Chapter 36

314 16 0
                                    

FRIENDSHIP OVER

FAITH'S POV

I never imagined that the man I love will also feel the same feelings that I have over him. I'm so happy right now and can't help to feel "kilig" sa mga sinabi niya sa kin kanina. I thought si Belinda ang gusto niya kaya iniwasan ko siya pero noong naglakas ng loob siya na aminin sa akin na gusto niya ko, na mahal niya ko. Halos di ako makapaniwala. Sinasabi pa niya na I am his happiness. Parang ngayon lang naging maganda ang pangalan kong Felicity. Siya lang ang taong gusto ko tumawag sa akin sa pangalan kong Felicity.

I didn't expect that I will fall for him and I really can't explain why of all the guys that I've met, he is the one who can make me feel so special. And I'm talking to him right now over the phone. Naloloka ako sa mga sinabi niya ngayon. Napakadami palang tao ang nakakaalam ng nararamdaman niya para sa akin including Kuya Fer. Hindi ba siya natatakot kay Kuya? Malamang magagalit si Kuya pero di naman nanliligaw si Klein kaya wala namang magiging problema sa amin ni Kuya.

Naisip ko na matulog na dahil maaga pa ang pasok kinabukasan kaso kanina pa ko paikot - ikot sa kama ngunit di pa rin ako dalawin ng antok.

" Felicity! Ayokong masyado kang malapit kanila Russ. Nagseselos ako. May gusto ka ba sa kanya? " singhal ni Klein sa akin

" Wala kong gusto sa kanya atsaka bakit ba pinagbabawalan mo ko? Kung makabawal ka, akala mo boyfriend kita. " tugon ko

" Di mo nga ko boyfriend pero malapit na. Babantayan kita sa mga ibang lalaki. Can I court you? "

Nanlaki ang aking mata sa pagkabigla sa kanyang tanong. Di ko inaasahan na tatanungin niya iyon.

" Klein alam mo kung anong maisasagot ko diyan. Ayokong magalit at suwayin sila Papa. Mga bata pa naman tayo tsaka sabi mo maghihintay ka, diba? "

" Oo sinabi ko yun pero natatakot ako na baka pag dumating ang araw na pwede na kita ligawan ay may ibang lalaki ka ng magustuhan at mahalin. Ayokong maunahan ng iba. " nakanguso niyang sinabi na parang nagrereklamo

" Napakabata pa natin Klein. Wag mo na muna isipin yan, okay? "

" Pero Felicity.."

"Shhh! " pagpigil ko sa sasabihin niya. " Sa ngayon pag - aaral muna ang priority natin, hindi yang love love na yan. " kontra ko sa kanya

" Priority ko din ang pag - aaral ko. Hindi ko lang mapigilan na magselos at mahalin ka. Pero kung di ka pa handa, didistansya muna ko para di masyadong masakit kapag makikita kong sweet ka sa ibang tao. " malungkot niyang tugon

" Klein alam mo na kailanman di ako naging sweet sa ibang tao bukod sayo. Ang sinasabi ko lang ay natatakot ako na makarating sa Daddy ko dahil siguradong gulo yun. " singhal ko

"Naiintindihan ko Felicity. Mauna na ko. Ingat ka. " paalam niya.

Kitang - kita sa kanyang mata ang lungkot bago tumalikod sa akin. Hinabol ko siya para pigilan dahil pati ako ay nalulungkot. Pakiramdam ko ay tuluyan siyang lalayo sa akin. At hindi ko kakayanin yun. Oras at tamang panahon lang ang hinihiling ko.

" Klein wag naman ganito. Sabi mo maghihintay ka diba? " naluluha kong tanong

Tumango siya bago sumagot " Oo sinabi ko yun pero di ko na mapigilan yung nararamdaman ko. " sabay yakap niya sa akin. " Felicity nagseselos na ko at nasasaktan sa mga nakikita ko pero di ko magawang magalit dahil wala akong karapatan. " nararamdaman ko na malungkot at naiiyak siya habang yakap niya ako.

Come Back & Be Mine (Wattys2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon