Kabanata 18

70 2 0
                                    

Louise POV

(Next day)

Schedule ngayon ng date namin ni France, pero hindi ko sure kung dadating ba sya o hindi. =_____=

Kilala nyo naman ang isang yun. Pag may topak lang nagpapakita, kaya nga hindi ako masyadong nag-aassume na dadating sya kasi ayoko na namang madisappoint.

Ngayong ko lang naisip, nakakadami na kami ng date ni Bruce.. siguro mga 15 na din ata? kasi almost 3 weeks na din kaming lumalabas. Samantalang si France, wala pa atang 5 yung natatakan ko sa table nya. =____=

Pano kaya yun? mauunang matapos si Bruce? pero hindi pa din naman ako nakakapagdecide. 

Gusto ko si France pero ayokong saktan si Bruce.. mahalaga na din naman sya sakin at lagi syang nandyan sa tuwing kailangan ko sya. Pinapasaya nya din ako at nag-eenjoy din naman akong kasama sya. 

Habang tumatagal, lalo akong naguguluhan. (@____@")>

"Class, next week na ang midterm exam natin, kaya inaasahan kong ngayon pa lang ay nagrereview na kayo.." sabi nung prof namin sa English

*sigh*

Exam na naman pala! siguro dapat isang tabi ko muna ang love life ko at mag-aaral na muna ako para sa test. Medyo nanganganib na din kasi ako sa ilan kong mga subjects. Scholar pa naman ako.

Scholar ng nanay ko! HAHAHA (corny!)

"ang coverage ng exam nyo ay simula chapter 8 to blah.. blah.. blah.."

Hindi ko na masyadong naintindihan yung sinasabi ng prof ko kasi biglang nag-vibrate yung cellphone ko mula sa bulsa ng palda ko.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan kung sino yung nag-text.

Galing sa unknown number yung message.

From: 09157******

Hi. :)

--

The heck? sino kaya tong abnormal na to?

Hindi ko na lang pinansin yung message at tumingin na lang ulit ako sa prof ko.

Tsk. Tapos na syang magbigay nung pointers para sa exam. =____=

Di bale.. mangongopya na lang ako ng kay Laila, tutal naman hindi mawawalan ng notes yun! hehe

Maya-maya ay nagvibrate ulit yung cellphone ko at galing na naman dun sa unknown number yung message.

From: 09157******

Mag-reply ka naman..

Bekii Boyfriend!! ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon