"So, gravity is a force that pulls us down. That pull came from the electromagnetic field of the Earth beneath. So, my question is what part of the Earth's interior pulls that force?"
Teacher namin iyan sa Bio. Ewan ko ba kung bakit umabot siya diyan sa topic na 'yan, kahit saan papunta. Palibhasa bakla. Tsk.
"As always! Dodong Kenzo," ang laki ng ngiti. Purbida! Bakla!
Isa naman kasi itong si yabang! Psh. Pacute ng pacute! Burahin ko kaya yang mukha mo nang makita mo ang totoong cute!
"Sir, that electromagnetic field came from the outer core. It was said to be the most compact part of the Earth, that is why it pulls us down. And also, because of its components, mainly of Fe and Ni. Iron and Nickel respectively, are metallic such that it produces magnetic field," at umupo na siya. Sa palagay ko, maaaring nali siya, sa love kasi, pwede ka naman kasing mahulog sa mahal mo kahit hindi mo na kailangan ng force. Hindi kasi lahat nadadaan ng science paminsan may praktikalan. Oh well, hindi na ako magsasalita. Isa lang naman akong hamak na bagsak na estudyante eh.
Siya nga pala si Kenzo de Vera ang ubod ng yabang at super na hot at talino na running valedictorian at wala akong pakialam sa kanya.
"Very good. O kayo mga girls, magbasa na rin kayo at para magaya kayo nitong si Kenzo. Diba Mae Eris?" psh. Napaka gender racist.
Isa sa pinakaayaw ko ay yung dinadamay ako. Wala naman sanang pakialamanan! Kung anong gusto ko at kung hindi naman nakakasama sa taumbayan yun nalang sana ang masususnod. Sa pagkakaalam ko nasa Demokratikong bansa tayo eh. Dahil nabadtrip ako, kinuha ko ang bag ko at dire-diretsong umalis sabay na pekeng ngumiti sa napakagwapo at napakabwisit namin na teacher na nakangiti ng malawak sa akin.
Pagkalabas ko ng room dali-dali akong pumunta sa--- oops hindi na sa rooftop, masyado na kasing cliche eh, baka overpopoulated na ang tao doon kasi doon palagi pumupunta ang bida kapag nababadtrip.
Meron akong tambayan na ako lang ang nakakaalam. Nasa likod siya ng Admin Building namin. Isang treehouse. Noong una kong kita doon sira pa siya masyado kaya sa susunod kong balik doon inayos ko na siya, eh 2 years ago pa yun. 3rd year na kami nagyon eh.
Pagkaakyat ko. Binuksan ko agad ang radio at humiga tsaka pinikit ang mata.
Music is my remedy.
Yun ang motto ko. Maya-maya narinig ko nang tumunog ang bell at,"Requesting Miss Kang to proceed to the Admin building. Mr. Co wants to talk to you."
Sino na Miss Kang ang dami kaya namin?
"I am sorry. We are calling Miss Eris Kang." Lagot. Ako pala ang hinahanap.
Agad akong bumaba sa treehouse. Pero siniguro ko munang coast is clear. At dumiretso na nga ako sa Admin. Pagkadating ko hinanap ko agad si Mister Co. Ang sabi lang niya, hinahanap daw ako ni Miss Buenavista, ang aming English teacher.
"Good noon, ma'am," sabi ko. Tumango lang siya at ngumiti.
"Dear, did you already see your grades for the first quarter?"
"Opo. Ipapakick-out niyo na po ba ako? Please wag naman po, maawa po kayo. Pano na po ang future ko? Pagdating ko sa bahay papagalitan po ako. Ma'am sige na---," she cut me off by saying, "Shut up! Let me speak first, I'm here to help you. I'll assign Mr. De Vera as your tutor, after class dumiretso kayo dito sa office ko. ASAP. Or else bukas wala ka ng papasukan. ---."
"ANO? Ma'am naman."
"No buts. Dismissed."Dahil wala na akong magawa, lumabas na ako sa building.
WTF? de Vera as in Kenzo? No way! Pero baka makick-out ako? Eh hindi nga siguro niya ako kilala eh. Tapos ngayon kakausapin ko siya? No freaking way!
*Boogsh*
Habang naglalakad ako may nakabunggo ako at nabuhos niya yung coke niya sa akin. Pagtingala ko.
"Oy! Hindi ka ba magsosorry?" tanong sa akin ni Kenzo.
"Huh? Ba't naman ako magsosorry. Ako na nga yung natapunan niyan eh!"
"Kasalanan ko bang tanga ka?"
"FYI! Hindi naman kasi ako tanga na tumatakbo habang bitbit ang coke ko no!"
"W-wait. Your Miss Eris Kang right?"
"Yes! At ano namang pakialam mo?"
"Pinapatawag tayo ni Ms. Buenavista mamaya after class. Bye!" tsaka tumalikod.
Psh. No manners. Tsk.
***
Dismissal Time.
"Uy Kenzo, sabay na ta--," ay bastos tinalikuran lang ako.
Bahala siya basta pupunta na ako sa admin. Naglakad lang ako nang naglakad pero napansin ko wala naman palang pupintahan ang ugok nasa isang direksyon lang kami. Hindi lang talaga ako hinintay arogante talaga. Psh.
"Good afternoon, Ma'am," bati ko kay ma'am nang dumating ako sa cubicle niya.
"Good afternoon, too. Please have a seat both of you."
"So, I want both of you to shut up and listen to me okay? Okay. So,you already know my problems to both of you right? As for Eris, your grades and for you Mr. De Vera is your attitude," pagkadabi nun ni ma'am napatawa ako, "There is nothing funny in here Ms. Kang and if there is, it is your grades," at napatawa naman dito si Ken, "Now both of you,quiet. So, both of you will be tutoring each other. You, Kenzo, will tutor Eris in her acads. While you Ms. Kang you teach Mr. de Vera his manners. Are we clear?" pareho kaming umiling.
"What's the questions?" tanong ni ma'am.
"Ma'am until when do we stop this stupid thing?" pagtatanong ni Ken. Wala talagang manners.
"De Vera, control your mouth! This is not a stupid thing and as for your question. This will end until you learn. Are we clear?" at tumango na kaing dalawa, "Okay, dismissed. Wait! Since your starting today and it is gettong darker. Ken, why don't you bring Eris home?"
Ken left with no choice pumayag nalang siya.
"Sure ma'am, I am honored to," sabi niya sabay ngiti.
Psh. Nagpacute naman.
"By the way, you two resemble a good couple," sabi ni ma'am with her giggle.
•••••
Chapter One published! 12/25/14
burned_paper
375
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Подростковая литератураAn unexpected love story turned into its irony. Sabi nga nila love moves in mysterious ways dahil kahit na maraming flaws ang isang tao basta mahal mo magagawa mo pa rin itong tanggapin. Bakit kaya?