Marian's POV
"Marian, gising na, nandito si Ken," panggigising ni Ate.
"Ate, niloloko mo naman ako eh," sabi ko, "Five more minutes."
"Five more minutes eh 7:00 na! 7:30 dapat nasa school kana. Isa pa, kanina pa naghihintay si Ken dito."
Pagkasabi ni Ate nun, napabangon ako ng wala sa oras. OMG. 0.0
Dali-dali akong naligo. Nagbihis. Hindi na nga ako nag-almusal. Pagkababa ko, nandoon na si Ken sa sala.
"Ang tagal mo naman! Anong oras na!" bungad niya.
"Wow! Naghintay ka pa! Hindi ka na sana naabala. Psh. Alis nga! Pupunta na ako ng school," sabi ko sabay lakad lagpas sa kanya.
"Hoy! Ihahatid kita. Maghintay ka nga!" hindi ko siya pinansin.
Naghanap na ako ng jeep. Pero wala na talaga. Malapit na kaming malate. May biglang bumusina sa likod ko. Ang gandang sasakyan Porsche Carrera S. Woah!
Mas napawoah ako nung bumababa yung bintana ng sasakyan. Si Ken lang pala.
"Ano pang hinihintay mo? Sakay na!"
"Hmf. Mas gugustuhin ko lang sumakay ng jeep kaysa sumakay diyan sa kotse mo!"
"Ayaw mo talaga ah?" bigla siyang ngumiti ng nakakaloko at bumaba sa kotse niya, "Rule number one, follow the rules and the contract."
"Huh? Anong connect?"
"The contract says, susunduin kita everyday. Tara na! May utang ka pang isang dare!"
Ano? May dinagdag siya?
Hinigit na niya ako sa sasakyan niya. Bago ah, kahapon Toyota Vios yon eh. Ngayon naka-Porsche na.
Hayy. Naalala ko tuloy kung bakit tinanghali ako ng gising.
*Flashback*
Nakahiga na ako ngayon pero gindi pa rin ako makatulog, paano ba naman.
Paano kaya nalaman ni Ken ang bahay namin?
Bakit alam ni Chen na dito ang bahay namin?
Bakit pumayag si Ken sa sinabi ni Ma'am Buenavista, despite that fact na may pride siya?
at...
Merong instance na pwede akong nainlove sa kanya, o maiinlove siya sa akin.
Yun ang sabi ni Ate Ella sa akin kasi, psychologically, human nature ng tao kapag meron siyang kasamang oppossite gender may tendency na pwede siyang mahulog. At yun ang kinatatakot ko. Hindi to pwede. I need to find a way to prevent this.
*EOF****
Hindi kami late sa school. Wala kaming mga klase ngayon nakalimutan ko palang may activity. Mga seminar about sa boy-girl relationship. At dahil masipag nga akong mag-aral. Nag-sign lang ako ng attendance at pumunta sa Tree House. Wala namang tao eh. Hindi rin mahigpit ag security.
Tumambay lang ako doon. Nagbasa ng libro. Oo, kahit na tamad akong mag-aral nagbabasa rin naman ako ng libro.
Sandali lang may naririnig akong tao na papunta dito. Tago kasi itong treehouse hindi kalayuan sa Admin Building pero nasa gitna ng gubat. Imposibleng may makakakita nito.
Narinig ko na naman. Sumilip ako sa bintana, at ayun, may nakita akong naglalakad. Tumingala siya at nakita ko si... Ken?
Hindi niya ako nakita pero parang natakot yata hindi ko na nakita eh. Oh well, makapagbasa nga ng libro. Nasa climax na ako ng may biglang nagsalita.
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Teen FictionAn unexpected love story turned into its irony. Sabi nga nila love moves in mysterious ways dahil kahit na maraming flaws ang isang tao basta mahal mo magagawa mo pa rin itong tanggapin. Bakit kaya?