- new cover hehe.
–
Chapter 4: Movie Marathon
NAPATINGIN ako sa orasan, it's 6:00 am only. Tulog pa si Chad, napagpasyahan ko'ng hindi muna mag-training ngayong araw, I want to learn more about this academy, and also about my magic. How to use it properly.
Nagsuot ako ng jacket dahil mahangin sa labas. May iilan akong estudyante na nakasalubong, morning classes ika nga. Pinapahanda na din ni Hea– err, ni Tito Lau ang magiging uniform ko at mga gamit. I want to know what Tito Lau's rank is.
Pumunta ako sa library, guess what? Biglang may lumitaw na fingerprint detector, grabe naman ang technology dito, sobrang secure. Inilapat ko ang isa ko'ng daliri, wala pang limang segundo ay bumukas ang pintuan ng library. Napanganga naman ako sa laki at ganda nito.
There are 15 units. Hiwa-hiwalay ang shelves, una ko'ng pinuntahan ang EOA History, I want to know it first. Medyo marami ang tao sa library pero tahimik.
Binuklat ko ang nakuha ko'ng libro, ayon dito nakamit ng EOA ang tagumpay dahil sa malalakas na estudyante nito, at ang pinakamalakas na estudyante dito ay si– siya? For real? N. . . nakasulat ang pangalan ng aking ama sa libro na 'to. . .
David Yrros Froan siya ang huling tao na sumagip sa academy. Ayon din dito, si Dad ay may Subarashīdesu Mahō, it contains the most powerful magics. His hair was like a gradient one, color gray, blue at may pagka pinkish iyon. His eyes were color violet. May electric current na nakapalibot sa katawan ni Dad, om-fuck, he's the highest on all students here in EOA! Before.
And my mom, she was the third of the most powerful student here in EOA.
Caljie Dei Vytrix–Froan Uhuh, she was already married before leaving the academy, huh? Well, all I can say ay napakaswerte nilang dalawa. Though, sobrang busy nila lagi sa trabaho nila. We own 6 high companies, in different countries.
Muli ko'ng binuklat ang pahina ng libro, and here they are!
Isaac Lau Mercantile sabi dito, si Tito Lau ay isa sa mga namamahala sa paaralan. So? Hindi pala siya nag-iisa? Stupid, kaya nga isa sa mga namamahala e. Actually Tito Lau was also a former student here in EOA. He also have a subarashīdesu mahō and so namana ito ng kaniyang anak. Namatay ang asawa ni Tito Lau dahil sa paglalaban na naganap ngunit, nabuhay ang anak niya. Yeah, ang maarte niyang anak na si Meicy Jane Mercantile.
Ang powerful naman pala ng pamilya namin? Tsch, pero hindi ito madali. I have read many stories and all of it are fantasy. Makukuha o madadakip ang may pinakamalakas na kapangyarihan dahil gagamitin nila ito sa masama and so on.
Next, Giacelle Mercantile she's the most powerful teacher here in EOA before, it also said here na nag-asawa si Auntie dito, the name of her husband is Thyro Zalvski, may anak sila Auntie kaso nasa ibang Academy daw.
Marami pa'ng nakalagay sa libro ng EOA History, nabasa ko din dito ang pangalan ng magulang ni Chad. Leonardo Flear was the name of his father and Aczi Smith–Flear was the name of his mother.
