Harlee's POV
Hi! Harlee Jane Morin Gray is the name! You can also call me, PRETTY!
Today is Sunday.
Hayy... ang bilis talaga ng araw... maya-maya ay pasukan na naman namin. Two weeks na lang din birthday na ni Aena. Nagbabalak sina Elsie at Wade na mag-isang regalo na lang kami sa kanya, yun ay ang mag out of the country kami for 7 days. Sabagay, hindi na rin masama 'yon.
Nagbihis ako dahil pupunta ako kina Aena para sabihin sa kanya ang plano namin. Hindi naman namin kailangan i-surprise siya kasi ayaw niya ng sinu-surprise. Ang tapang pa naman noong pinsan ko na 'yon nangangarate. Tsk.
Pagkarating ko sa kanila ay i-pinark ko lamang ang aking sasakyan kasi alam ko magtatagal ako rito. Bubulabugin ko si Aena. *insert evil laugh "huwag lang sana ako mahospital" **fingers crossed**
Naglakad na ako papasok ng kanilang bahay, nadatnan ko na nagbabasa si Tito Blaise ng libro, he is Aena's father. Kahit na nasa mid-40's na sila ni Tita Arabelle ay ang ganda at guwapo pa rin nila. Si Tita Arabelle ay nanonood ng cooking show sa TV. Iba talaga pag may edad na hehe. Iba na ang kinalilibangan.
Lumapit ako sa kanila at bumati "Hi po tita and tito. Is Aena here?" tanong ko sa kanila. "Aena? As usual nasa kuwarto nya" sabi ni Tita Arabelle sa akin. Hindi umiimik si Tito Blaise mukhang focus na focus siya sa kanyang binabasa, hindi mapuknat eh.
"Sige tita, pupuntahan ko po si Aena," sabi ko kay tita at umakyat na papunta sa kuwarto niya.
This time hindi ako sumigaw, dahan-dahan ko na binuksan ang pinto, gusto ko gulatin si Aena pero ako ang nagulat pagbukas ko, nakita ko siya na nakatayo sa harap ko with a blank expression on her face at naka-cross ang kanyang mga braso looking like she's expecting me to open the door kaya naman napasigaw ako,
"Oh My God!! Aena Blythe! You scared the hell out of me!" I said while still keeping myself from being stunned. Bumalik lang siya sa kama niya. Nakita ko na naroon ang kaniyang laptop. Pagkaupo niya saka niya pa lamang sinagot ang tanong ko.
"Eh, why the hell are you gonna entering my room without knocking?" Aena answered not giving me even a bit of a look.
Hindi na ako sumagot dahil matatalo lamang ako sa kanya.
Our family are well off, both my mom and my dad. Siyempre mayaman din sila Aena. Ang totoo nga niyan eh mas mayaman sila sa amin, pero konti lang naman hihi.
Her dad, Tito Blaise has his own Clothing Company and her mom, Tita Arabelle has her own Beauty Products Company. They both worked hard to have their own company. Yes, ipinundar nilang mag-asawa 'yon bago pa man sila ikasal. Galing sila pareho sa mayamang pamilya pero ayaw nila na umasa sa yaman ng mga magulang nila.
I can proudly say that they are part of our family— people who we can really look up to.
Kaya hindi nakapagtataka ang laki ng bahay at ang dami ng kanilang mga sasakyan. Sa kwarto pa lamang ni Aena alam mo na agad na mayaman sila. Her room has its own comfort room and walk in closet, pero hindi pa lahat ng damit niya ang nakalagay ro'n, napakarami niyang damit, mga bag at sapatos.
"Ano na naman ba ang ipinunta mo rito?" bagot na tanong ni Aena sa akin. Kahit kailan talaga and daling mainis nitong babae na ito. If we're not in the same family and if I do not know her personally I would be terrified just to talk to her.
"Ayaw mo ba talaga ako makit, Aena?" malungkot kong sambit kunwari sa kanya. She just shook her head knowing that I am just using my drama skills on her and that is why, again, my charms didn't work. Mission failed T_T
YOU ARE READING
A Peek to Aena's Dream (On-going)
Teen FictionA dream... might somehow be strange but- a dream might also be one that is comforting... it can also be one that is the future and it may also be one's fate. AENA, a girl that had a vivid dream... a dream that lasted in her memories... FOREVER.