Helio's POV
Biglang lumapit sa akin ang Unicorn at lumiwanag ulit. Napapikit ulit ako sa mga mata ko. Binuka ko ang mga mata ko at may nakita akong isang babae. Puting puti ang kulay ng balat nito at rainbow naman ang kulay ng buhok nito.
"Ako si Laetus. Ang ina ng mga Unicorns at ako ang tagabantay ng forest na ito." Saad nito.
Napatulala ako. Naging tao siya?! Paano?! Tapos bantay pa siya sa forest na ito?!
"Umm.. Maa La-Laetus" Nauutal kong sabi.
"Ano 'yun Hija?" Tanong ni Maam Laetus.
"Ano... Bakit mo ba ako pina punta dito?" Saad ko.
"Ay! Oo nga pala. Basahin mo nga ang libro na ito" Sabi ni Maam Laetus at may binigay siya na pamilyar na libro.
"Nabasa ko na po ito Maam Laetus." Sabi ko. Oo nga nabasa ko na ito. The Mystery of The Lost Legend.
"Helio, Ikaw ang reincarnation ng The Lost Legend. Ikaw si Heli" Saad ni Maam Laetus.
"Maam, Hindi ako si Heli. Isa lang akong Fire Wielder. Hindi ko ma-wield ang ibang tatlong elements." Tutol ko sa sinabi ni Maam.
"Kaya ka nga nandito sa akin Helio. Ako ang Earth Elemental Guardian. Tutulungan kita paano mo gamitin ang kapangyarihan mo." Saad ni Maam.
"Magsisimula tayo ng training bukas. 7:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon." Dagdag ni Maam.
Lumiwanag ng mahina at bumalik si Maam Laetus sa pagiging Unicorn nito.
"Pua, Kael, Ila, Berd, Sul at Lila. Sabayan niyo si Helio." Sabi ni maam at biglang lumabas ang anim na maliit na unicorn. Ang kanilang buhok ay isa isang kulay ng bahag hari. Tiningnan ko si Maam at ang buhok nito ay puti.
"Yes Maam!" Sabay sabay nilang sabi.
"Kita nalang tayo bukas Helio" Sabi ni Maam Laetus at biglang nawala.
"Tara na Heli!" Sabi ni Pua
"Oo nga Ate Heli. Tara na!" Dagdag naman ni Sul na may asul na buhok.
Pinuntahan ko sila at sinabayan nila ako paputa ng Constell Building. Pumasok ako at nagpaalam sa akin ang mga maliit na Unicorns.
"We need to find her now!" May narinig akong sigaw.
"Nawawala siya tapos wala kayong ginawa! You're all so useless!" Sigaw naman nito.
Pinuntahan ko kung saan nangaling ang ingay at nasa sala silang lahat at nakatayo si Allen.
"Heli!" Sigaw ni Kuya.
Tumalikod naman si Allen at tumakbo siya patungo sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Where were you? I was worried" Saad nito at niyakap niya ako ng mas mahigpit. Wala akong masagot sa sinabi ni Allen at nakatayo lang ako doin habang niyayakap niya ako.
Hinila niya ako patungo sa Second floor at dinala niya ako sa kanyang kwarto.
First time ko pa dito sa kwarto ni Allen. Maganda dito. Sobrang minimalistic eh. White yata lahat gamit dito.
"Saan ka ba galing Heli?" Saad nito.
"May pinuntahan lang ako" Sabi ko habang nakatingin sa mga paa ko.
"Tingnan mo ako" Saad nito.
Hindi ko ito tiningnan kasi parang papatayin niya ako any moment from now.
"Tingnan mo ako!" Galit nitong sabi kaya tiningnan ko ito.
Galit ang mukha nito pero 'yung mata ay puno ng pag alala.
BINABASA MO ANG
Euthoria Academy || Philia Universe
FantasyTaergoria Citadel, a land where Magic exists, and weilders attends a Special School for Abilities. Helio Irene Sylvia, was invited to attend this School by the Headmaster. Now, she has to learn how to control her abilities and find the true meaning...