Chapter 8

522 75 2
                                    

Welcome to Performers Club

Ngayon ang araw na pinakahihintay ng mga estudyante na gusto sumali sa iba't ibang club lalo na yung mga new students. Earlier, our principal announced that today we can join to any club and half day lang ang class pero di magpapalabas sa school kasi dapat daw lahat ng students nasa kanya - kanyang club na napili.

Di ko pa din alam kung anong club ang pipiliin ko pero yung kapatid ko si Spring sigurado na sasali sa Performers Club. Nakuhanan ko na sya ng form kay Bel nung nakaraan, napakabait talaga ng taong yun kaya makakasali na ang kapatid ko.
Nag iikot ikot ako sa school kung saan magandang sumali, napakadami kasing pagpipilian, meron din palang drama club at art club dito. Napadaan ako sa Sports club at nakita ko yung guy na pinagtanungan ko nung first day of school. Natatandaan nyo pa ba?

"Uy Pare! Sasali ka ba dito sa min? Tulungan ka na namin." alok nung lalaki na pinagtanungan ko noon

"Tumitingin pa lang ako kung saan talaga ko sasali. Dito ba kayong club kasali? " pagtatanong ko sa kanila. May kasama pa kasi syang isang lalaki.

"Ahh ganun ba, pare? Oo dito kami kasali, basketball player kasi kami. Ako nga pala si Craig David Montecillo, Craig na lang pare. Eto namang kasama ko tropa ko din yan. "

"Russel Lei Sasaki, pare. Russ na lang pwede na yun. Sali ka na dito sa min, masaya dito. " pagpapakilala nila sa akin

"Ako pala si Klein, mahaba din pangalan ko pero pwede nyo ko tawagin sa pangalan na yan. Gusto ko din sana kaso parang may iba akong gusto salihan. Iikot na lang ako sa buong school para makapili. Salamat sa inyo" nalilito kong sabi sa kanila

"Samahan ka na namin, pare. Cool ka naman pala kausap. Simula ngayon tropa na tayo. " pagkasabi nya nun ay tinapik ang aking balikat

Tulad nga nung sinabi nila, sinamahan nila ko mag ikot sa buong school. Mukhang magkakaroon na ko ng kaibigang lalaki dito sa school, lagi na lang kasi yung grupo nila Japanese girl ang nakakasama ko. Isang oras na din kaming naglilibot sa school at pakiramdam ko ay nagrereklamo na tong mga bagong kaibigan ko sa pagod.

" Wala ka pa rin bang napipili Klein? Grabe ka naman pre, ano ba yung hilig mo? Yung hobbies mo? Dapat piliin mo kung saan ka mag eenjoy. " tanong sa kin ni Craig

" Actually marami akong kinahihiligan kahit basketball gusto ko din pero yung maeenjoy ko siguro masaya ko pag tumutugtog ako ng piano habang kumakanta. Narerelax kasi ako nun. " banggit ko

" Ehh yun naman pala. Anaknampucha kanina pa tayo paikot ikot, pinagpawisan na tayong tatlo, yan pala ang gusto mo gawin. Tara sa Performers Club. Tamang - tama andun yung crush ko. " nakangiting yaya sa amin ni Russ

Napaisip tuloy ako kung sino yung crush nya dun. Ang dami ko pang inisip sa club din pala na sinalihan ng kapatid ko ako mapupunta. Buti na lang may isa pa kong form. Sinulatan ko iyon at naglakad na kami papuntang Practice Room ng Performers Club. Napakadami din palang sumasali dito. Astig.

"Handa ka na ba Klein? Ipasa mo na yang form mo tapos hintayin mo, tatawagin ka. Dito lang kami titignan lang namin si crush. " utos sa kin ni Russ

Lumapit na ko kay Miss Sandy para ipasa yung form ko, mukhang huli pa ko magpeperform. Bigla akong kinabahan tsaka nahihiya na din dahil sigurado lahat ng tao dito nasa akin na ang atensyon sa mga oras na yun.

Habang naghihintay kami sa gilid ay napapanood din namin yung mga sumasali at magagaling sila. Hinanap ko ang kapatid ko para tanungin pero di ko sya makita. Paglingon ko dun sa dalawang kasama ko, ayun titig na titig sa grupo nila Japanese girl.

Hoy! Anong tinitignan nyo dyan? " tanong ko sa kanila

"Pare hindi ano kundi sino? Natutuwa lang si Russ na makita yung crush nya dito. " sagot naman ni Craig

" Pre kapag natanggap ka dito kahit araw - araw kita sasamahan magpractice para lang makita sya. Lipat na din kaya ako dito. " - biro ni Russ

Nahihiwagaan naman ako kung sinong crush ni Russ dito dahil ang nakikita ko lang na tinititigan nila ay yung grupo nga nila Felicity. Matanong nga..

" Russ! Sino ba dyan ang crush mo? Malay mo kaibigan ko pala pwede kita ipakilala. " tanong ko sa kanya para di na tayo manghula.

"Napakaganda nya talaga! " banggit ni Russ

Sa pag uusap namin ay may dumaang babae na nakapaldang brown at blouse na green. Nagulat kami nang biglang huminto yung babae sa tabi namin at ngumiti.

"Thanks pogi! Alam ko naman na maganda ko." sabi nung babae sabay kindat

"Walanjo! Miss di ako pumapatol sa mukhang puno hahaha." sagot naman ni Russ

Umirap sa amin yung babae saka umalis sa harapan namin. Tawang tawa talaga kami dun sa nangyari, nasita pa tuloy kami ni Miss Sandy na wag maingay.

"Ang tigas ng mukha nung babaeng puno na yun. Maganda daw sya hahaha. " tawa pa din ng tawa si Russ

" Seryoso na mga pre, sino ba talaga yung crush mo dyan Russ? " pag uusisa ko sa kanya

" Yung kapareho kong hapon. Ayun ohh si Faith, napakaganda nya diba? " pag - amin nya

Nagulat ako na si Faith pala ang gusto nya, akala ko naman si Belinda pwede ko syang ilakad. Dami nyang magugustuhan dun pa sa masamang ugali tsk.

"Sya? Bakit sya Pre? Anong meron sa kanya? " pangugulit ko sa kanya

"Kasi nga maganda sya tsaka astig yan kapag nakahawak ng arnis." sinabi nya yun ng puno ng paghanga kay Felicity

"Talaga? Classmate ko kasi sya pero di ko pa nakikita na humawak sya ng arnis. "

"Ayun naman pala pre, classmate ni Klein pwede ka nyang ipakilala sa crush mo, diba Klein? " tanong ni Craig sa kin

" Di kami close ng crush mo, sama kasi ng ugali nyan. Kung ako sayo pare wag na lang siya ang gustuhin mo, iba na lang. Wag na si Faith, madami pa namang iba dyan. " pangungumbinsi ko sa kanya.

"Alam ko naman yung pagiging maldita nya pero kahit ganun sya crush ko pa din sya. "
siguradong sagot niya

Di ko na lang pinilit si Russ kasi feelings naman nya yun, wala akong magagawa. Pero napaisip ako, tinignan ko si Felicity at masasabi kong maganda sya lalo na ang kanyang mga mata, masama lang talaga ang ugali. Mas gusto ko kasi yung mabait at malambing na babae talaga. Di rin ako makapaghintay na makita syang gumagamit ng arnis, tignan natin kung kaya nya kong talunin hahaha.

Nagulat ako ng biglang lumingon sa amin si Felicity at Belinda. Si Bel ay nakangiti habang si Felicity naman ay nakataas ang kilay at seryoso. Ano namang problema ng babaeng yun.

Ang tagal naman. Bakit hanggang ngayon di pa din ako tinatawag? Ang dami ng tapos at yung iba ay tulad namin nasa gilid lang at nanonood. Madaming kumanta at sumayaw pero bihira lang yung sumasali na gumagamit ng mga instruments. Swerte ko dahil may organ dun sa stage. Yun ang gagamitin ko mamaya habang kumakanta ko.

Napunta ang atensyon ko kay Miss Sandy ng tawagin ang susunod na sasali. Tama ba rinig ko? Next na ang kapatid ko, akala ko kanina pa sya kumanta. Nice mapapanood ko pa sya, alam ko naman na makakapasa sya dahil sa ganda ng boses nya. Niyaya ko ang mga bago kong kaibigan na pumunta sa malapit para manood. Gusto kong mapanood ang kapatid ko na kumakanta, alam ko kasi na medyo malungkot sya ngayon dahil wala pa syang bagong cellphone. Sabi kasi ni Eomma ichecheck muna kung pwede sa budget yung Iphone X na gusto nya. Tara panoorin natin ang Yeodongsaeng ko.

DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW. THANKS 😊

ctto for the media photo

Come Back & Be Mine (Wattys2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon