Kabanata 14

75 5 0
                                    

Louise POV

Inabot na kami ng gabi sa pamimili ng kung ano-ano!

TAKE NOTE HA. GABI NA!

Grabe! Ngayon ko napatunayang mayaman talaga ang pamilya ni France!

Ang daming pinagbibili ni Cheska at wala man lang syang paki kung magkano yung pinagbibili nya! Sabi ko nga wag na nyang bilhin yung dress na nakita ko kanina kaso binili nya pa din!

Dapat nga 5 dress ang bibilhin nya para sakin buti na lang at napigilan ko!

Binilan nya din ako ng sapatos para daw katerno nung dress. =___=

Wala naman akong nagawa kasi iiyak daw sya dun sa shop pag hindi ko tinanggap yung binibigay nya!

<("._ _)>

Ang sakit niya sa bangs!

Andito kami ngayon sa isang mamahaling restaurant at katatapos lang namin kumain.

Langya! Sumakit yung paa ko sa maghapong paglalakad at pag-ikot sa mall. T_____T

Napansin ko ding sobrang tahimik ni France, halos hindi na nga nya kami kibuin ni Cheska e. Magsasalita lang sya pag kailangan.

Ano kayang nangyari sa lalaking to?

"Mag Ice-skating naman tayo after nating kumain!" masiglang sabi ni Cheska

Takte! hindi ba nauubusan ng energy ang babaeng to?

"Parang hindi ka ata nauubusan ng energy ah.. hehe" sabi ko naman sa kanya

"Minsan ko lang kasi makasama si Kuya at pati na din ikaw ate kaya wala akong panahon para maubusan ng energy! hahaha"

Grabe! Hanga na ako sa kanya!

"Gusto mo na bang umuwi?" nagulat ako nung biglang magsalita si France sa tabi ko.

Magkatabi kasi kami ng upuan tapos si Cheska naman nasa kabilang side nung table, katapat namin.

"A-ako ba?" turo ko naman sa sarili ko.

Inirapan nya naman ako tapos nagpatuloy na sa pagkain. PSS. SUNGET! > 3 <

"Kung pagod ka na uuwi na tayo." sabi nya habang nakatingin dun sa steak na kinakain nya.

NAMAN! Hindi ko tuloy sure kung ako yung kausap nya! >__<

"A-ayos lang naman.. Tutal, minsan lang naman to kaya pagbibigyan ko na yung kapatid mo." sagot ko na lang sa kanya.

Bekii Boyfriend!! ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon