Kabanata 10

87 7 0
                                    

Louise POV

Maagang natapos ang klase ko ngayong araw kaya maaga din akong uuwi ngayon..

Wala din naman kaming usapan ni Bruce ngayon kasi busy din sya sa school works at projects nya.

Ngayong araw din dapat ang schedule ng date namin ni France pero hindi ko na aasahang pupuntahan ako ng isang yun. =___=

Mukang wala na naman kasi syang balak na magpakita sakin.. 

Kahapon nga sa resto, nawindang ako nung makita ko siya!

Nagkausap na kaya sila ni Bruce?! >___<

"Couz.. Uuwi ka na ba agad?"

"Oo sana. Wala naman kaming lakad ni Bruce kaya diretcho na ako sa bahay.."

"Naks! Ibang level na talaga kayong dalawa ah!"

"Pss.. baliw ka talaga!"

Habang nililigpit ko yung mga gamit ko, hindi ko sinasadyang marinig yung usapan ng mga classmate kong babae. 

Ang iingay kasi nila kaya dinig sa buong room yung chismisan nila!

"Girls!!! nakita nyo na ba yung gwapong nakatayo sa labas ng room natin?!!" classmate#1

Nagsilipan naman sa may pintuan yung iba kong classmate na babae. Ang aadik talaga ng mga to. =___=

"Kyaaaaa!! OO NGA! ANG GWAPO!" classmate#2

"Sheeet! sino kaya yun?!" classmate#3

"Ang gwapo nya sa uniform nya! Taga saang department kaya sya??" classmate#2

"Taga medical department sya kung hindi ako nagkakamali.." classmate#1

Nagulat naman ako nung biglang tumayo si Laila sa harap ng desk ko. Nakapamewang pa ang bruha!

"Hoy babae! akala ko ba wala kayong usapan ni Bruce ngayon?! Wag mo sabihing nakalimutan mo na naman!!"

"H-ha?.. wala nga kaming usapan ngayon! Tignan mo pa yung mga text nya.."

Pinakita ko naman kay Laila yung mga messages ni Bruce sakin. Mukang naniwala naman sya.

"EE bakit sya nasa labas??"

"Aba malay ko! Basta ang alam ko wala akong nakakalimutang may usapan kami.. Isa pa, busy yun ngayon. Baka naman ibang tao yung nasa labas."

"Sino naman yun aber?"

"Ewan! Tanungan ba ako ng mga taong nakatambay sa labas! kita nang magkasama tayo dito sa loob, ako pa ang tatanungin mo.."

Bekii Boyfriend!! ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon