CHAPTER ELEVEN

582 9 0
                                    

DIEGO

     "Tulungan mo sana ako, Meg." sabi ko sa babaeng kaharap ko ngayon. "Gawin mo sana yung favor na yon." dagdag ko pa.

"Susubukan natin, Diego. Hindi natin alam kung maganda ang kalalabasan nitong plano mo..." sandali siyang natigilan habang nakatingin sa likuran ko.

Nilingin ko yon at nakakapanlaki ng matang makita siyang nandito at papunta sakin. "Siya ba yung sinasabi mo?" tanong ni Meghan sakin at tango na lang ang isinagot ko

"Hey, Babe." umupo siya sa tabi ko at ika mo'y tuko kung makakapit sakin ng mahigpit.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakaniya at palihim na kinakalas ang kamay niya sa braso ko pero ayaw niya talaga akong pakawalan.

"Bibili lang sana ako dito sa S-Mart kaso nakita kita kaya pinuntahan kita dito. Ikaw, bakit ka nandito?" tanong niya na parang di nakikita si Meghan na nasa harapan.

"Meeting with her?" patanong kong sagot sabay turo kay Meghan. Tumingin siya saglit dito pero parang wala na uli yon nung tumingin siya sakin.

"Anyway, hindi ko talaga alam yung sasabihin mo bukas. Bakit ipagpapabukas mo pa? Pwede namang ngayon na di'ba?" tumingin ako kay Meghan at parang sinasabi nito na alisin ko sa tabi ko si Jillian.

"Jillian— este— Babe. May kausap kasi ako ngayon eh. Pwedeng mamaya nalang?" tanong ko sakaniya pero nginusuan ako at kinunutan ng noo.

"We're... having a conversation di'ba? So can you please go now? Kasi may mahalaga talaga kaming paguusapan eh. Di ka kasi belong." singit ni Meghan dahilan para mapunta na sakaniya ang atensyon ni Jillian.

"Sorry, sino ka ba?" tanong ni Jillian sakaniya. "Hindi ko alam, Babe. Nakikipagkita ka sa mga low class na tao ah." dagdag niya, tinignan ko si Meghan at hindi naman siya mukhang nainsulto sa sinabi ni Jillian.

Low class?

Seryoso ba to?

Di ba niya kilala ang babaeng kaharap niya ngayon?

"Anyway, ako si Jillian Cohen." lahad ni Jillian ng kamay sa harapan ni Meghan. "Rodriguez Company are not accepting a dirty hands from Cohen. And I don't care who you are?"

"Ano ka ba ni Diego, huh?" yamot na pagtatanong ni Jillian kay Meghan. "Saka bakit kayo nagkikita? May relasyon ba kayo, Babe?" pagbabaling na tanong sakin ni Jillian.

"I'm her ex." sagot ko.

"Ex ka na pala—" hindi naituloy ni Jillian ang sasabihin niya nung may ngiting nakakaasar sa labi ni Meghan.

"Diego, hindi ako makakapayag na isang linta ang ipapalit mo sakin. Sa dami dami ng isda sa karagatan, hindi lang pala hipon ang hinahanap mo." nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko yon ipinahalata, bagkus tinignan ko nalang ang magiging resksyon ni Jillian.

"Siguro ex na nga ako, pero hindi ako pumapayag na ganitong klase ng babae ang ipapalit sakin. Saan bang basurahan mo napulot ang babaeng to, Diego?" napalunok ako sa naging tanong ni Meghan sakin.

Ngayon ba talaga siya magtatanong nan?

"Nakakinsulto ka na ah." pinigilan ko si Jillian nung babalakin niyang tumayo at lapitan si Meghan.

PAFALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon