Chapter 2: Day & Dinner

27 2 4
                                    

Helio's POV

Pagkatapos namin kumain ni Ally pumunta kami sa garden para pagmasdan ang mga bulaklak na nakapaligid dito. Nagpaalam si Ally kasi may pupuntahan pa daw siya kaya ako nalang isa dito sa garden. Habang tinitingnan ko ito, a flower caught my attention. It has Silver petals with the stem of a gold and diamonds for its leaf. Tiningnan ko ito ng mabuti at napa hanga talaga ako.

"It's called After Dawn" saad nang boses na parang kilala ko ito. Tumalikod ako at nakita ko si Allen.

"Bakit After Dawn?" tanong ko sa kanya. Hindi parin ako naka get-over sa nangyari kanina... Pero bakit siya nakikipag usap 'to sa'kin?! 

"It's called After Dawn because after the light of the sun starts to peek this flower will be flashing with different gemstones, today it is gold, silver and diamond but tomorrow it will change. When the moon slowly rises, the flower would slowly melt and it's nothing for the night." mataas na paliwanag ni Allen sa'kin.

I was mesmerized with what he said. Ang ganda talaga ng flower na'to! Parang maiiyak na ako sa sinabi ni Allen! Parang tao lang ito, gigising sa umaga, matutulog sa gabi. Hindi ko namalayan na nakatitig pala ako kay Allen at nahiya ako.

"I-I need to go..." saad ko at tumayo ako at pumunta sa susunod ko na subject.

Pumunta ako sa VN Building (Vaneen Bldg.). Pumasok ako at nakita ko kaagad ang room ko. Pumasok ako and what happened before happened again. Napatingin lahat sila sa akin. Hindi ko nalang sila pinansin at nakita ko si Ally na nasa likuran at pinuntahan ko siya at umupo sa tabi niya.

"Ba't natagalan ka doon?" tanong nito sa akin.

"Ahhh Wala... Napahanga lang ako sa isang bulaklak at hindi ko na namalayan ang oras" i tried to sound convincing as possible.

Naniwala naman ito sa akin at hindi na kami nag-usap. Biglang may tumalon sa mesa ko at nakita ko si Gaizzo na parang galit. Hala! Naiwan ko pala ito sa Cafeteria kanina!

"Sorry Gaizzo... pasensyahan mo na si mommy mo ha... Busy kasi ako..." sabi ko kay Gaizzo and I petted his fur. He seemed to like it and h fell asleep.

Pumasok ang isang lalaki na naka white lahat. Gwapo ito. Bumati kaming lahat sa kanya at naririnig ko ang mga bulungan ng mga kaklase ko.

Ang gwapo niya

Anong pangalan niya?

So hoooooot!

Ang cherep

Sana hindi nalang sila nag bulungan, rinig na rinig ang boses nila hanggang dito sa likuran ng room. Tatawagin daw namin siyang Sir. Franco. Wala kaming masyadong ginawa sa subject na 'to. Napakunot noo naman ako dahil bigla kong na isip kung ano ang familiar ni Ally.

"Hoy! Ally!" tawag ko sa kanya.

"Ano?" tanong nito.

"Ano pala ang familiar mo? Hindi ko pa ito nakita eh"" saad ko.

"Wala akong familiar Helio" sagot nito na parang may mali akong natanong.

"Ahhh... Sorry..." nasagot ko nalang habang naka yuko ang ulo ko.

"Okay lang Helio! Wag kang mag-sorry" sabi naman nito.

Natapos na din ang klase at pumunta kami sa susunod na subject. It was Weaponry 1. Pumasok kami sa kabilang  room at napanganga ako ng bumungad sa aking harapan ang malawak sa room na may mga bleachers at kung ano-anong weapons ang nasa kilid nito. Umupo kami ni Ally sa bleachers. Biglang pumasok ang isang lalaki na naka sando ito at Military pants (hindi ko alam anong tawag 'nun). Halatang halata ang mga muscles nito at halatang halata ang aura din nito. Bumati kaming lahat at umupo. Siya pala si Sir. Augustine. Wala parin kaming ginawa sa subject na ito kaya nag usap nalang kami ni Ally na kung ano-ano.

Euthoria Academy || Philia UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon