Chapter 21

443 32 7
                                    

GETTING TO KNOW EACH OTHER

KLEIN'S POV

Nung nakaraang linggo pa naganap yung Acquaintance Party namin pero yung mga tao walang tigil pa din sa panunukso sa amin ni Felicity. Tulad na lang kahapon nung lunch namin, ang iingay ng mga estudyante sa canteen.

" Uyy magkasama na naman silang maglunch. Bagay kayo. " 

"Kayong dalawa ha? Totohanan na ba yan? "

"Naks naman! Yieee!! "

Yan ang ilan sa mga tukso nila kahapon sa amin sa canteen. Di ko na nga lang pinapansin kaso si Felicity pinapatulan pa, walang pagbabago napakasungit pa din.
Aaminin ko na masaya ako pag kasama ko sya at iba ang epekto nya sa akin. Gusto ko pa syang makilalang mabuti kasi gusto ko din na mas mapalapit pa ako sa kanya.

Tumingin ako sa labas ng room. Hala! umuulan ng malakas. Buti na lang gamit ko yung kotse ni Eomma ngayon, nasira kasi yung motor ko. Pinapaayos ko pa.

" Good Morning Klein! Ang aga natin ahh. Nakapagreview ka ba sa Social Studies? Ang dami nun hahaha. " bati sa kin ni Bel

" Morning! Lagi naman akong maaga pumapasok. Nakapagreview naman , sana pumasa hehehe.  Buti di kayo nabasa, ang lakas ng ulan. Biglang buhos. "

" Pasado yan, ikaw pa. Di naman kami nabasa kasi may payong kaming dala ni Gail.  Gusto mo ng sandwich? " alok nya sa kin

Umiling ako bilang pagtanggi sa alok nya, alam ko kasi na breakfast nya yun. Minsan kasi kapag nagmamadali kami pumasok at di na nakakapag almusal, kapag maaga dumating ay bumibili kami ng food o kaya kumakain sa room. Second quarter exam namin kahapon and today. 2 days yung exam kaya medyo naging busy kami. Nauna natapos ang exam ng kapatid ko, 2 days din sila kaso nung nakaraang araw sila nag umpisa hanggang kahapon. Buti na lang natapos na exam nya, di kasi nakapasok ang kapatid ko ngayon. Mataas ang lagnat nya tsaka inuubo kaya di na pinayagan ni Eomma na pumasok. Teka,  Nasaan si Felicity?  Kung kailan naman exam saka wala pa siya. Anong nangyari dun?

To: Felicity

Where are you? Malapit na magstart yung exam. 15 minutes na lang.

Message sent

Tinext ko na sya para alam ko sasabihin sa teacher namin pag hinanap sya. Nasaan na ba yung babaeng yun? Nag aalala na ko.

" Gail bakit di nyo kasama si Felicity? Wala pa ba sya? "

"Wala pa sya kanina sa parking kaya nauna na kami. Naku, di sya pwedeng malate, exam ngayon. "

My phone is ringing right now.

Hello! Felicity Asan ka?

Klein andito ko sa parking, naihatid na ko kaso biglang umulan ng malakas, wala kong dalang payong. Lulusubin ko na yung ulan para umabot ako. Sandali lang.

Come Back & Be Mine (Wattys2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon