Mae Eris
As usual Math na naman kami. Malas nga at first subject sa umaga sakit sa ulo ang subject pati na rin ang teacher pano ba naman ang bagal magsalita nakakaantok.
Kasalukuyang pumipikit-pikit ang mata ko at hindi ko marinig ang sinasabi ng teacher.
"Kang, Mae Eris."
"Kang?"
"FOR PETE'S SAKE! KANG! YOUR SLEEPING AGAIN!"
As if on cue, bigla akong nagising.
"Ma'am? Present!" sabi ko sabay ngiti ng malawak. (^_^)/
"Class, pakisabi nga kay Kang kung ano ang pinag-uusapan natin."
Binulungan naman ako ng katabi ko na, "Nagtatanong si Ma'm kung ano daw ang value ng x."
"Ohh, patay," bulong ko sa sarili ko.
"This is getting out of hand Kang! Lumipat ka dito sa harap katabi ni De Vera. Gonzales doon ka sa seat ni Kang! Move! Now! At ikaw De Vera turuan mo ng math itong si Kang at ang liit ng grado niya sa First Quarter. Time na. Next time, I want to know some accomplishments with your status okay?"
Next sub Science -_-
"Hey there seatmate!"
Kinalabit ko yung katabi niya sa right niya dahil ako ang nasa left.
"Huy seatmate daw, tawag ka oh."
"Wala namang ganyan Eris babes."
"Babes? Ano sa tingin mo sa akin? Baboy? Umayos ka nga!"
"Oo nga no? Babs nalang."
"Babs?"
"Baboy."Binatukan ko nga. Alam niya bang ano ang hirap ko para mamaintain ang curves ko tapos tawag-tawagin niya lang ako na baboy?
"Okay class. Settle down."
Ay klase na pala. As usual, hindi ako nakikinig nakatingin lang ako sa labas.
Naramdaman ko nalang na may biglang nagpasa sa akin ng papel.
K: Mae Eris Kang!!!!!!
Aba? Mareplyan nga.
E: Oh?
K: Alam ko na kung anong tawag ko sayo.
E: Ano?!
K: Ekang.
E:Hahaha. Very funny. *Sarcasm*
K: Ayaw mo pa nun? Bakekang. Pffft. Hahaha.Binigay niya sa akin ang papel ulit pero hindi na ako nagreply. Nakakainis. Palibhasa.
K: Ui. Joke lang. Tara sabay tayo maglunch?
E: Maglunch kang mag-isa mo.
K: Please.Nilingon ko siya at nagpuppy-eyes pa. Napatawa ako ng malakas.
"Is there anything funny Miss Kang? Are you laughing at my lesson? Get out!"
Tumayo na ako sa upuan ko na nakayuko. Grabe naiinis na talaga ako. Nang nasa pinto na ako banda-
"Sir it was my fault. I think I should go out too."
Nang marinig ko yun. Bigla akong tumakbo papuntang treehouse. Nakakinis talaga.
"Hey! Wait!"
Huh? Ang bilis naman ata niya? Dahil nakaabot na nga siya. Nagsabay nalang kami. Pero naiinis talaga ako sakanya. Umagang-unaga, napapagalitan ako ng mga teachers. Idagdag mo pa ang isang mokong. Sad life.
~•~Pagdating namin sa treehouse, umupo siya at hinimas-himas ang ulo niya. Part of me gusto siyang tanungin part of me ayaw kasi galit sa kanya.
In the end, mas nangibabaw ang concern.
"Hey. Okay ka lang?"
"Yeah. Nahilo lang sa init."
"Sure ka?"
Nag-isip siya konti tapos bigla siyang nagsalita.
"May sak- I mean, may triathlon contest, I want you to come."
"Is that an request?"
"It's an order."
"Kailan?"
"Two weeks from now."Biglang tumunog yung PA system namin.
"Requesting Miss Kang and Mr. De Vera to please see Ms. Buenavista this lunch time."
Nagtinginan kami at nagkibit-balikat.
After non, pumunta na ako sa mini-library don at nagbasa ng libro. Napansin ko namang kinuha niya yung gitara doon sa gilid.
I remember that one time, may nagbigay sa akin niyan. Secret admirer daw. Eh hindi ako marunong magplay ng gitara, piano siguro pwede. Kaya iniwan ko lang yan dito.
"Ang ganda naman nito. Bigatin ang nagbigay. Mahal eh. Pahiram ah."
Tumango lang ako.
Nagstart siyang magpick ng strings. From that first chord, alam kong yun yung favorite song ko.
I remember sharing something to one of my ates before...
"Gusto ko yung lalaking marunong maggitara para maturuan niya ako. If he plays my favorite song and sings it. He's the one."
Napangiti ako. I was so young back then. Nakakahiya nga eh. Pero pinanghahawakan ko.
He continued picking the strings. Please. Don't sing. Don't sing.
"Let me be the one to break it up
So you won't have to nake excuses
We don't need to find a setup where
Someone wins and someone loses
We just have to say our love was true but has now become a lie"Is it just me na nafefeel yung kanta niya o heartfelt talaga ang pagkanta niya?
I just stared at him at napansin kong napatingin rin siya sa akin. It was magical. My heart raced. No. Hindi to pwede as much as possible. I won't like him. And never will. Agad kong iniwas yung tingin ko sakanya at binaling ito sa libro. Alam kong nakatutok pa rin siya sa akin.
I won't be paranoid. Hindi naman ako matitinag sa kanya eh.
~•~Lunch time na at pumunta na kami kay Ma'am Buenavista. She just reminded us doon sa deal at ininform kami na sinabi ng Math teacher namin sa kanya ang nangyari kanina.
Papunta na kami ngayon sa Canteen. Mapilit tong isa eh. Maglunch daw kami.
Habang naghihintay ako sa table at umoorder siya. Napatingin ako sa kanya. Ang manly pala niya. Ang astig nga niyang tingnan eh.
Ahhh. What am I thinking? No.
Nang pabalik na siya sa table. Bigla akong umiwas ng tingin.
"Nga pala. Mamaya na tayo magsa-syart ng first sessions natin."
"Yeah. Yeah. And about kahapon. Yung sa hindi mo pagsundo sa akin. And by the way, thanks for making me wait. You owe me one dare."
"Huh? Ah. Okay. Sure."Total matagal ko na tong gusto.
"Teach me the guitar."
"Huh? Ah. Eh. Ih. Ou naman. Basta punta ka sa triathlon ah."
"I'm not sure. But I promise, I'll try."
~•~Fast forward. Kasalukuyan kaming nagtututor ngayon ni Kenzo sa bahay namin. Ang galing niyang tutor. He's acting professional. Habang tinuturuan niya ako ng formulas nakatitig lang ako sa kanya.
Napansin siguro niya at tumingin rin siya sa akin. May nakita akong lamok kaya pinalo ko yung lamok sa may noo niya banda.
Bigla siyang namula at napahawak sa ulo niya. Nakaramdam ako ng panic. May nagawa ba ako?
Bigla siyang napahawak sa dibdib niya at sinabing, "T-tu- tubig."
Nang patayo na ako para kumuha ng tubig. Bigla niya akong hinatak sa kamay para makaupo ako dahilan para makapatong ako sa ibabaw niya. He was about to join his lips to mine nang bigla niya akong tinulak ng mahina at umupo.
"I'm sorry. I should go now.Bukas nalang. Bye."
Agad siyang lumabas ng bahay. Matagal akong napatulala doon. Mas dumoble ang gulat ko nang may pumasok sa pinto namin.
"Hi Maris! Miss me?"
"Elis? What are you doing here?"
~•~•~•Alam kong very late update ito pero I pronise I'll try to be consistent in updating.
Ano kaya ang role ni Elis sa story?
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Fiksi RemajaAn unexpected love story turned into its irony. Sabi nga nila love moves in mysterious ways dahil kahit na maraming flaws ang isang tao basta mahal mo magagawa mo pa rin itong tanggapin. Bakit kaya?