CHAPTER TWO

1.3K 21 1
                                    

TALA

     "Hello teacher and hello classmates!" masigla kong bati sa kanilang lahat.

Syempre reporting ko ngayon. Dagdag puntos pag medyo masaya ang intro ko. Tamang bisyo na din kagabi para malakas ang amats ngayon— charot!

Ngayon ko kailangang gamitin ang kaingayan ko. Dahil sa kaingayan ko, ayan napagreport tuloy ako ni Ma'am Hentai di makapaghintay. Parang laging may date at nag mamadali.

May dalaw, girl?

Mrs. Malina Chavez talaga ang pangalan niya. Ma'am Hentai lang ang gusto kong itawag kasi may lihim siya na ako lang ang nakakaalam pero pag binuking ko yung sikreto niya, ibabagsak niya ako sa subject niya.

"Dahil sa kaingayan ko kaya ako magrereport ngayon. Bago ako mag simula ay isa munang paalala ang ibibigay ko..." kinuha ko ang pinaghirapan kong gawin sa bondpaper na may magandang sulat.

Effort effort din pag may time.

"Wag akong gayahin, napagreport ako." nagkabungis-ngisan naman sila na parang mga asong amoy ng amoy at bubuyog na bulong ng bulong.

"So, eto na nga at mag sisimula na tayo." pumalakpak muna ako na ikinatawa naman ng mga kaklase ko. Mahirap kasing maging katawa tawang tao. Kahit hindi ka naman nag papatawa, pag tatawanan ka pa din nila.

Baka naman hindi talaga ako nakakatawa? Baka may mga sakit lang sa ulo itong mga kaklase ko kaya tumawa na ng tumawa.

"So ayon! Usapang bakit." paninimula ko sa unang slide na ginawa ko. Ewan ko nga kung bakit ganito ang irereport ko. Hindi ko alam kung paano tatakbo ang topic nito, nag isip nalang ako nang mga bakit na makakarelate ang mga listeners ko.

"Alam niyo. Nagtataka pa din ako kay Ma'am kung bakit ganito yung irereport ko." kamot ulo at gasumot pa ang mukha ko dahilan para matawa ang mga kaklase ko.

Kita mo tong mga to, sa ganda ng lahi namin tapos pagtatawanan lang nila ako? Nakakatawa't kapintas pintas ba talaga ang mukha ko? Di ba ako maganda? Sakit naman ng katotohanan.

"Continue, Ms. Dominguez." masungit na sabi ni Ma'am Hentai, napanguso nalang ako dahil sa kasungitan niya. 'Tanghaling tapat, napagsungitan agad ako. Lakas makakulo ng dugo niya sakin.'

"Dahil Edukasyon sa Pagpapakatao ang subject natin, naisip kong ikonekta ang tanong na bakit sa atin." nag move ako sa next slide kung saan may Brainstorming Web akong inilagay at ang nasa gitna non ang salitang bakit.

"Kaya niyo bang hulaan ang limang halimbawa o dahilan kung bakit tayo napapatanong ng bakit?" tanong ko sa kanila at may tatlong nag taas.

Tinuro ko ang most active student namin this year. "Yes, Chesa."

"I think, isa ang pamilya sa dahilan kung bakit ka mapapatanong ng bakit." biglang dumami ang nag taas ng kamay nung maupo na si Chesa. Tumango tango ako sa naging sagot niya at muling naghanap ng iba.

Pupuntiryahin ko yung di nag tataas ng kamay.

"Oh, Dakila." nag tawanan ang mga kaklase ko nung tinawag ko si Dakila na nag tatago sa pinakadulong upuan. Sorry but I need to do this, Daks.

Lumingon siya, kaliwa't kanan at nagkamot ulong tumayo. Mukhang hindi niya inaasahan na tatawagin ko siya. Eto namang mga kaklase ko, tumawa na ng tumawa.

Wala naman kami sa comedy bar. Mga tawa ng tawa. Gusto atang asawahin si Dakila. "Wag kayong maingay." suway ni Mrs. Chavez kaya nanahimik na ang mga kaklase ko.

"Ahm sa tingin ko lang naman, ano. Ahm... Yung ano." turo siya ng turo sa slide na ginawa ko at natatawa pa siya. Natawa nalang din ako kasi hindi niya masabi yung nasa isip niya.

PAFALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon