Chapter 2: Mahō
—
'DI KO NAMALAYAN kanina na nakatulog na pala ako.
Napamulat ako ng mata at kinusot-kusot muna ito. Geez, medyo nahihilo ako ah. Pagkatapos ko itong gawin ay napatingin ako sa isang kama na malapit sa akin, andoon si jerk na natutulog.
Hindi ko na muna siya inintindi bagkus ay tinaponan ko ng tingin ang mga bagahe ko. Kailangan ko na itong ayusin, gutom na ako.
Nag-unat ako saglit saka binuhat ang mga gamit ko upang ipatong ito sa kama at nang maayos ko na. Malaki naman ang kwartong ito, may sarili kusina, cr, veranda. Gano'n na ka-espesyal ang paaralan na 'to para palipatin ako ni Auntie?
"Hoy, Deaji anong tinutunganga mo diyan?" Narinig ko ang boses ni Chander.
"May iniisip lang, paki mo ba?"
"Tss. Go on, i-ayos mo na ang mga gamit mo, damn i'm hungry."
Tumango na lamang ako bilang sagot, gutom na din kasi ako, kaya wala na akong balak pa'ng makipagtalo sa kanya.
Hindi pa pala namin nalilibot ang academy, hindi kaya kami maliligaw dito?
"Hoy, Chad, alam mo ba ang pasikot-sikot dito?" Walang ganang tanong 'ko.
"Anong Chad?" Taas-babang kilay na pagkakasabi nito.
"Damn, just answer my damn question."
"Malamang hindi, pareho lang tayong newbie 'diba?" He rolled his eyes heavenward.
Okay, stupid Deaji.
"Tsk. Tara na." Inaya ko siya't iniwan sa loob, pareho naman kaming may susi, siya na ang mag-lock no'n.
"Ya, nasaan ba ang cafeteria nila dito?" Naka-taas kilay niyang tanong.
"Look, ikaw na ang may sabi na pareho lang tayong newbie, do you think na alam ko kung nasaan?"
"Tssk! Tara na, tara na. Ayaw ko makipagtalo sa minion."
Damn. Tsk!
Naglakad-lakad kami dito, sinusundan ko lamang siya, siya may gusto niyan eh. Sa 'di kalayuan may nakita kaming mga estudyante.
"Chad, try mo sila tanongin."
"Why would I?"