EPILOGUE

934 23 7
                                    

     Mabilis pa sa kidlat na nagtatakbo si Diego patungo sa bahay nina Tala. Hindi siya makapapayag na aalis nalang si Tala na hindi man lang nagpapaalam sakaniya. Bakit ba niya ginagawa kay Diego to? Bakit hindi man lang sinabi ni Tala sakaniya na pupunta siya sa Canada? Aabutin pa ng taon para makasunod si Diego sakaniya.

"I hate this, Tala but still I love you!"

Nasa harapan na siya ng bahay nito pero parang wala ng katao tao dito. "Tala! Tal!" tawag niya ngunit walang sumasagot at wala man lamang lumalabas.

"Tal! Keneth!" muli niyang tawag pero wala pa din.

"Tala—"

"Hijo?" natigilan siya't tumingin sa matandang babae. Kung hindi siya nakakalimot, ang matandang ito yung isa sa sinabihan niya noon na girlfriend niya si Tala.

"Yung girlfriend mo'y wala na diyan. Kanina pa silang alas onse umalis." sabi nung matanda. "Mas mabuti kung umuwi ka... nalang." hindi na niya pinatapos pa ang matanda at tatakbo siyang bumalik sa bahay nina Jhia.

Gagawa siya ng paraan para makita si Tala ngayon. Hindi man niya mapigilan ang pagaalis, makita man lang niya at makapagpaalam ng ayos ay okay na. 'Pero mas okay kung andito ka, Tala.'

Hindi niya alam kung saan siya hihingi ng tulong ngayon. Wala pa siyang lisensya para pumunta magisa sa airport. 'Fuck. Fuck. Fuck!'

"Diego!" tumigil siya sa pagtakbo nung may tumawag sakaniya kasabay ng pagtigil ng sasakyan sa harapan nito. "Justine?"

"I'm with Jiro, pupunta tayo ngayon sa airport. Sumakay ka na kung gusto mong maabutan pa siya... at pigilan siya." mas lalo siya natigilan sa si sinabi ni Justine. Totoo ba to? Kung makakasakay siya ngayon, maabutan pa niya sina Tala.

"Sakay na, pre!" utos ni Jiro at naalimpungatan naman siya. Sumakay na lamang ito at hindi niya mapigilan ang kaba. Mage-eskandalo siya sa airport at mangyayari talaga yon pag nakita niya si Tala.

Alam niya na hindi niya mapipigilan ang pag-alis nito dahil sa mahal ng ticket. Dahil kung mahal mo ang isang tao, hahayaan mo ang pangarao nito. Hindi mo pahihirapan na mamili ito. 'At mahal ko si Tala.'

Umiingay na ang kabog ng dibdib niya. Parang sasabog siya sa inis at kalungkutan. Mabilis palang binabawi ang saya, hindi pangmatagalan kundi pang mabilisan.

Malapit lapit na at nangangatog na siya sa kaba. Hindi niya alam kung ano ang mga sasabihin niya, hindi nga niya alam kung naiiyak ba siya o hindi. Basta ang alama niya lang ngayon ay kailangan niyang makausap si Tala.

"Kumalma ka, pre. Pinagpapawisan ka na eh, tissue oh." napapahid siya sa mukha niya gamit ang kamay sa sinabi ni Justone at tama nga ito, pinagpapawisan siya ganong malakas naman ang buga ng aircon.

Siguro, kailangan niya ngang kumalma. 'Pero tangina! Paano?!'

"Bakit di man lang niya sinabi sakin? Mababaliw ako sa kakaisip na lalayo siya sakin. Hindi ko naman siya mapipigilan pero sana sinabi niya." kinuha na niya yung tissue habang sinasabi yon at pasimpleng pinunasan ang ibabang bahagi ng mata niya.

Nararamdaman na niya na namamasa na ito. Kaya ayaw niyang magsalita kanina pa dahil isa na sa dahilan na mababaw ang luha niya.

"May malalim na dahilan yon, Diego." ani Jiro sakaniya. "Maaaring hindi niya sinabi sayo para di ka masaktan at mapigilan siya. Ganon kasi sa mga teleserye, pag aalis ang isang tao, ine-expect na niya na may pipigil then anong ending? Happy. But here in real world, kahit gustuhin mo, wala kang magagawa lalo na kung wala kang pera." naguguluhan siya pero ilang saglit ay sumang-ayon din.

PAFALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon