Chapter 1: Welcome to the Academy

36 2 0
                                    

Helio's POV

Kahapon palang naligpit ko na ang mga damit ko pati na din si kuya. Pinaliguan namin sina Gaizzo at Ember. Bumaba kami ni kuya dala-dala ang mabigat naming bagahe at nilagay ito sa sala. 11:50 AM palang kaya kumain muna kami kasama sina mama at stepdad.

"Helio, Nyct. Gawin niyo ang best niyo doon sa Acdemy ha. Huwag na huwag kayo mawalan ng pag-asa" sabi ni mama.

"Magpakabait kayo doon mga anak ha. Galingan niyo" dagdag ni stepdad.

"Opo mama at stepdad. Galingan namin ni Helio, huwag na huwag kayong mag-alala aalagaan ko itong batang 'to" sabi ni kuya habang ginugulo ang buhok ko.

"Kuya naman! Bago lang ako nag ayos ng buhok ko ah! Sinadya mo talaga 'yon" sabi ko sa kanya habang ginugulo ko din ang buhok niya. Nagtawanan lang sina mama at stepdad at kumain nalang kami.

Pagktapos namin kumain puunta kami sa sala ni kuya at nag-usap.

"Hindi ko pa alam ang powers mo Helio, ano pala mga powers mo?" tanong ni kuya.

Nilagay ko ang mga kamay ko sa ere at nagsimulang lumutang ang mga fireballs. Natulala nalang si kuya at nag smirk ako.

"Ikaw kuya? Anong powers mo naman?" sabi ko nito.

"Shaye Impectum" sabi ni kuya at may lumabas na maitim na mga ulap sa mga kamay nito.

Napahanga nalang ako sa ginawa niyo at ngumiti nalang siya.

"Teka ba't may pasalita-pasalita ka pang nalaman?" tanong ko.

"Trip ko lang para ma feel ko talaga ang powers ko" sagot nito.

Natawa nalang ako sa sagot nito at bumalik nalang kami sa panonood ng tv.

*Ding Dong

May nag ring sa doorbell, alam kong ito na ang susundo namin dalawa ni kuya kaya nagpa-alam na kami nina mama at stepdad at kinuha ang mga gamit namin pati na sina Gaizzo at Ember at lumabas kami. May isang limousine ang nakaparada sa labas, binuksan ng driver ang pintuan nito at pumasok kaming apat sa loob. Mahaba haba pa ang byahe patungo sa Euthroia Academy. Si kuya naman at ang mga alaga namin ay nakatulog habang ako minamasdan ko ang dinadaanan namin. Nakita ko kaano kaganda ang Taergoria Citadel. 

Pumasok kami sa isang malaking gate na kulay pilak at ginto, mayroon din itong malaking mga letra na EA. Ginising ko si kuya at ang mga alaga namin kasi nandito na kami sa loob ng campus ng Academy. Ang lawak lawak nito at may maraming iba't ibang klaseng bulaklak at puno. Pumarada ang sasakyan at nakita namin ang Constell, ito ang apat na mga estudyanteng may pinakamalakas na kapangyarihan sa buong paaralan. Lumabas kami ni kuya kasama ang aming mga alaga. Nang lumabas kami nahinto ang mga Constell pati ang mga ibang estudyanteng naglalakad nang nakita nila ang aming alaga.

Is that real?

No way

That's just unbelievable

What the heck?!

Hindi ako bingi guys, naririnig ko ang mga sinasabi ninyo. But why are they shock? Is there something wrong with me? or baka may mali kay kuya.

"That's your familiar?" sabi ng babae na may mahabang maitim na buhok.

"Pasensya na, pero... ano po yung familiar?" tanong ko.

"Your pet that's floating, tinatawag silang familiar" paliwanag ng babaeng may short blue hair.

"Ahh... Oo, Familiar ko po 'yan. Bakit po? Anong meron sa familiar ko?" tanong ko naman.

Euthoria Academy || Philia UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon