Chapter 31

336 22 11
                                    

LOVE OR FRIENDSHIP?

KLEIN'S POV

Lunes na naman. Maaga ko gumising para hindi malate sa aking klase. Matapos kong mag - ayos ng sarili ay tinawag ko na ang kapatid ko pati na rin si Eomma para mag almusal at nang makapasok ng maaga. Mahirap na baka mahuli pa kami sa mga klase namin. At bukod dun nasasabik na ko makita at makasama si Felicity ngayon. Sabi niya kasi ay papasok na siya ngayon dahil maayos na ang kanyang pakiramdam.

" Tara na Spring, tapos na kong kumain. Bilisan mo diyan. " utos ko sa kapatid ko

" Wait lang naman Kuya. Maaga pa naman ehh bakit ba nagmamadali ka? " sabay irap niya sa akin

" Ayoko lang na mahuli tayo at kailangan maaga ngayon dahil Monday. " singhal ko

" Sus! Kunwari pa. Sabihin mo hindi ka na makapaghintay makita si Faith Unnie. Kuya nahahalata ka na hihi. " panunukso niya pa

" Anong halata? Hindi noh? Kayo lang ni Eomma nakakaalam na gusto ko siya. Bilisan mo na diyan. " nakangiti kong tugon

Matapos kumain ang kapatid ko ay agad kaming umalis para pumasok na sa aming klase. At tulad ng ginagawa ko madalas, hinatid ko muna ang kapatid ko bago ko tumuloy sa klase ko. Naabutan ko sila Camille at Gail na nasa labas ng room at mukhang may hinihintay.

" Hi Klein! " bati ni Gail sa kin

" Morning! " ngiti ko sa kanila " Anong ginagawa niyo dito? "

" Hinihintay lang namin si Faith. Sabi niya kasi papasok na siya ngayon. " nakangiting tugon ni Camille

Napangiti ako at iiling - iling habang papasok sa classroom. Nakakatawa na tulad ko ay sabik din silang makita si Felicity. Nang mailapag ko na ang aking bag ay napansin ko na tahimik lang na nakaupo si Bel at mukhang tulala. Nilapitan ko ito para kamustahin.

" Bel! " tawag ko pero di niya ko napansin. " Uy! Anong nangyayari sayo? Ang lalim ng iniisip mo. " tanong ko

" Ha? " nababasa ko sa kanyang mata na parang nagulat siya na nasa harapan niya ako ngayon. " W-wala may naalala lang. " nahihiya niyang sagot

" May problema ba? Kamusta na kayo ni Felicity? Nakapag - usap na ba kayo? " sunod - sunod kong tanong sa kanya

" A-ahh ayos naman kami. Nakausap ko na siya. Wag ka mag - alala babalik na uli kami sa dati. May isang hiling lang naman ako sa kanya. " naiilang siya habang sinasabi niya yun sa akin.

" Anong hiling yun? Pwede ko ba malaman? " pakiusap ko sa kanya

" Hahaha secret sa amin na lang yun. Tsismoso ka ha? " sabay hampas niya sa akin

" Hahaha may pasecret - secret ka pa. " nakangiting tugon ko

Nadatnan kami ni Felicity na nagbibiruan ni Bel. Nakita ko na tumaas ang kilay niya at diretsong pumunta sa kanyang upuan.

Anong nangyari dun? Bakit parang wala siya sa mood?

" Good Morning Felicity! Musta na pakiramdam mo? " nakangiti kong bati.

"I'm fine. Balik ka na dun sa pwesto mo. Ang aga - aga nakikipagharutan ka. " singhal niya

Nakikipagharutan? Kelan? Nagbibiruan lang kami ni Bel. Anong nangyari dun?

Bumalik na lang ako sa upuan dahil dumating na din ang aming adviser. Mamaya ay kakausapin ko siya para ipaliwanag na di ako nakikipagharutan kay Bel. Kaya lang hindi ba defensive ako dun?

Come Back & Be Mine (Wattys2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon