Helio's POV
Mga kanta ng ibong lumiliyab, mga alulong ng maputing lobo at mahinang sayaw ng mga alitaptap. They were my vivid dreams, or should I say memories?
Ako si Helio Irene Syla, 18 years old at nakatira sa Taergoria Citadel, Isang lugar kung saang mapayapang nakatira ang mga taong may kapangyarihan at wala. Pinamumunuan ito ng Royal Family na Villanueza.
Nalalapit na ang oras Helio, gigising na ang natutulog mong kaluluwa. Babalik ka at ikaw din ang mamumuno sa dalawang mundo. Ikaw ang balanse, ikaw ang...
*Krrrriiiiiiiinnnnggggggg
Nakagising ako dahil sa alarm ng phone ko. Ano pala napanaginipan ko kagabi? Ang weird nito. Hindi kasi ganyan ang mga panaginip ko. Puro kasi isang scenario na parang nasa isang lugar ako na sobrang ganda. Hindi ko nalang inisip ang panaginip ko kaya naligo nalang ako. Pagkatapos kong maligo nagbihis ako sa isang denim shorts at stripes sweater. Lumabas ako sa kwarto ko at bumaba sa hagdanan. Nakita ko si Mama na nagluluto at tinutulungan naman ito ng stepdad ko. They're having the time of their lives.
"Sweetie, Good Morning" sabi ni mama habang hinalikan niya ako sa pisngi.
"Good Morning Ma" sagot ko.
"Malapit na maluto ang breakfast kaya mag antay ka nalang" sabi nito at bumulak siyang magluto.
Pumanta ako sa sala at kinuha ko ag remote at in-on ko ang TV.
Palapit na ang pasukan at pinaghahandaan na ng mga faculty ang staffs pati ang mga Constell ng Euthoria Academy ang Opening nito para sa mga freshmen this school year. Mahigit 20 ang freshmen ngayong pasukan sa Euthoria Academy at nagsimula ng mag-alala ang headmaster nito na si Headmaster Gilvan dahil maliit ang freshmen, di katulad last year na humigit 90 ang freshmen. Kaya-
At binago ni kuya ang channel.
"Kuya Nyct naman! Nanonood ako nun eh!" sabi ko kay kuya habang nagpo-pout.
"Wala ka namang powers diyan Helio, kaya wag kang ano" sagot nito.
"Pustahan tayo, pag makapasok ako sa Euthoria Academy bigyan mo ako ng 1K Gold" sabi ko nito at napa smirk nalang siya.
"Sige! Pero pag hindi ka makapasok bigyan mo ako ng 2K Gold" saad nito.
"Deal!" sabi ko at tinawag na kami ni Mama para kumain ng almusal.
Pumunta kami ni Kuya sa hapag kainan at naka upo na doon sina Mama at stepdad kaya umupo na din kami. Nag dasal muna kami pagkatapos kumain kaagad. Natapos kaming kumain at niligpit ko ang mga plato at tinulungan naman ako ni kuya at si stepdad na daw ang bahala kaya bumalik kami sa sala at nanood ng TV.
Third Person's POV
Habang nanonood ng TV sina Helio at Nyct. Sa kabilang dako naman, Sa loob ng Euthoria Academy may kausap si Headmaster Gilvan.
"The Child of the gods... She has awoken..." sabi ng isang misteryosong lalaki kay Headmaster.
"What are you talking about Rognel? You clearly said to me na matagal pa mabubuhay ang sinasabi mong Child of the Gods" nagagalit na sabi ni Headmaster kay Rognel.
"Mali ang pangitain ko Headmaster Gilvan. Pasensya na kayo... But today! Today she will come back from her slumber and we still don't know who she is" sabi ni Rognel.
"Malaking problema ito... We need to find the that Child... and help her control her powers... She is a threat to us and to the other universe!" sabi ni Headmaster.
"She might be a threat to you Headmaster Gilvan, but to me. She is our savior! She will help create the balance of this world and the universe! No, She is the balance." Pasigaw na sagot ni Rognel. "I have to go now Headmaster, Hinahanap na ako ni Zaphir" dagdag nito.
BINABASA MO ANG
Euthoria Academy || Philia Universe
FantasyTaergoria Citadel, a land where Magic exists, and weilders attends a Special School for Abilities. Helio Irene Sylvia, was invited to attend this School by the Headmaster. Now, she has to learn how to control her abilities and find the true meaning...