PA-FALL
Anim na letra, pero daang daang tao ang naloko niya.
Anim na letra kung saan pag nahulog ka ay talo ka.
Anim na letra na paniniwalain ka sa matatamis na salita.
Anim na letra na kaya kang saktan ng di ka minamahal.Hindi santo pero pwede na ding engkanto.
Sobrang lakas ng dating at hindi lang eksakto.
Magaling pumorma pero mas magaking manloko.
Magaling din sa lahat lalo na sa pang-gagago.Siya ang dakilang tao na makikilala mo.
Mabait, gwapo, masipag at perpekto.
Pero sa una lang siya nagiging seryoso at di maloko.
Hanggang sa dumating na sa puntong seryoso na ang ginagawa niyang panloloko.Maniniwala ka sa mga banatan niya.
Masisilaw ka sa mga kabaitang kaniyang pinapakita.
Habang unti unti kang napapalapit sakaniya.
Doon na nagsisimula ang plano niya simula palang nung una kayong magkita.Idadaan ka sa matatamis na salita.
Idadaan ka sa mga pangakong ipapako lang niya.
Ipapahaplos sayo ang tamis ng sandali kasama siya.
Pero nung nahulog ka, iiwan ka din pala.Ganan silang tao.
Pagsineryoso mo.
Ikaw lang ang ginagago.
At ikaw lang din ang natalo.Talo ka pagnahulog ka sakaniya.
Hindi ka na nga sasaluhin pero masasaktan ka pa.
Nabuo mo na ang sarili mo ngunit muling sinira ka niya.
Dahil sa lahat ng mga salita niya, nagpadala ka.Para kang isang maliit na dahon.
Bumagsak sa ilog at inaagos na ng alon.
Pinipilit mong umalis at gustong makaahon.
Ngunit nahulog ka na sa kaniyang patibong.At ngayo'y napagtanto mo sa sarili mo.
Nung nasaktan ka na ng todo dahil sa tulad niyang gago.
Ang pinili mo ay ang maling tao.
Pagmamahal ang nais mo pero para sakaniya isa lang tong laro.Para sakaniya isa ka lamang laruan.
Pwedeng gamitin at pwede ding iwan.
Pwedeng maging kasiyahan.
Pero sa huli, pa-fall parin yan.DONE
BINABASA MO ANG
PAFALL
Teen FictionTala Dominguez, naghahangad na maamin niya yung tunay niyang nararamdaman sa matagal na nitong kaibigan ngunit ang kaibigan nito ay kaibigan lang talaga ang turing sakaniya. Walang panahon na makipaglokohan sa iba, walang panahon na mag bigay ng pag...