Kabanata 15

68 3 0
                                    

France POV

Huminto ako sa tapat ng isang malaking mansion.

Napatangin ako sa malaking gate sa harapan ng kotseng sinasakyan ko.

After 4 years.. ngayon na lang ulit ako nakabalik sa bahay na to.

*sigh*

Sumilip ako sa bintana nung sasakyan at tyaka ako bumusina, maya-maya lang din nama'y bumukas ang malaking gate sa harapan ko.

Medyo napangiti ako. Mukang kilala pa din pala ako sa bahay na to.

Magmaneho na ako papasok at inihinto ko ang sasakyang minamaneho ko sa tapat ng isang malaking pinto.

Bumaba ako at umikot papunta sa passenger seat at tyaka ko binuhat si Cheska palabas ng sasakyan.

Hindi na ako nag-abalang gisingin pa si Cheska. Kahit noon pa ay ginagawa ko na to sa kapatid ko, sa tuwing uuwi kami at nakakatulog sya sa sasakyan. Ganyan ka-spoiled ang kapatid ko sa akin.

Kahit naman loka-loka ang isang to ay mahal na mahal ko pa din to.

Pag-ikot ko ay agad akong sinalubong ng mga katulong at nagsilapit sila para sana tulungan ako kaso umiling lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Inakyat ko ang malaki at magarang hagdanan sa gitna ng bahay at nagdiretcho sa kwarto ni Cheska tyaka ko sya maingat na inilapag sa kama nya.

Napatingi ako habang pinagmamasdan ko ang natutulog kong kapatid. Mukang kahit papano namiss ko din ang gawin to sa kanya.

Hindi na ako nagtagal sa kwarto ni Cheska, lumabas din naman agad ako at nadiretcho pababa para makaalis na. Hinatid ko lang talaga ang kapatid ko.

Habang pababa ako sa hagdan ay nakasalubong ko ang mommy ko.

Mukang hindi nya inaasahang makikita nya ulit ako sa bahay na to.

"A-anak." medyo gulat na sabi nya.

Nginitian ko lang si mommy tapos bumaba ako ng kaunti para pantayan sya sa hagdan.

"Hinatid ko lang po si Cheska. Uuwi na din ako." sabi ko tyaka ko sya nilagpasan at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan

"Francis.." tawag sakin ni mommy.

Kahit hindi ako lumingon ay nararamdaman ko ang lungkot sa boses nya.

Napahinto ako sa paglalakad pero hindi ako lumingon sa kanya.

"P-pwede bang mag-stay ka muna kahit sandali.. anak?"

Hindi ako kumibo at nagpatuloy na lang sa paglakad. Ayoko nang tumingin pa sa kanya dahil siguradong hindi ako makakatanggi pag ginawa ko yun.

Bekii Boyfriend!! ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon