Chapter 34

316 14 0
                                    

CONFESSION....

FAITH'S POV

It's my turn to give my explanation regarding what I felt right now. From the day that Belinda revealed her feelings to Klein, everything went wrong. Nung marinig ko yung sagot ni Klein sa sinabi ni Belinda, hindi ko alam ang nararamdaman ko. Aaminin ko nasaktan ako.

FLASHBACK....

" Mahal ko na siya Faith. At kapag nakikita ko kayong magkasama, nasasaktan ako. Nagseselos ako. " umiiyak siya habang binabanggit ang mga katagang iyon.

" Anong ibig sabihin nito? Bakit kayo nagtatalo na naman? " biglang singit ni Klein sa usapan.

Wala man lang kaming napansin na nakalapit na pala siya sa amin. Pero hindi niya na kasama sila Gail at Camille. Baka nauna ng umuwi.

" Ahh wala ito Klein. May pinag - uusapan lang kami ni Faith. " pagsisinungaling ni Bel

" Wag na kayong magkaila sa akin. Sabi mo nagseselos ka. Anong ibig sabihin nun? " takang tanong ni Klein kay Bel

Lumuluha na si Belinda at hindi alam kung paano sasabihin ito kay Klein. Napataas naman ang aking kilay sa pagdedeny niya rito.

" Wala nga yun Klein. Sige mauuna na ko sa inyo. " paalam niya

" Bel sandali lang. " sabay hawak ni Klein sa braso niya. " Gusto kong makatulong"

Wow! Kelan pa siya naging concern masyado kay Belinda.

" Aminin mo na sa kanya Bel kaysa nagkakaganyan ka. Para hindi ka na mahirapan at humiling pa sa akin. " sabi ko

" Anong aaminin nya? Anong hiniling ba niya sayo? Naguguluhan ako. " nalilitong tugon ni Klein

" Wala ako sa posisyon na magsalita Klein pero gusto kong malaman mo na hinihiling ni Bel sa akin na iwasan kita o layuan kita. " banggit ko kay Klein

" What? Bakit mo hinihiling yun? Anong problema mo? " halata ang galit sa tono ng kanyang pananalita

" Wait, let me explain Klein. Wag ka magalit sa akin. " pakiusap ni Bel sa kanya

" Fine. Explain it now. " seryosong tugon niya

Palipat - lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko hindi dapat ako nandito para magkaliwanagan sila.

" Kaya ako nakiusap kay Faith na iwasan ka dahil nagseselos ako kapag nakikita kong magkalapit kayo. Umpisa pa lang nagustuhan na kita Klein pero simula ng maging magkaibigan kayo ni Faith, hindi mo na ko madalas mapansin. Samantalang, ako yung una mong naging kaibigan, ako yung una mong naging close sa aming lahat. Simula nung maging close kayo ni Faith naichapwera na ko sayo. Aaminin ko wala akong karapatan sayo. Wala kong karapatan magselos pero anong gagawin ko. Nasasaktan ako tuwing magkasama kayong dalawa." mahaba niyang paliwanag habang lumuluha na naman

" Naiintindihan kita Bel. Dahil ang iba diyan ay nararamdaman ko din ngayon. Tulad mo ay nahihirapan din ako, nagseselos din ako...." tugon ni Klein

What? Gusto niya rin si Belinda? Yun ba ang ibig sabihin niya?

Pinutol ko ang pagsasalita ni Klein.

" What do you mean Klein? May gusto ka rin kay Bel kaya nahihirapan ka din? Mabuti pa kayong dalawa ang mag - usap diyan. Mauuna na kong umuwi. " sabay talikod ko sa kanila.

Di pa ako nakakalayo sa kanila ay hinabol na ako ni Klein. Naramdaman ko na pinigilan ako ni Klein sa braso at sinabi na huwag umalis.

" Please stay. I need you here. " sinsero niyang sabi.

Come Back & Be Mine (Wattys2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon