Kabanata 13

77 3 0
                                    

Bruce's POV

Tinignan ko yung papalayong sasakyan ni Cheska.

*sigh*

Mali na naman yung diskarte ko. 

sigurado akong magkasama na naman silang dalawa.

Alam kong hindi hahayaan ni Francis na maulit yung nangyari dati pero--

*sigh*

"A-aahh.. Bruce--"

Napatingin ako kay Laila. 

"Bakit?"

"K-kasi, ano.. siguro uuwi na lang din ako. Tutal naman wala na din si Louise.. hehe"

"huh? Bakit?" tanong ko naman sa kanya

"D-di ba sya naman talaga ang dahilan kung bakit ka pupunta sa cake shop na yun? Since, wala na naman sya--"

Hindi naman tama kung hahayaan ko na lang na umuwi si Laila, isa pa.. kailangan ko din ng makakasama ngayon.

"Hindi lang naman si Louise ang pinangakuan ko di ba? Ang sabi ko ililibre ko kayong dalawa."

"H-ha?" parang nagulat naman sya sa sinabi ko.

Nginitian ko na lang sya.

"Tara na, andyan na yung Jeep." :)

-----

Pagdating namin dun sa cake shop, nag-order ako ng isang buong black forest cake.

"A-ahh.. Bruce? kaya ba nating ubusin yan?"

Napatingin ako sa cake na hawak ko.

*sigh*

Oo nga pala, wala si Louise..

"Pabalot na lang natin kapag hindi natin naubos." tapos nginitian ko sya

Inilapag ko na yung cake dun sa table namin at nagsimula na kaming kumain.

Walang nagsasalita saming dalawa. Hindi ko kasi alam kung pano ako magsisimulang magsalita.

Bekii Boyfriend!! ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon