TALA
Tahimik lang ako habang naglalakad at nasa likod ko padin si Diego na daig pa ang bodyguard ko. 'Oh sosyal, body guard.' Inihatid nga niya ako. Etchusera siya.
Pagkatigil ko sa tapat ng bahay namin ay agad ko siyang hinarap. Mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko pero ilang saglit lang din naman ay nginitian na niya ako.
"Oh nakauwi ka na." sabi niya at napansin ko ang pagkabalisa niya. "Oo kaya umuwi ka na din. Shuu!" pantataboy ko pa sa kaniya at winasiwas ang kamay ko.
Tinalikuran ko siya at pumasok na ako sa loob. Sandali akong tumigil sa likod ng gate para magtago, hindi naman niya ako makikita dito. Nagintay lang ako ng isang minuto at muli akong tumingin sa labas.
Wala na siya.
'Woh! Buti naman-'
"Ate?"
"Ay palaka!" napatalon ako sa gulat at napatakbo palayo sa nagsalita. Napatayo ako ng ayos nung marinig ang utas na tawa na yon papasok sa gate.
Ang demonyo kong kapatid.
"KENETH!!!" nilapitan ko siya at kinutusan dahil sa katarantaduhang panggugulat niya sakin. "Aray!" tinulak niya ako dahilan para mabitawan ko siya at para kaming aso't pusa ngayon na magkatinginan pero ilang saglit lang bigla siyang ngumiti ng nakakaloko.
"Bago yon ah. Boyfriend mo?" pang-aasar niyang tanong at lumapit sakin. "Hindi ko sasabihin kay Inay basta bilhan mo kong butternut." napangiwi ako sa sinabi niya. Tinulak ko uli siya palayo sakin at naglakad na ako papasok sa loob ng bahay.
"Ano ka, utot?"
"Edi sasabihin ko kay Inay na boyfriend mo yon-"
"Manahimik ka, di ko boyfriend yon." tumuloy na ako sa pagpasok sa bahay at pasalamat ako dahil wala dito si Inay at Ate. Paniguradong isa't kalahting chismosa din ang dalawang yon pag nalaman na may ibang naghatid sakin at hindi si Justine.
"Eh ano? Manliligaw?" buntot niyang tanong hanggang sa makapasok ako sa kwarto ko. Hindi ko siya napagsaraduhan ng pinto dahil naunahan na niya ako sa pagpasok.
"Hindi."
"Eh ano? Stalker-"
"Shhhhhh!" nilamutak ko ang pagmumukha niya kasi naiingayan na din ako. "Keneth, kaibigan ko lang yon- kung kaibigan nga- pero wala. Malay ko din don. Saka kung stalker ko siya, masyado naman atang oa ang pagstalk niya di'ba? Ikaw," duro ko sa noo niya at ang kapal pa talagang umupo sa higaan ko.
"Wala kang issue sa buhay ko at wag kang maissue. Kaya lumabas ka sa kwarto ko kundi isusumbong talaga kita kay Inay na nanunood ka ng-"
"Oo nga, lalabas na. Galing mang scam." padabog siyang lumabas at padabog ding sinara ang pinto ng kwarto ko. Balak pa atang sirain ang buong bahay sa pagdadabog.
"Kulang talaga sa aruga iyon. Epal eh." hindi pa ako nakakapaghubad ng uniform ko nung may biglang magchat. Naiwan ko na namang nakabukas ang data ko at aasahan kong si Diego to kasi bibwisitin na naman niya ako.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan kung sino yon at muntik ng lumuwa ang mata ko sa nakita ko.
Justine Kal Romero
BINABASA MO ANG
PAFALL
Teen FictionTala Dominguez, naghahangad na maamin niya yung tunay niyang nararamdaman sa matagal na nitong kaibigan ngunit ang kaibigan nito ay kaibigan lang talaga ang turing sakaniya. Walang panahon na makipaglokohan sa iba, walang panahon na mag bigay ng pag...