang nalagok. Ang masama nahahalata pa ni Jv na ako na ang gumawa paking shet kasi! Pero okay na yan atleast may napatay na ako. Hahahaha. Well, siya na ang susunod na gagawa ng plano. Sino naman kaya ang isusunod nito. Tinignan ko siya at para bang nagtatanong. Ngumuso naman siya kay Charry. Ohh, mabuti naman para maalis na ang mga paepal.

Someone's no.2 POV

Hmmmm, pano ko kaya mapapatay si Charry.

Isip

Isip

Isip

Isip

Isip

Ting! Ahhh alam ko na. Well, this will work now. Hahaha.

Sydney's POV

Pinapanood ko sila sa Monitor ko ngayon kung saan kinakabahan sila sa ano mang mangyayari hahahaha. Palpak naman sila taena. Atsaka okay lang naman na mabisto kami ni JV, iisa lang naman siya eh hahaha pero gusto ko lang patagalin. Papatapusin ko muna na matapos ang 3rd killer para mapatay ko na ang sunod na victim ko. Im soo excited

JV'S POV

Marami nang mamatay ngayon kaya kailangan na naming umalis dito kwarto.

"Guys, need na natin umalis dito sa kwarto na to." sabi ko sa kanila.

"Pero paano?" Sabi ni Brandon.

Lumapit ako sa pintuan kung saan walang door knob o kung ano, sa labas lang talaga meron at yung nasa labas lang ang may access para buksan ang pinto. Tinignan ko ang paligid at tanging walang bintana. Dead end tong kwarto wala kang mapaglalabasan. As in wala talaga.

"Hi-hindi ko rin alam"sabi ko.

"Wala na si Stacey, baka may sumunod pa."sabi ni Eunice.

Oo tama siya, may isusunod pa dito. Pero parang nawawala bangkay ni Stacey.

"Nakita niyo ba bangkay ni Stacey?" tanong ko sa kanila.

"Oo, nandoon sa likod ng kurtina yata." sabi ni Dexter.

Pinuntahan ko naman yung sinabi niya. Hinawi ko ang kurtina pero pakingshet, ba't wala? Bumilis tibok ng puso ko, ibig ba sabihin nito may secret passage dito?

"WALA! WALA SI STACEY!" sigaw ko.

Nag-silapitan sila saakin at hindi makapaniwala.

"Whats's happening in this world"sabi ni Charry.

"Di kaya may secret passage dito?" sabi ko.

"Imposible! Kulong na kulong tayo dito" sabi naman ni Alexis.

"Aish." napakamot nalang ako sa ulo ko at bumalik sa pwesto namin, bumalik na rin sila at umupo sa lapag.

"Ano nang plano?" mangiyak ngiyak na sabi ni Akira.

"I dont know" bulong ko.

2nd Killer's POV

Gotcha! Its my turn now. Hindi ko din alam kung paano nawala bangkay ni Stacey. Ba't biglang nawala?

Alam niyo ba kung ano ang gagawin ko sa victim ko? Actually, hindi naman si Charry, parang gusto ko muna yung hindi nakaka exciting ang character. Soooooo, Si Eunice na muna.

"Eunice, halika ditoo!" tawag ko sa kanya. Lumapit naman siya saakin. Its time to act.

"Alam ko na ang plano huhu pero di ko alam kung paano gagawin" sabi ko sa kanya.

"Anong plano?" sabi naman niya.

"May nakita akong secret trapdoor doon sa may gilid tas may hagdan doon pero hindi ko alam kung papalabas yun dito" iyak ko.

"Halla, kailangan natin sabihin kila JV to!" sabi niya.

"No, hindi natin siya kilala okay? Baka nga kunwari di niya yun nakita eh para di tayo makalabas dito" sabi ko sakanya. Aba may powers yata ako sa pangtrayraydor hahahaha.

"Huhuhu tara tignan muna natin" sabi niya.

Tumayo na kami at pasimpleng pumunta sa likod ng kurtina at pumunta sa may madilim na gilid.

"Bakit andilim dito?" sabi niya.

"Para mapatay kita." sabi ko sakanya. Kinuha ko ang injection ko at tinurok sa sentido ng ulo niya. At bang! Patay.

Ezzzzzzz.

"Guyyyyys! Tuloooong!" sigaw ko. Papaniwalain ko muna sila.

Lumapit naman sila saamin at yinakap ni Dexter si Eunice. Awwwww poor relationship.

"Anong nangyariiiiii!?" hagulgol na sabi ni Dexter.

"Pumuntaa kami di-dito kasi naririnig namin boses ni Stacey, ta-tapos bigla nalang humandusay si Eunice, pinigilan ko pa nga yung nag-inject kay Eunice pero binali niya lang kamay ko"  tas sabay hawak sa kamay ko. Loool!

"Ibig sabihin meron ngang lagusan dito!"Sabi naman ni Akira

"E-eewan ko." utal kong sabi. Umiiyak parin si Dexter habang yakap yakap si Eunice.

"Sorry Dex, sana di ko nalang siya sinama dito para ako nalang sana yung namatay, sorry. "umalis na ako at pumunta sa pwesto namin. Kunwari pinupunasan ko ang luha ko.

"Tara na Brad" sabi ni Brandon sa kanya at hindi ko na masyadong marinig ang nangyari dahil hindi pa rin sila bumabalik dito.

Mission accomplished! Oh yeah.

A/N

Hahahahhaha nagustuhan niyo baaa? Kainis si 2nd killer noh? Sa next chapter doon na mangyayari ang deduction skills ni Detective JV! Kaya abang abang naaa ahihihi. Labyahhhh.

Dark Internet (SARAWARDS2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon