CHAPTER 2

63 7 0
                                    

Aena's POV

When we arrived home, I went straight to my room and changed into my pambahay clothes. Bumaba na ako ulit para sana mag-dinner na, pero I saw mom still cooking our food so I sat on our couch and watched TV while waiting for her to finish.

Habang nanonood ako ay may umupo sa tabi ko, I ignored it dahil Oggy and the Cockroaches ang pinapanood ko.

"Baby Sis, sabi mo sa akin malaki ka na, eh bakita yan ang pinanonood mo?" tatawa-tawa niyang sabi sa akin. "Bro, watching cartoons is not a basis of being a child or an adult, FYI," mataray na sabi ko na lang sa kaniya. He then watched with me, daming sinasabi manonood din naman pala. ~_~

"Mga anak, let's eat," tawag sa amin ni mommy, pinatay ko na ang TV.

Pagkatapos namin kumain ay umakyat na ulit ako at naglinis ng katawan at natulog na.

"Blyyyyytthhhhhheeeee!!!!!!!" Argh!Sino ba yung sumisigaw! Arghh ang aga pa!! Bumalikwas ako at itinakip ang unan sa tenga ko, uma-umaga na lang ba may iistorbo sa tulog ko?! Tss. Wala pang tatlong segundo may sumigaw na naman. "Aena Blythe Gray Faeler!!!!!!!!" walang hiya talaga sino ba 'yon?! Tumayo ako nang wala pa sa huwisyo at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang pagmumukha ng pinsan/bestfriend ko na si Harlee.

"Whaff awre you doing heyre?" inaantok kong tanong sa kanya.

"Eww Blythe, maghilamos ka muna at magtoothbrush," sabi niya pa habang nagge-gesture ng shooo. Tss, Arte.

Paglabas ko sa CR ay nakaupo na siya sa tapat ng vanity ko at naglalagay ng lip and cheek tint sa labi nya. Ang aga-aga e nag-aayos, arte talaga tsk tsk. Napailing-iling na lamang ako sa kaartehan niya.

"So, what brought you here Lee?"

"Uhm just so you know Blythe, kararating ko lang galing States". Ay , oo nga pala binisita nila sila lola, nanay ni mommy. "So?" taas kilay kong sabi sa kanya. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Blythe. Wala ka pa rin pagmamahal sa akin ni wala man lang welcome back hug or kiss," nakasimangot niyang sabi which made me roll my eyes and approached her to give her a hug. That made me smile on the inside.

She is Harlee Jane Morin Gray, my first cousin. My mom and her dad are siblings; mom is older than her father. She is one of my best friends. Harlee is pretty, kaso nga lang ay madali magtampo at may pagka-OA rin, sila dapat ni kuya ang magkasama. Dito rin sila sa subdivision na tinitirahan namin nakatira. We're on the same age, sabi nga ng iba para kaming kambal.

"Tara na, nakahanda na ang breakfast," yaya niya sa akin at bumitaw sa yakap, hinila niya ako pababa ng hagdan. "Lee, ano ba iyang kasama mo parang tulog pa rin," my brother shouted from the door of his room. Kinukusot ko kasi ang mata ko habang humihikab. Tumawa na lamang si Harlee.

Tapos na kami kumain nang magsalita si Harlee, "Tita, aalis kami ni Blythe ngayon po ah? Kasama namin sila Reuben, doon kami tatambay sa Coffee Shop at papasyal din sa Dance at Recording studio namin hihi," nakangiti niyang sabi kay mommy.

"Okay, Lee," mommy replied.

Si Reuben ay pinsan ko rin dahil naman kay daddy. His name is Reuben Derek Herman Faeler. Kapatid naman ni daddy ang papa niya. That's why okay lang kila daddy na sila ang kasama ko at saka kilala naman lahat ng mga family namin ang mga bestfriends namin ni Harlee.

Naligo na ako at bumaba, naka-high waisted shorts lang ako, crop top at yung Vans Old Skool shoes ko. When I came to the living room, nakita kong tumayo na si Harlee at nagpaalam na kila mommy and ganoon din ang ginawa ko.

A Peek to Aena's Dream (On-going)Where stories live. Discover now