Link 1: The books

114 20 6
                                    

Charry's POV

Hapon na ng makauwi ako galing sa bahay nila Akira, dali-dali akong lumundag sa kama ko, pagod na pagod ako at the same time excited na rin ako, bukas na kasi ipapadala yung mga books na binili ko sa site na yun.

Inihanda ko na ang aking pera mula sa alkansya ko, nag-iipon kasi ako kung sakali mang may gusto akong bilhin.

Hindi ko namalayan, nakaidlip na pala ako sa sobrang pagod. Bakit napagod yata ako ng sobra?

~

Nagising nalang ako ng tumatahol ang mga aso ko, may tao siguro sa labas. Tinignan ko ang phone ko at pakingshet umaga na pala, huhuhu di ko man lang ako nakakain ng dinner ko.

"Teka lang poo!" sigaw ko sa labas.

Dali-dali akong nagpunas ng wipes para maalis man lang yung mga muta at tuyong laway na nag-kalat sa bibig ko hahahaha.

Pagkabukas ko ng pinto...

"Here's your order ma'am" abot sakin ng isang naka-black na jacket at nakangiti ang isang set ng libro.

Biglang sumilay ang isang ngiti sa aking mukha.

"Waaaaaah! etooo naaaa. Teka teka kunin ko lang saglit yung bayad ko ha" sabi ko doon sa naka itim na jacket habang patalon-talon pa akong pumasok sa bahay.

Pagkakuha ko sa pera ko, pumunta na ako agad sa gate namin at binigay ang bayad ko.

"Thanks ma'am, invite others to buy in our site" sabi niya.

"Teka, wala man lang ba akong pipirmahan?" nagtataka ako kasi kadalasan naman may pipirmahan pa eh.

"Wala na po ma'am, sige po una na po ako" sabi niya atsaka pinaandar na niya yung motor niya.

Aishhh, excited na ako buksan yung mga libro ko. Pumasok na ako sa bahay at binuksan ko na yung mga libro tas may nakaipit na bookmark. Black na bookmark siya tapos may text na nakalagay •bookmark from black internet•. Ahh baka sa site nila galing to, wala naman kasing linagay na bookmark yung author namin eh, nakita ko kasi sa page niya. Matawagan nga si Sydney kung may ganito din siya.

Riiiing riiinng

Nag-riring lang kaso ayaw niya atang sagutin. Di-nial ko ulit yung number niya pero iba yung sumagot.

"Pwede ba, wag ka munang tumawag ngayon? Kung ayaw mo ikaw agad isunod ko" sagot nung nasa kabilang linya.

"Teka, sino ka?" tanong ko sakanya, nakakatakot naman tong boses niya. Sheeeet.

"Sino yan ha? Tuloooong" Omggg si Sydney yun ah.

"Hoy! anong ginagawa mo sakanya" sigaw ko. Natatakot na ako para kay Sydney.

"Ahhhhhhhhhh! Tulooong, pleasee tulungan niyo akooo" namimilipit na ungol niya.

"Sydn-" may sasabihin pa sana ako kaso binabaan ako.

Paking-shet anong nangyayari sa kanya? Agad kong tinawagan si Akira para humingi ng tulong. Agad naman niyang sinagot ito.

"Akira, si-si Sydney, sa sa bahay nila, pinapahirapan siya, kailangan niya ng tu-tulong." nanginginig kong sabi sa kanya.

"ANO?! TUMAWAG KA NA BA SA PULIS?" nag-aalalang tanong niya.

"Hindi pa, tsaka wala akong number nila" sagot ko naman.

"Tara, pumunta na tayo sa bahay nila, magkita tayo sa waiting shed malapit sa kanila" agad naman niyang ibinaba yung call.

Nag-bihis na ako ng tshirt ko at pantalon, wala na akong pake kung hindi pa ako nakakaligo.

Umalis agad ako at nilock ko ang pinto. Sana okay lang si Sydney, kahit na hindi kami close nun, nakokonsensya parin ako kung may mangyari mang masama sa kanya.

Third Person POV

Tawa lang ng tawa si Sydney ng matapos ang tawag nila kay Charry. Hindi siya lubos makapaniwala sa kaplastikan daw ni Charry.

"Grabe noh? Napaniwala ko ang babaita, HAHAHA sure ako papunta na sila dito." saad ni Sydney sa kasama.

"Anong sila? Wag mong sabihin pati sila dinamay mo, akala ko ba si Charry lang?" nagtatakang tanong nito.

"Wala eh, damay na sila sa ginawa sakin ni Charry" nangigigil na sagot ni Sydney sa kanya.

"Buti nga naisipan mong gumawa ng website eh para naman dagdag thrill, the more, the merrier HAHAHA." sagot ng kausap ni Sydney na nagmistulang baliw na.

"Hayaan mo ang mga tauhan natin ang gumalaw" ngiti ni Sydney.

Dark Internet (SARAWARDS2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon